BATAS REPUBLIKA BLG. 10351

*Salin ng Official Gazette sa layuning maghatid ng impormasyon. Hindi ito ang opisyal na salin ng naturang batas.

Read in English

Blg. 5727

Blg. 3299

Republika ng Pilipinas

Kongreso ng Pilipinas

Kalakhang Maynila

Ikalabinlimang Kongreso

Ikatlong Sesyong Regular

Sinimulan at isinagawa sa Kalakhang Maynila, noong Lunes, ikadalawampu’t tatlo ng Hulyo, dalawang libo at labindalawa.

[BATAS REPUBLIKA BLG. 10351]

ISANG BATAS NA NAGBABAGO SA ESTRUKTURA NG BUWIS NA IPINAPATAW SA MGA PRODUKTONG ALKOHOL AT TABAKO SA PAMAMAGITAN NG PAGSÚSOG SA MGA SEKSIYON 141, 142, 143, 144, 145, 8, 131 at 288 NG BATAS REPUBLIKA BLG. 8424. KILALA RIN BÍLANG PAMBANSANG KODIGO NG RENTAS INTERNAS NG 1997, SANG-AYON SA PAGSÚSOG NG BATAS REPUBLIKA BLG. 9334, AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN

Ginagawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitípon sa Kongreso:

SEKSIYON 1. Ang Seksiyon 141 ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“SEK. 141. Mga Destiladong Spirits. Sa mga destiladong spirits, sang-ayon sa mga probisyon ng Seksiyon 133 ng Kodigong ito, ang kaukulang buwis ay ipapataw, tatayain at lilikumin sang-ayon sa mga sumusunod na iskedyul:

”(a) Epektibo simula 1 Enero 2013

”(1) Ang buwis na ad valorem na katumbas ng labinlimang bahagdan (15%) ng net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) bawat proof; at

”(2) Bílang karagdagan sa buwis na ad valorem na ipinataw dito, isang tiyak na buwis na Dalawampung piso (PHP20.00) sa bawat litrong proof.

“(b) Epektibo simula 1 Enero 2015

“(1) Ang buwis na ad valorem na katumbas ng dalawampung bahagdan (15%) ng net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) bawat proof; at

“(2) Bílang karagdagan sa buwis na ad valorem na ipinataw dito, isang tiyak na buwis na Dalawampung piso (PHP20.00) sa bawat litrong proof.

“(c) Bílang karagdagan sa buwis na ad valorem na ipinataw dito, ang tiyak na halaga ng buwis na Dalawampung piso (PHP20.00) na ipinataw sa ilalim ng Seksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2016 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Ang mga preparasyong pangmedisina, paglalagay ng flavor sa katas, at lahat ng iba pang preparasyon, maliban sa mga preparasyong panlinis, na, maliban sa tubig, ay bumubuo sa pangunahing sangkap ng mga destiladong spirits, ay mapapatawan ng parehong buwis na tulad ng sa pangunahing sangkap.

“Ang buwis na ito ay itataas nang sang-ayon sa proporsiyon ng anumang lakas ng spirits na binuwisan nang dagdag sa proof spirits, at ang buwis na ito ay ikakabit sa substance na ito sa sandaling maging ganito na ito, kahit pa ito ay ihiwalay paglaon bilang puro o di-purong spirits, o binago upang maging ibang substance bunga ng alinman sa proseso ng orihinal na produksiyon o ng anumang prosesong susunod dito.

“Ang ‘spirits o destiladong spirits’ ay ang substance na kilala bílang ethyl alcohol, ethanol, o espiritu ng alak, kasama na ang lahat ng pagbabantô, pagdadalisay at paghahalo nito, mula sa anumang pinagmulan, ng anumang prosesong isinagawa, at kasama na ang whisky, brandy, rum, gin at vodka, at iba pang mga katulad na produkto o halò.

“Ang ‘proof spirits’ ay alak na naglalaman ng kalahati (1/2) ng volume nito ng alkohol ng isang tiyak na grabedad ng pitong libo’t siyam na raan at tatlumpu’t siyam na pansampung libong bahagdan (0.7939) sa labinlimang antas sentigrado (15°C). Ang isang “litrong proof” ay nangangahulugang isang litro ng proof spirits.

“Ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta ng distilled spirits nang tingi sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa Kalakhang Maynila, hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added. Para sa mga destiladong spirits na inilalako sa labas ng Kalakhang Maynila, ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta sa destiladong spirits sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa rehiyon nang hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added.

“Ang mga pangunahing supermarket, sang-ayon sa naging pagmumuni sa ilalim ng Batas na ito, ay iyung mga may pinakamalalaking taunang kabuuang kita sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa Pambansang Tanggapan sa Estadistika, at hindi isasama ang mga tindahan o kiyoskong nagtitingi, mga tindahang convenience o sari-sari, at iba pang may katulad na katangian: Basta at, Na walang dalawang (2) supermarket sa talaan ng isasarbey ang may kaugnayan at/o sangay ng isa’t isa: Basta at, sa wakas, Na sakaling ang isang partikular na destiladong spirits ay hindi ipinagbibili sa mga pangunahing supermarket, maaaring isagawa ang sarbey ng presyo sa mga tindahang nagtitingi, sang-ayon sa kaso, batay sa patukoy ng Komisyoner ng Rentas Internas.

“Ang net na halagang pantingi ay tutukuyin ng Kawanihan ng Rentas Intenas (BIR) sa pamamagitan ng isang sarbey sa presyo sa ilalim ng panunumpa.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang pagpapababà ng mungkahing net na halagang pantingi ng hanggang labinlimang bahagdan (15%) ng aktuwal na net na halagang pantingi ay magtatakda ng dagdag na kaukulang buwis sa nagmamanupaktúra o nag-aangkat na katumbas ng nakatakdang buwis at ang kaibahan ng pinababang mungkahing net na halagang paningi sa aktuwal na net na halagang pantingi.

“Ang mga destiladong spirits na naipasok na sa domestikong pamilihan matapos ang pagkakaroon ng bisà ng Batas na ito ay sisimulang buwisan sang-ayon sa kanilang mga mungkahing net na halagang pantingi.

“Ang ‘mungkahing net na halagang pantingi’ ay mangangahulugan ng net na halagang pantingi na siyang layunin ng mga nagmamanupaktúra o nag-aangkat na maging halagang pantingi ng mga minanupaktúrang lokal o inangkat na destiladong spirits sa mga pangunahing supermarket o pamilihang pantingi sa Kalakhang Maynila para sa mga ipinagbibili sa buong bansa, at sa ibang mga rehiyon, para sa mga may mga pamilihang rehiyonal. Sa dulo ng tatlong (3) buwan mula sa paglulunsad ng produkto, pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Internas ang mungkahing net na halagang pantingi ng bagong produkto katapat ng net na halagang pantingi sang-ayon sa pagpapakahulugan dito at sa simula’y tutukoy ng tamang buwis para sa isang babagong ipinapakilalang destiladong spirits. Sa dulo ng siyam (9) na buwan mula sa naturang pagtitibay, muling pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Intermas ang naunang pinagtibay na net na halagang pantingi katapat ng net na halagang pantingi sa oras ng muling pagpapatibay upang sa wakas ay matukoy ang wastong buwis sa isang babagong pakilalang destiladong spirits.

”Lahat ng destiladong spirits na makikita sa pamilihan sa oras ng pagkakabisà ng Batas na ito ay bubuwisan sang-ayon sa antas ng buwis na itinakda sa itaas batay sa pinakahuling sarbey sa presyo ng destiladong spirits na isinagawa ng Kawanihan ng Rentas Internas.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang mga nagmamanupaktúra at nag-aangkat ng destiladong spirits ay kinakailangang, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, at sa loob ng unang limang (5) araw ng bawat ikatlong linggo mula roon, magpasa sa Komisyoner ng isang sinumpaang pahayag ng volume ng naipagbili para sa bawat partikular na brand ng destiladong spirits na ibinibenta sa kaniyang tindahan sa loob ng tatlong-buwang panahong agarang sinusundan.

“Sinumang nagmamanupaktúra o nag-aangkat na, sa paglabag sa Seksiyong ito, ay nagbigay ng maling pahayag o pagsasakatawan sa sinumpaang pahayag niya o nito ang alinman sa mga hinihinging mahalagang datos o impormasyon ay, sang-ayon sa pangwakas na matutuklasan ng Komisyoner na naisagawa ang paglabag, ay parurusahan ng isang buong pagkakansela o pag-aalis ng permiso sa kaniya o rito o upang magsagawa ng negosyo bilang tagamanupaktúra o tagaangkat ng destiladong spirits.

“Anumang korporasyon, samahan o pagsososyo na may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na lumabag sa Seksiyong ito ay pagmumultahin ng triple ng halaga ng mga buwis sa deficiency, surcharge at interes na maaaring tukuyin sang-ayon sa nilalaman ng Seksiyong ito.

“Sinumang may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Seksiyong ito ay magkakaroon ng pananagutang kriminal at parurusahan sa ilalim ng Seksiyon 254 ng Kodigong ito. Sinumang kusang tumulong o humikayat sa pagsasagawa ng alinman sa mga gayong gawain o omisyon ay magkakaroon ng pananagutang kriminal na tulad ng mismong nagsagawa.

“Kapag ang lumabag ay hindi isang mamamayan ng Pilipinas, agad siyang ipapatapon matapos niyang mapaglingkuran ang hatol, nang wala nang ibayong pagdulog para sa deportasyon.”

SEK. 2. Ang Seksiyon 142 ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“SEK. 142. Mga Wine [Alak]. – Sa mga alak, may kokolektahin sa bawat litro ng kapasidad na volume na magiging epektibo sa 1 Enero 2013, ang mga sumusunod na kaukulang buwis:

“(a) Mga sparkling wine/champagne anuman ang proof, kung ang net na halagang pantingi bawat boteng may pitong daan at limampung mililitro (750 ml.) na kapasidad na volume (hindi kasama ang kaukulang buwis at buwis na value-addded) ay:

“(1) Limandaang piso (PHP500.00) o mas mababa – Dalawandaan at limampung piso (PHP250.00); at

“(2) Mahigit sa Limandaang piso (PHP500.00) – Pitong daang piso (PHP700.00).

”(b) Mga still wine at wine na carbonated na naglalaman ng 14 na bahagdan (14%) ng alkohol kada volume o mas mababa, Tatlumpung piso (PHP30); at

“(c) Mga still wine at wine na carbonated na naglalaman ng mahigit sa 14 na bahagdan (14%) subalit hindi hihigit sa 25 bahagdan (25%) ng alkohol kada volume, Animnapung piso (PHP60.00).”

“Ang halaga ng buwis na ipinataw sa ilalim ng Seksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2014 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Ang mga fortified na wine na naglalaman ng mahigit sa 25 bahagdan (25%) ng alkohol kada volume ay bubuwisan bilang destiladong spirits. Ang mga ‘fortified wine’ ay mangangahulugang mga natural na wine na dinagdagan ng destiladong spirits upang palakasin ang alkohol.

“Ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta ng sparkling wine/champage nang tingi sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa Kalakhang Maynila, hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added. Para sa mga sparkling wine/champagne na inilalako sa labas ng Kalakhang Maynila, ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta sa sparkling wine/champagne sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa rehiyon nang hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added.

“Ang mga pangunahing supermarket, sang-ayon sa naging pagmumuni sa ilalim ng Batas na ito, ay iyung mga may pinakamalalaking taunang kabuuang kita sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa Pambansang Tanggapan sa Estadistika, at hindi isasama ang mga tindahan o kiyoskong nagtitingi, mga tindahang convenience o sari-sari, at iba pang may katulad na katangian: Basta at, Na walang dalawang (2) supermarket sa talaan ng isasarbey ang may kaugnayan at/o sangay ng isa’t isa: Basta at, sa wakas, Na sakaling ang isang partikular na sparkling wine/champage ay hindi ipinagbibili sa mga pangunahing supermarket, maaaring isagawa ang sarbey ng presyo sa mga tindahang nagtitingi, sang-ayon sa kaso, batay sa patukoy ng Komisyoner ng Rentas Internas.

“Ang net na halagang pantingi ay tutukuyin ng Kawanihan ng Rentas Intenas (BIR) sa pamamagitan ng isang sarbey sa presyo sa ilalim ng panunumpa.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang pagpapababà ng mungkahing net na halagang pantingi ng hanggang labinlimang bahagdan (15%) ng aktuwal na net na halagang pantingi ay magtatakda ng dagdag na kaukulang buwis sa nagmamanupaktúra o nag-aangkat na katumbas ng nakatakdang buwis at ang kaibahan ng pinababang mungkahing net na halagang paningi sa aktuwal na net na halagang pantingi.

“Ang mga sparkling wine/champagne na naipasok na sa domestikong pamilihan matapos ang pagkakaroon ng bisà ng Batas na ito ay sisimulang buwisan sang-ayon sa kanilang mga mungkahing net na halagang pantingi.

“Ang ‘mungkahing net na halagang pantingi’ ay mangangahulugan ng net na halagang pantingi na siyang layunin ng mga nagmamanupaktúra o nag-aangkat na maging halagang pantingi ng mga minanupaktúrang lokal o inangkat na mga sparkling wine/champagne sa mga pangunahing supermarket o pamilihang pantingi sa Kalakhang Maynila para sa mga ipinagbibili sa buong bansa, at sa ibang mga rehiyon, para sa mga may mga pamilihang rehiyonal. Sa dulo ng tatlong (3) buwan mula sa paglulunsad ng produkto, pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Internas ang mungkahing net na halagang pantingi ng bagong produkto katapat ng net na halagang pantingi sang-ayon sa pagpapakahulugan dito at sa simula’y tutukoy ng tamang buwis para sa isang babagong ipinapakilalang sparkling wine/champagne. Sa dulo ng siyam (9) na buwan mula sa naturang pagtitibay, muling pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Intermas ang naunang pinagtibay na net na halagang pantingi katapat ng net na halagang pantingi sa oras ng muling pagpapatibay upang sa wakas ay matukoy ang wastong buwis sa isang babagong pakilalang sparkling wine/champagne.

“Ang wastong klasipikasyong pambuwis ng mga sparkling wine/champage, nairehistro man bago o matapos ang pagpapatibay sa Batas na ito, ay tutukuyin tuwing ikalawang taon mula sa petsa ng pagpapatibay ng Batas na ito.

”Lahat ng sparkling wine/champagne na makikita sa pamilihan sa oras ng pagkakabisà ng Batas na ito ay bubuwisan sang-ayon sa antas ng buwis na itinakda sa itaas batay sa pinakahuling sarbey sa presyo ng sparkling wine/champagne na isinagawa ng Kawanihan ng Rentas Internas.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang mga nagmamanupaktúra at nag-aangkat ng mga wine ay kinakailangang, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, at sa loob ng unang limang (5) araw ng bawat ikatlong linggo mula roon, magpasa sa Komisyoner ng isang sinumpaang pahayag ng volume ng naipagbili para sa bawat partikular na brand ng mga wine na ibinibenta sa kaniyang tindahan sa loob ng tatlong-buwang panahong agarang sinusundan.

“Sinumang nagmamanupaktúra o nag-aangkat na, sa paglabag sa Seksiyong ito, ay nagbigay ng maling pahayag o pagsasakatawan sa sinumpaang pahayag niya o nito ang alinman sa mga hinihinging mahalagang datos o impormasyon ay, sang-ayon sa pangwakas na matutuklasan ng Komisyoner na naisagawa ang paglabag, ay parurusahan ng isang buong pagkakansela o pag-aalis ng permiso sa kaniya o rito o upang magsagawa ng negosyo bilang tagamanupaktúra o tagaangkat ng mga wine.

“Anumang korporasyon, samahan o pagsososyo na may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na lumabag sa Seksiyong ito ay pagmumultahin ng triple ng halaga ng mga buwis sa deficiency, surcharge, at interes na maaaring tukuyin sang-ayon sa nilalaman ng Seksiyong ito.

“Sinumang may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Seksiyong ito ay magkakaroon ng pananagutang kriminal at parurusahan sa ilalim ng Seksiyon 254 ng Kodigong ito. Sinumang kusang tumulong o humikayat sa pagsasagawa ng alinman sa mga gayong gawain o omisyon ay magkakaroon ng pananagutang kriminal na tulad ng mismong nagsagawa.

“Kapag ang lumabag ay hindi isang mamamayan ng Pilipinas, agad siyang ipapatapon matapos niyang mapaglingkuran ang hatol, nang wala nang ibayong pagdulog para sa deportasyon.”

SEK. 3. Ang Seksiyon 143 ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

”SEK. 143. Mga Fermented Liquor. – Ang kaukulang buwis ay ipapataw, tatayain at lilikumin para sa beer, lager beer, ale, porter, at iba pang fermented liquor, maliban sa tuba, basi, tapuy at katulad na fermented liquor sang-ayon sa sumusunod na iskedyul:

“Epektibo simula 1 Enero 2013

“(a) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60) o mas mababa, ang buwis ay Labinlimang piso (PHP15.00) kada litro; at

“(b) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay mahigit sa Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60), ang buwis ay Dalawampung piso (PHP20.00) kada litro.

“Epektibo simula 1 Enero 2014

“(a) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60) o mas mababa, ang buwis ay Labimpitong piso (PHP17.00) kada litro; at

“(b) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay mahigit sa Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60), ang buwis ay Dalawampu’t isang piso (PHP21.00) kada litro.

“Epektibo simula 1 Enero 2015

“(a) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60) o mas mababa, ang buwis ay Labinsiyam na piso (PHP19.00) kada litro; at

“(b) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay mahigit sa Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60), ang buwis ay Dalawampu’t dalawang piso (PHP22.00) kada litro.

“Epektibo simula 1 Enero 2016

“(a) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60) o mas mababa, ang buwis ay Dalawampu’t isang piso (PHP21.00) kada litro; at

“(b) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) sa bawat litro ng kapasidad kada volume ay mahigit sa Limampung piso at animnapung sentimo (PHP50.60), ang buwis ay Dalawampu’t tatlong piso (PHP23.00) kada litro.

“Epektibo simula 1 Enero 2017, ang buwis sa lahat ng fermented liquor ay magiging Dalawampu’t tatlong piso at limampung sentimo (PHP23.50) kada litro.

“Ang halaga ng buwis na ipinataw sa ilalim ng Seksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2018 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi. Gayumpaman, sa kaso ng mga fermented liquor na naapektuhan ng probisyon sa “walang pababang reklasipikasyon” sang-ayon sa preskripsiyon ng Seksiyong ito, ang apat na bahagdang (4%) pagtaas ay ilalapat sa kani-kanilang kaukulang halaga ng buwis.

“Ang mga fermented liquor na brewed at ipinagbili sa mga micro-brewery o sa maliliit na establisimyento tulad ng inuman at restawran ay mapapasailalim sa halagang Dalawampu’t walong piso (PHP28.00) kada litro na epektibo simula 1 Enero 2013: Basta at, Na ang halagang ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2014 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Ang mga fermented liquor na naipasok na sa domestikong pamilihan matapos ang pagkakaroon ng bisà ng Batas na ito ay sisimulang buwisan sang-ayon sa kanilang mga mungkahing net na halagang pantingi.

“Ang ‘mungkahing net na halagang pantingi’ ay mangangahulugan ng net na halagang pantingi na siyang layunin ng mga nagmamanupaktúra o nag-aangkat na maging halagang pantingi ng mga minanupaktúrang lokal o inangkat na mga fermented liquor sa mga pangunahing supermarket o pamilihang pantingi sa Kalakhang Maynila para sa mga ipinagbibili sa buong bansa, at sa ibang mga rehiyon, para sa mga may mga pamilihang rehiyonal. Sa dulo ng tatlong (3) buwan mula sa paglulunsad ng produkto, pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Internas ang mungkahing net na halagang pantingi ng bagong produkto katapat ng net na halagang pantingi sang-ayon sa pagpapakahulugan dito at sa simula’y tutukoy ng tamang buwis para sa isang babagong ipinapakilalang fermented liquor. Sa dulo ng siyam (9) na buwan mula sa naturang pagtitibay, muling pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Intermas ang naunang pinagtibay na net na halagang pantingi katapat ng net na halagang pantingi sa oras ng muling pagpapatibay upang sa wakas ay matukoy ang wastong buwis sa isang babagong pakilalang fermented liquor.

“Ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta ng fermented liquor nang tingi sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa Kalakhang Maynila, hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added. Para sa mga brand na inilalako sa labas ng Kalakhang Maynila, ang ’net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta sa fermented liquor sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa rehiyon nang hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added.

“Ang mga pangunahing supermarket, sang-ayon sa naging pagmumuni sa ilalim ng Batas na ito, ay iyung mga may pinakamalalaking taunang kabuuang kita sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa Pambansang Tanggapan sa Estadistika, at hindi isasama ang mga tindahan o kiyoskong nagtitingi, mga tindahang convenience o sari-sari, at iba pang may katulad na katangian: Basta at, Na walang dalawang (2) supermarket sa talaan ng isasarbey ang may kaugnayan at/o sangay ng isa’t isa: Basta at, sa wakas, Na sakaling ang isang partikular na fermented liquor ay hindi ipinagbibili sa mga pangunahing supermarket, maaaring isagawa ang sarbey ng presyo sa mga tindahang nagtitingi kung saan ipinagbibili ang naturang fermented liquor sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa patukoy ng Komisyoner ng Rentas Internas.

“Ang net na halagang pantingi ay tutukuyin ng Kawanihan ng Rentas Intenas (BIR) sa pamamagitan ng isang sarbey sa presyo sa ilalim ng panunumpa.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang pagpapababà ng mungkahing net na halagang pantingi ng hanggang labinlimang bahagdan (15%) ng aktuwal na net na halagang pantingi ay magtatakda ng dagdag na kaukulang buwis sa nagmamanupaktúra o nag-aangkat na katumbas ng nakatakdang buwis at ang kaibahan ng pinababang mungkahing net na halagang paningi sa aktuwal na net na halagang pantingi.

“Anumang pababang reklasipikasyon ng kasalukuyang mga kategorya, para sa mga layunin ng pagbubuwis, ng mga fermented liquor na nakarehistro sa panahon ng pagiging epektibo ng Batas na ito na magbabawas ng ipinataw na buwis dito, o ng bayad mula rito, ay ipagbabawal.

“Ang wastong klasipikasyong pambuwis ng mga fermented liquor, nairehistro man bago o matapos ang pagpapatibay sa Batas na ito, ay tutukuyin tuwing ikalawang (2) taon mula sa petsa ng pagpapatibay ng Batas na ito.

”Lahat ng fermented liquor na makikita sa pamilihan sa oras ng pagkakabisà ng Batas na ito ay bubuwisan sang-ayon sa antas ng buwis na itinakda sa itaas batay sa pinakahuling sarbey sa presyo ng sparkling wine/champagne na isinagawa ng Kawanihan ng Rentas Internas.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang bawat brewer at nag-aangkat ng fermented liquor ay kinakailangang, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, at sa loob ng unang limang (5) araw ng bawat ikatlong linggo mula roon, magpasa sa Komisyoner ng isang sinumpaang pahayag ng volume ng naipagbili para sa bawat partikular na brand ng fermented liquor na ibinibenta sa kaniyang tindahan sa loob ng tatlong-buwang panahong agarang sinusundan.

“Sinumang brewer o nag-aangkat na, sa paglabag sa Seksiyong ito, ay nagbigay ng maling pahayag o pagsasakatawan sa sinumpaang pahayag niya o nito ang alinman sa mga hinihinging mahalagang datos o impormasyon ay, sang-ayon sa pangwakas na matutuklasan ng Komisyoner na naisagawa ang paglabag, ay parurusahan ng isang buong pagkakansela o pag-aalis ng permiso sa kaniya o rito o upang magsagawa ng negosyo bilang brewer o tagaangkat ng destiladong spirits.

“Anumang korporasyon, samahan o pagsososyo na may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na lumabag sa Seksiyong ito ay pagmumultahin ng triple ng halaga ng mga buwis sa deficiency, surcharge, at interes na maaaring tukuyin sang-ayon sa nilalaman ng Seksiyong ito.

“Sinumang may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Seksiyong ito ay magkakaroon ng pananagutang kriminal at parurusahan sa ilalim ng Seksiyon 254 ng Kodigong ito. Sinumang kusang tumulong o humikayat sa pagsasagawa ng alinman sa mga gayong gawain o omisyon ay magkakaroon ng pananagutang kriminal na tulad ng mismong nagsagawa.

“Kapag ang lumabag ay hindi isang mamamayan ng Pilipinas, agad siyang ipapatapon matapos niyang mapaglingkuran ang hatol, nang wala nang ibayong pagdulog para sa deportasyon.”

SEK. 4. Ang Seksiyon 144 ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“SEK. 144. Mga Produktong Tabako. – May kokolektahing kaukulang buwis na Piso at pitumpu’t limang sentimo (PHP1.75) epektibo simula 1 Enero 2013 sa bawat kilo ng mga sumusunod na produktong tabako:

“(a) Tabakong pinilipit ng kamay o inihatid sa isang kondisyong ikokonsumo sa anumang paraan na iba sa karaniwang moda ng pagpapatuyo at pagpapatigas;

“(b) Tabakong inihanda o inihanda nang bahagya nang may gamit man o walang makina o instrumento o hindi natitipi o pinatamisan maliban kung iba ang nakasaad sa ibaba; at

“(c) Maliliit na pinong-putol at tápon, mga pútol, ginupit, cutting, tangkay at pinagpalisan ng tabako maliban kung iba ang nakasaad sa ibaba.

“Ang mga tabakong dahon sa sanga, tabakong inihanda o inihanda nang bahagya nang may gamit man o walang makina o instrumento o hindi natitipi o pinatamisan, maliliit na pinong-putol at tápon, mga pútol, ginupit, ginilit, tangkay, gitna ng dahon, at pinagpalisan ng tabako mula sa pagdadala o paghuhubad ng buong dahong tabako ay ililipat, itatapon, o kung hindi’y ipagbibili, nang walang anumang paunang bayad ng kaukulang buwis na itinatalaga rito, kung iyon ay iluluwas sa ibang bansa o gagamitin sa pagmamanupaktúra ng mga tabako, sigarilyo o iba pang produktong tabako na magbabayad ng kaukulang buwis ang pangwakas na produkto, sa ilalim ng mga kondisyon na maaaring itakda sa mga tuntunin at regulasyong pagtitibayin ng Kalihim ng Pananalapi, sang-ayon sa rekomendasyon ng Komisyoner.

“Sa tabakong talagang inihanda upang nguyain kaya’t hindi maaaring gamitin sa ibang paraan, sa bawat kilo, Piso at limampung sentimo (PHP1.50) epektibo simula 1 Enero 2013.

“Ang halaga ng buwis na ipinataw sa ilalim ng Seksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2014 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Walang produktong tabako na minanupaktúra sa Pilipinas at ginawa para iluwas sa ibang bansa ang tatanggalin sa kanilang lugar ng pagawaan o iluluwas sa ibang bansa nang hindi naglalagay ng bond na panluwas sa ibang bansa na katumbas ng kaukulang buwis nito kung ibinebenta sa bansa: Basta at, gayumpaman, Na ang mga produktong tabako na iluluwas sa ibang bansa ay maaaring ilipat mula sa lugar ng pagawaan patungo sa isang pasilidad na may bond, matapos maglagay ng isang paglilipat ng bond, bago ang pagluluwas.

“Ang mga produktong tabako na inangkat sa Pilipinas at nakatalagang dalhin sa ibang mga bansa ay pahihintulutang makapasok nang hindi naglalagay ng bond na katumbas ng halaga ng pananagutan sa adwana, kaukulan at value-added na buwis na nakatakda dito kung ibebenta sa loob ng bansa.

“Ang mga nagmamanupaktúra at nag-aangkat ng mga produktong tabako ay kinakailangang, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, at sa loob ng unang limang (5) araw ng bawat ikatlong linggo mula roon, magpasa sa Komisyoner ng isang sinumpaang pahayag ng volume ng naipagbili para sa bawat partikular na brand ng produktong tabako na ibinibenta sa kaniyang tindahan sa loob ng tatlong-buwang panahong agarang sinusundan.

“Sinumang nagmamanupaktúra o nag-aangkat na, sa paglabag sa Seksiyong ito, ay nagbigay ng maling pahayag o pagsasakatawan sa sinumpaang pahayag niya o nito ang alinman sa mga hinihinging mahalagang datos o impormasyon ay, sang-ayon sa pangwakas na matutuklasan ng Komisyoner na naisagawa ang paglabag, ay parurusahan ng isang buong pagkakansela o pag-aalis ng permiso sa kaniya o rito o upang magsagawa ng negosyo bilang tagamanupaktúra o tagaangkat ng mga tabako o sigarilyo.

“Anumang korporasyon, samahan o pagsososyo na may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na lumabag sa Seksiyong ito ay pagmumultahin ng triple ng halaga ng mga buwis sa deficiency, surcharge at interes na maaaring tukuyin sang-ayon sa nilalaman ng Seksiyong ito.

“Sinumang may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Seksiyong ito ay magkakaroon ng pananagutang kriminal at parurusahan sa ilalim ng Seksiyon 254 ng Kodigong ito. Sinumang kusang tumulong o humikayat sa pagsasagawa ng alinman sa mga gayong gawain o omisyon ay magkakaroon ng pananagutang kriminal na tulad ng mismong nagsagawa.

“Kapag ang lumabag ay hindi isang mamamayan ng Pilipinas, agad siyang ipapatapon matapos niyang mapaglingkuran ang hatol, nang wala nang ibayong pagdulog para sa deportasyon.”

SEK. 5. Ang Seksiyon 145 ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

”SEK. 145. Mga Tabako at mga Sigarilyo

“(A) Mga Tabako. – Ang kaukulang buwis ay ipapataw, tatayain at lilikumin para sa mga tabako sang-ayon sa sumusunod na iskedyul:

“(1) Epektibo simula 1 Enero 2013

“(a) Ang buwis na ad valorem na katumbas ng dalawampung bahagdan (20%) ng net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) bawat tabako; at

“(b) Bílang karagdagan sa buwis na ad valorem na ipinataw dito, isang tiyak na buwis na Limang piso (PHP5.00) sa bawat tabako.

“(2) Bílang karagdagan sa buwis na ad valorem na ipinataw dito, ang tiyak na halaga ng buwis na Limang piso (PHP5.00) na ipinataw sa ilalim ng Seksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon matapos iyon at epektibo simula 1 Enero 2014 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“(B) Mga Sigarilyong Ikinaha ng Kamay. – Ang kaukulang buwis ay ipapataw, tatayain at lilikumin para sa mga sigarilyong ikinaha ng kamay sang-ayon sa sumusunod na iskedyul:

“Epektibo simula 1 Enero 2013, Labindalawang piso (PHP12.00) kada kaha;

“Epektibo simula 1 Enero 2014, Labinlimang piso (PHP15.00) kada kaha;

“Epektibo simula 1 Enero 2015, Labingwalong piso (PHP18.00) kada kaha;

“Epektibo simula 1 Enero 2016, Dalawampu’t isang piso (PHP21.00) kada kaha; at

“Ang halaga ng buwis na ipinataw sa ilalim ng subseksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon* na epektibo simula 1 Enero 2018 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Ang mga sigarilyong ikinaha ng kamay na may kaukulang rehistro ay maaari lamang ikaha nang dalawampuan at iba pang kombinasyon ng pagkakaha nang hindi hihigit sa dalawampu.

“Ang mga ‘sigarilyong ikinaha ng kamay’ ay tumutukoy sa paraan ng pagkakaha ng mga piraso ng sigarilyo gamit ang mga kamay ng isang tao at hindi sa pamamagitan ng iba pang pamamaraan na gaya ng kagamitang mekanikal, makina o aparato.

“(C) Mga Sigarilyong Ikinaha ng Makina. Ang kaukulang buwis ay ipapataw, tatayain at lilikumin para sa mga sigarilyong ikinaha ng kamay sang-ayon sa nakasaad sa ibaba.

“Epektibo simula 1 Enero 2013

“(1) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha o mas mababa, ang buwis ay Labindalawang piso (PHP12.00) kada kaha; at

“(2) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay mahigit sa Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha, ang buwis ay Dalawampu’t limang piso (PHP25.00) kada kaha.

“Epektibo simula 1 Enero 2014

“(1) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha o mas mababa, ang buwis ay Labimpitong piso (PHP17.00) kada kaha; at

“(2) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay mahigit sa Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha, ang buwis ay Dalawampu’t pitong piso (PHP27.00) kada kaha.

“Epektibo simula 1 Enero 2015

“(1) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha o mas mababa, ang buwis ay Dalawampu’t isang piso (PHP21.00) kada kaha; at

“(2) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay mahigit sa Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha, ang buwis ay Dalawampu’t walong piso (PHP28.00) kada kaha.

“Epektibo simula 1 Enero 2016

“(1) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha o mas mababa, ang buwis ay Dalawampu’t limang piso (PHP25.00) kada kaha; at

“(2) Kapag ang net na halagang pantingi (hindi kasama ang kaukulang buwis at ang buwis na value-added) ay mahigit sa Labing-isang piso at limampung sentimos (PHP11.50) kada kaha, ang buwis ay Dalawampu’t siyam na piso (PHP29.00) kada kaha.

“Epektibo simula 1 Enero 2017, ang buwis sa lahat ng sigarilyong ikinaha ng makina ay magiging tatlumpung piso (PHP30.00) kada kaha.

“Ang halaga ng buwis na ipinataw sa ilalim ng subseksiyong ito ay patataasin nang apat na bahagdan (4%) bawat taon* na epektibo simula 1 Enero 2018 sa pamamagitan ng mga regulasyong panrebenyu na inilalabas ng Kalihim ng Pananalapi.

“Ang mga sigarilyong ikinaha ng makina na may kaukulang rehistro ay maaari lamang ikaha nang dalawampuan at iba pang kombinasyon ng pagkakaha nang hindi hihigit sa dalawampu.

“Ang pagpapababà ng mungkahing net na halagang pantingi ng hanggang labinlimang bahagdan (15%) ng aktuwal na net na halagang pantingi ay magtatakda ng dagdag na kaukulang buwis sa nagmamanupaktúra o nag-aangkat na katumbas ng nakatakdang buwis at ang kaibahan ng pinababang mungkahing net na halagang paningi sa aktuwal na net na halagang pantingi.

“Ang mga sigarilyong naipasok na sa domestikong pamilihan matapos ang pagkakaroon ng bisà ng Batas na ito ay sisimulang buwisan sang-ayon sa kanilang mga mungkahing net na halagang pantingi.

“Ang ‘mungkahing net na halagang pantingi’ ay mangangahulugan ng net na halagang pantingi na siyang layunin ng mga nagmamanupaktúra o nag-aangkat na maging halagang pantingi ng mga minanupaktúrang lokal o inangkat na mga fermented liquor sa mga pangunahing supermarket o pamilihang pantingi sa Kalakhang Maynila para sa mga ipinagbibili sa buong bansa, at sa ibang mga rehiyon, para sa mga may mga pamilihang rehiyonal. Sa dulo ng tatlong (3) buwan mula sa paglulunsad ng produkto, pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Internas ang mungkahing net na halagang pantingi ng bagong produkto katapat ng net na halagang pantingi sang-ayon sa pagpapakahulugan dito at sa simula’y tutukoy ng tamang buwis para sa isang babagong ipinapakilalang sigarilyo. Sa dulo ng siyam (9) na buwan mula sa naturang pagtitibay, muling pagtitibayin ng Kawanihan ng Rentas Intermas ang naunang pinagtibay na net na halagang pantingi katapat ng net na halagang pantingi sa oras ng muling pagpapatibay upang sa wakas ay matukoy ang wastong buwis sa isang babagong pakilalang sigarilyo.

”Ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta ng sigarilyo nang tingi sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa Kalakhang Maynila, hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added. Para sa mga sigarilyong inilalako sa labas ng Kalakhang Maynila, ang ‘net na halagang pantingi’ ay mangangahulugang ang halaga ng pagbebenta sa sigarilyo sa hindi bababa sa limang (5) pangunahing supermarket sa rehiyon nang hindi kasama ang halaga na layuning punuan ang lahat ng maipapataw na kaukulang buwis at ang buwis na value-added.

“Ang mga pangunahing supermarket, sang-ayon sa naging pagmumuni sa ilalim ng Batas na ito, ay iyung mga may pinakamalalaking taunang kabuuang kita sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa Pambansang Tanggapan sa Estadistika, at hindi isasama ang mga tindahan o kiyoskong nagtitingi, mga tindahang convenience o sari-sari, at iba pang may katulad na katangian: Basta at, Na walang dalawang (2) supermarket sa talaan ng isasarbey ang may kaugnayan at/o sangay ng isa’t isa: Basta at, sa wakas, Na sakaling ang isang partikular na sigarilyo ay hindi ipinagbibili sa mga pangunahing supermarket, maaaring isagawa ang sarbey ng presyo sa mga tindahang nagtitingi kung saan ipinagbibili ang naturang sigarilyo sa Kalakhang Maynila o sa rehiyon, sang-ayon sa kaso, batay sa patukoy ng Komisyoner ng Rentas Internas.

“Ang net na halagang pantingi ay tutukuyin ng Kawanihan ng Rentas Intenas (BIR) sa pamamagitan ng isang sarbey sa presyo sa ilalim ng panunumpa.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Ang pagpapababà ng mungkahing net na halagang pantingi ng hanggang labinlimang bahagdan (15%) ng aktuwal na net na halagang pantingi ay magtatakda ng dagdag na kaukulang buwis sa nagmamanupaktúra o nag-aangkat na katumbas ng nakatakdang buwis at ang kaibahan ng pinababang mungkahing net na halagang paningi sa aktuwal na net na halagang pantingi.

“Ang wastong klasipikasyong pambuwis ng mga sigarilyo, nairehistro man bago o matapos ang pagpapatibay sa Batas na ito, ay tutukuyin tuwing ikalawang taon mula sa petsa ng pagpapatibay ng Batas na ito.

“Lahat ng sigarilyong makikita sa pamilihan sa oras ng pagkakabisà ng Batas na ito ay bubuwisan sang-ayon sa antas ng buwis na itinakda sa itaas batay sa pinakahuling sarbey sa presyo ng sigarilyo na isinagawa ng Kawanihan ng Rentas Internas.

“Ang metodolohiya at lahat ng mahahalagang dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pinakahuling sarbey sa presyo ay ipapása sa Komite sa Oversight na Pangkongreso sa Komprehensibong Programa ng Repormang Pambuwis na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240.

“Walang produktong tabako na minanupaktúra sa Pilipinas at ginawa para iluwas sa ibang bansa ang tatanggalin sa kanilang lugar ng pagawaan o iluluwas sa ibang bansa nang hindi naglalagay ng bond na panluwas sa ibang bansa na katumbas ng kaukulang buwis nito kung ibinebenta sa bansa: Basta at, gayumpaman, Na ang mga produktong tabako na iluluwas sa ibang bansa ay maaaring ilipat mula sa lugar ng pagawaan patungo sa isang pasilidad na may bond, matapos maglagay ng isang paglilipat ng bond, bago ang pagluluwas.

“Ang mga produktong tabako na inangkat sa Pilipinas at nakatalagang dalhin sa ibang mga bansa ay pahihintulutang makapasok nang hindi naglalagay ng bond na katumbas ng halaga ng pananagutan sa adwana, kaukulan at value-added na buwis na nakatakda dito kung ibebenta sa loob ng bansa.

“Sa kabuuang volume ng mga sigarilyong ipinagbibili sa bansa, anumang pagawaan at/o tagapagtinda ng mga produktong tabako ay kinakailangang kumuha ng hindi bababa sa labinlimang bahagdan (15%) ng kanilang mga kinakailangang dahong tabako mula sa mga lokal na patubuan nito, na maaaring isailalim sa pagsasaayos sang-ayon sa mga pananagutan sa mga kasunduang pandaigdig.

“Ang mga nagmamanupaktúra at nag-aangkat ng mga tabako at mga sigarilyo ay kinakailangang, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, at sa loob ng unang limang (5) araw ng bawat ikatlong linggo mula roon, magpasa sa Komisyoner ng isang sinumpaang pahayag ng volume ng naipagbiling mga tabako at/o sigarilyo na ibinibenta sa kaniyang tindahan sa loob ng tatlong-buwang panahong agarang sinusundan.

“Sinumang nagmamanupaktúra o nag-aangkat na, sa paglabag sa Seksiyong ito, ay nagbigay ng maling pahayag o pagsasakatawan sa sinumpaang pahayag niya o nito ang alinman sa mga hinihinging mahalagang datos o impormasyon ay, sang-ayon sa pangwakas na matutuklasan ng Komisyoner na naisagawa ang paglabag, ay parurusahan ng isang buong pagkakansela o pag-aalis ng permiso sa kaniya o rito o upang magsagawa ng negosyo bilang tagamanupaktúra o tagaangkat ng mga tabako o sigarilyo.

“Anumang korporasyon, samahan o pagsososyo na may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na lumabag sa Seksiyong ito ay pagmumultahin ng triple ng halaga ng mga buwis sa deficiency, surcharge at interes na maaaring tukuyin sang-ayon sa nilalaman ng Seksiyong ito.

“Sinumang may pananagutan sa anumang gawain o omisyon na ipinagbabawal sa ilalim ng Seksiyong ito ay magkakaroon ng pananagutang kriminal at parurusahan sa ilalim ng Seksiyon 254 ng Kodigong ito. Sinumang kusang tumulong o humikayat sa pagsasagawa ng alinman sa mga gayong gawain o omisyon ay magkakaroon ng pananagutang kriminal na tulad ng mismong nagsagawa.

“Kapag ang lumabag ay hindi isang mamamayan ng Pilipinas, agad siyang ipapatapon matapos niyang mapaglingkuran ang hatol, nang wala nang ibayong pagdulog para sa deportasyon.”

SEK. 6. Ang Seksiyon 8 ng Batas Republika Blg. 8424 o Pambansang Kodigo ng Rentas Internas, na sinusugan, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“SEK. 8. Tungkulin ng Komisyoner upang Tiyakin ang Probisyon at Pamamahagi ng Mga Pormularyo, Mga Resibo, Mga Sertipiko, at Mga Paggamit, at ang Mga Pagkilala sa Pagbabayad ng mga Buwis. –

“(A) Probisyon at Pamamahagi sa Mga Angkop na Opisyal. – Anumang batas sa kabila ng taliwas dito, tungkulin ng Komisyoner, kasama ang ibang bagay, upang magtalaga, magkaloob, at mamahagi sa mga angkop ng opisyal ng mga kinakailangang lisensiya; mga selyo ng rebenyung panloob; natatangi, ligtas at di-maaalis na tanda ng pagkakakilalanlan (na mula rito’y tatawaging mga natatanging tanda ng pagkakakilanlan), tulad ng mga kodigo o mga selyo, na ikakabit sa o magiging bahagi ng lahat ng pakete at pagkakahon at anumang panlabas na pagbabalot ng mga sigarilyo at mga bote ng destiladong spirits; mga etiketa at iba pang pormularyo; mga sertipiko; mga bond; mga talâ; mga invoice; mga aklat; mga resibo; mga kagamitan; mga paglalapat at aparatong ginagamit sa pangangasiwa ng mga batas na nasa loob ng kapangyarihan ng Kawanihan. Para sa layuning ito, ang mga selyo ng rebenyung panloob, o iba pang tanda at etiketa ay magmumula sa Komisyoner ang pagpapalimbag nang may sapat na katangiang panseguridad.

“Ang mga selyo ng rebenyung panloob, maging bar code man o disenyong fuson, o iba pang tanda ay kinakailangang ilagay o ilimbag nang matibay at lantad sa bawat pakete ng tabako at sigarilyo at mga bote ng destiladong spirits na nakapailalim sa kaukulang buwis sang-ayon sa paraan at anyong itinalaga ng Komisyoner, sa pagpapahintulot ng Kalihim ng Pananalapi.

“Upang mas mapabuti ang pamamahalang pambuwis, inaatasan ang mga gumagawa ng sigarilyo at alkohol na magkabit ng automated na tagabilang ng volume ng mga pakete at bote upang maiwasan ang labis na pagbabawas o maling pagpapahayag ng nabawas.

SEK. 7. Seksiyon 131, Subseksiyon A ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“SEK. 131. Pagbabayad ng mga Kaukulang Buwis sa mga Artikulong Inangkat. –

“x   x   x

“Ang probisyon para sa anumang batas na natatangi o panlahat sa kabila ng taliwas dito, ang pag-aangkat ng mga tabako at sigarilyo, mga destiladong spirits, mga fermented liquor at wine sa Pilipinas, kahit pa nakalaan sa mga tindahang walang buwis at duty-free, ay isasailalim sa lahat ng karampatang buwis, tungkulin, singil, kasama ang kaukulang buwis para rito. Ipapataw ito sa mga tabako at sigarilyo, mga destiladong spirits, mga fermented liquor at wine na dinala nang tuwiran sa kaukulang paupahan o nasa-batas na mga freeport ng Subic Special Economic and Freeport Zone, na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7227; ang Cagayan Special Econimic Zone, na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7922; ang Zamboanga City Special Economic Zone, na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7903, at iba pang katulad na freeport na maaaring itatag o likhain ng batas mula ngayon: Basta at, maliban dito, Na sa kabila ng mga probisyon ng Mga Batas Republika Blg. 9400 at 9593, ang mga pag-aangkat ng mga tabako at sigarilyo, mga destiladong spirits, mga fermented liquor at wine na ginawa nang tuwiran ng pagmamay-ari at pinalalakad ng pamahalaan na tindahang duty-free, tulad ng Duty-Free Philippines (DFP), ay walang babayaran mula sa lahat ng karampatang tungkulin lamang: x   x   x

“x   x   x

“Sisirain ang mga artikulong nakumpiska gamit ang pamamaarang pinakamabuti sa kalikasan na mayroon sang-ayon sa mga tuntunin at regulasyon na pinagtibay ng Kalihim ng Pananalapi, sang-ayon sa rekomendasyon ng mga Komisyoner ng Adwana at Rentas Internas.

“x    x   x.”

SEK. 8. Seksiyon 288, mga subseksiyon (B) at (C) ng Pambansang Kodigo ng Rentas Internas ng 1997, sang-ayon sa pagsúsog ng Batas Republika Blg. 9334, ay lalo pang sinususugan sa pamamagitan nito upang basahin na gaya ng sumusunod:

“(B) Mga Rebenyung Ingkremental mula sa Batas Republika Blg. 8240. – Labinlimang bahagdan (14%) ng rebenyung ingkremental na nakolekta mula sa mga kaukulang buwis ng mga produktong tabako sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240 ay ilalaan at hahatiin sa mga lalawigang nagpoprodyus ng burley at katutubong tabako sang-ayon sa volume ng produksiyon ng dahong tabako. Ang pondo ay gagamitin lamang sa mga programang nagtataguyod ng mga alternatibong pangkabuhayan para sa mga nagtatanim ng tabako at mga manggagawa na tulad ng:

“(1) Mga programa na nagkakaloob ng kaalaman, pagsasanay, at iba pang pagtataguyod sa mga nagtatanim ng tabako upang dumako sa produksiyon ng mga produktong pansakahan maliban sa tabako na tulad ng, bagaman hindi limitado sa, mga pananim na may mataas na halaga, mga pampalasa, bigas, mais, tubó, niyog, paghahayupan, at pangingisda;

“(2) Mga programa na magkakaloob ng suportang pinansiyal sa mga nagtatanim ng tabako na napaalis o tumigil na sa pag-aani ng tabako;

“(3) Mga programang pangkooperatiba na aalalay sa mga nagtatanim ng tabako tungo sa pagtatanim ng mga alternatibong pananim o sa pagpapatupad ng ibang mga proyektong pangkabuhayan;

“(4) Mga programa at proyektong pangkabuhay na magtataguyod, magpapabuti, at magpapaunlad ng potensiyal na panturismo ng mga lalawigang nagtatanim ng tabako;

“(5) Mga proyektong pang-impraestruktura tulad ng mga daan mula sa taniman patungong pamilihan, mga paaralan, mga ospital, at mga pasilidad para sa kalusugang pangnayon; at

“(6) Mga proyektong agro-industiyal na magpapahintulot sa mga nagtatanim ng tabako na makisangkot sa pangangasiwa at paglaon ay pagmamay-ari ng mga proyekto, tulad ng mga pagpoprosesong sekundaryo at matapos ang pagtatanim na tulad ng pagmamanupaktura ng sigarilyo at paggamit sa by-product.

“Ang Kagawaran ng Badyet at Pangangasiwa, sang-ayon sa pagsangguni sa Kagawaran ng Agrikultura, ay maglalabas ng mga tuntunin at regulasyon kaugnay ng alokasyon at paglalabas ng pondong ito, nang hindi lalampas sa sandaan at walumpung (180) araw mula sa pagpapatibay sa Batas na ito.

“(C) Mga Rebenyung Ingkremental mula sa Kaukulang Buwis sa Alkohol at Mga Produktong Tabako. –

“Matapos bawasin ang mga alokasyon sa ilalim ng Mga Batas Republika Blg. 7171 at 8240, walumpung bahagdan (80%) ng natitirang balanse ng rebenyung ingkremental na nakuha mula sa Batas na ito ang ilalaan para sa pangangalagang pangkalusugan sa lahat sa ilaalim ng Pambansang Programa sa Segurong Pangkalusugan, ang pagkakamit ng mga layuning pangkaunlaran sa milenyo at mga programa sa kamalayang pangkalusugan; at dalawampung bahagdan (20%) ang ilalaan sa buong bansa, batay sa mga hating pampolitika at pandistrito, para sa mga tulong medikal at mga programa sa mga pasilidad para sa pagpapabuti ng kalusugan, na ang taunang kailangan ay tutukuyun ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).”

SEK. 9. Probisyong Pansamantala. – Isang natatanging tulong pinansiyal para sa mga manggagawang napaalis sa mga industriya ng alkohol at tabako ay paglalaanan at isasama sa mga apropyasyon sa ilalim ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo upang tustusan ang programa sa pagpapagaan ng kawalang-trabaho; at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang tustusan ang pagsasanay at mga programa sa retooling ng mga manggagawang napaalis, upang maisama sa Mga Batas sa Mga Pangkalahatang Apropyasyon para sa Mga Taong Pampiskalya ng 2014 hanggang 2017.

SEK. 10. Taunang Ulat. – Ang Kagawaran ng Badyet at Pangagasiwa (DBM), ang Kagawaran ng Agrikultura (DA), ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH), at ang Korporasyon ng Segurong Pangkalusugan sa Pilipinas (PhilHealth) ay bawat isang magpapasa sa Komite sa Oversight, na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240, ng detalyadong ulat sa paggastos sa mga halagang itinalaga sa Seksiyong ito sa unang linggo ng Agosto sa bawat taon. Ang mga ulat ay sabay-sabay na ilalathala sa Official Gazette at sa mga websayt ng mga ahensiya.

SEK. 11. Komite sa Oversight na Pangkongreso. – Ang komposisyon ng Komite sa Oversight na Pangkongreso, na nilikha sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8240, ay magsasama sa mga Tagapangulo ng mga Komite sa Agrikultura at Kalusugan sa Senado at sa Mababang Kapulungan bilang bahagi ng apat (4) na kasapi na itatalaga mula sa bawat Kapulungan.

Pagkatanggap ng mga taunang ulat mula sa DBM, DA, DOH, DOLE, PhilHealth at TESDA, irerebyu ng Komite at titiyakin ang wastong pagpapatupad ng Batas na ito kaugnay ng mga paggastos sa mga pondong itinalaga.

SEK. 12. Mga Tuntunin at Regulasyong Pampatupad. – Ang Kalihim ng Pananalapi ay, sa rekomendasyon ng Komisyoner sa Rentas Internas, at sa konsultasyon sa Kagawaran ng Kalusugan, ay magsabatas ng mga kinakailangang tuntunin at regulasyon para sa epektibong pagpapatupad ng Batas na ito nang hindi lalampas sa sandaan at walumpung (180) araw simula sa pagkakabisà ng Batas na ito.

SEK. 13. Takda sa Kakayahang Mapaghiwalay. – Kapag ang alinman sa mga probisyon ng Batas na ito ay ipinahayag na walang-bisa ng isang hukumang maaasahan, ang natitirang bahagi ng Batas na ito o anumang probisyon na hindi naapektuhan ng naturang pahayag ng kawalang-bisa ay mananatiling may bisa at ipinatutupad.

SEK. 14. Takda sa Pagbawi. – Lahat ng mg batas, mga ordinansang atas, mga tuntunin at regulasyon, mga kautusang tagapagpaganap o administratibo at iba pang katulad na ipinalabas ng pangulo na hindi katugma ng alinman sa mga probisyon ng Batas na ito ay binabawi ngayon dito, sinususugan o kaya naman ay ginagawan ng kaukulang pagbabago.

SEK. 15. Pagkakaroon ng Bisà. – Magkakaroon ng bisà ang Batas na ito sa sandali ng pagkakalathalà nito sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon.

Pinagtibay,

(Lagda) JUAN PONCE ENRILE
Pangulo ng Senado

(Lagda) FELICIANO BELMONTE JR.
Ispiker ng Mababang Kapulungan

Ang Batas na ito na konsolidasyon ng Panukalang Batas ng Mababang Kapulungan Blg. 5727 at Panukalang Batas ng Senado Blg. 3299 ay naipasá ng Mababang Kapulungan at ng Senado noong 11 Disyembre 2012.

Pinagtibay: 19 DIS 2012

(Lagda) EMMA LIRIO-REYES

Kalihim ng Senado

(Lagda) MARILYN B. BARUA-YAP

Kalihim Heneral

Mababang Kapulungan

(Lagda) BENIGNO S. AQUINO III

Pangulo ng Pilipinas

*Salin ng Official Gazette sa layuning maghatid ng impormasyon. Hindi ito ang opisyal na salin ng naturang batas.

Read in English