Read in English

Kasaysayan

Nilikha ang Orden ng Lakandula sa bisa ng Batas Tagapagpaganap Blg. 236 s. 2003, ang Kodigo ng mga Karangalan ng Pilipinas. Ito ang Orden ng Kahusayang Pampolitika at Sibiko ng Republika, na iginagawad bílang pag-alaala sa dedikasyon ni Datu Lakandula sa mga pananagutan ng pamumuno, siyasip (prudence), katatagan, tapang, at paninindigan para sa paglilingkod sa mga kababayan. Isa ito sa Matataas na Karangalan ng Republika kasama ng Lehiyong Pandangal ng Pilipinas (na ipinagkakaloob para sa Kahusayang Pangmilitar at Pandepensa) at ng Orden ng Sikatuna (na ipinagkakaloob para sa Kahusayang Diplomatiko). Ipinagkakaloob ng Pangulo ng Pilipinas ang Orden ng Lakandula.

Mga Batayan

Iginagawad ang Orden ng Lakandula sa isang mamamayang Pilipino o sa isang banyaga na:

  1.   Nagpakita sa kanyang búhay at mga gawa ng pag-aalay sa kapakanan ng lipunan;
  2.   Ang buhay ay karapat-dapat na tularan ng mga mamamayang Pilipino;
  3.   May mga ginawang karapat-dapat para sa mga natatanging pagkilala, kasama na ang paghihirap para sa pagpapanatili at pagtatanggol ng demokratikong pamumuhay at ng integridad ng teritoryo ng Republika ng Pilipinas, pag-aalay ng kanyang búhay sa mapayapang resolusyon ng tunggalian, o para sa pagpapakita ng pinakamahusay na pag-aalay para sa pagtataguyod ng pagkakaunawaan, pagpapalitang-pangkultura, katarungan, at mga ugnayang may dangal sa pagitan ng mga tao; o
  4.   May mga nagawang kinasanayan nang kinikilala ng institusyon ng mga gawad pampanguluhan, kasama na ang mahusay na paglilingkod na pampolitika o sibil.

Binubuô ang Orden ng Lakandula ng mga sumusunod na ranggo:

Dakilang Kolyar (Supremo) – Iginagawad sa isang indibidwal na naghirap para sa pagpapanatili at pagtatanggol ng demokratikong pamumuhay at ng integridad ng teritoryo ng Republika ng Pilipinas; o sa isang dati o kasalukuyang pinuno ng Estado at/o Pamahalaan

Dakilang Krus (Bayani) – Iginagawad sa indibidwal na nag-alay ng kanyang búhay sa mapayapang resolusyon ng tunggalian; sa mga indibidwal na ang buhay ay karapat-dapat na tularan ng mga mamamayang Pilipino; o sa isang Prinsipe, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Ispiker ng Mababang Kapulungan, Punong Mahistrado o katumbas nito, banyagang ministro, o iba pang opisyal, Embahador, Katuwang na Kalihim, Katulong na Kalihim, o isang taong may ranggong katulad o katumbas ng mga nabanggit

Dakilang Opisyal (Maringal na Pinuno) – Iginagawad sa indibidwal na nagpakita ng buong buhay na pag-aalay para sa pampolitika at sibikong kapakanan ng lipunan; o sa isang Charge d’affaires e.p., Ministro, Tagapayong Ministro, Konsul Heneral na namumuno sa isang konsulado, Direktor na Tagapagpaganap, o isang taong may ranggong katulad o katumbas ng mga nabanggit

Kumander (Komandante) – Iginagawad sa isang indibidwal na nakapagpakíta ng natatanging mga gawain ng pag-aalay sa kapakanang pampolitika at sibiko ng lipunan sa kabuuan; o sa isang Charge d’affaires a.i., Tagapayo, Unang Kalihim, Konsul Heneral sa seksiyong konsulado ng isang Embahada, opisyal ng Konsulado na may ranggong personal na mas mataas sa Ikalawang Kalihim, Direktor, o isang taong may ranggong katulad o katumbas ng mga nabanggit

Opisyal (Pinunò) – Iginagawad sa indibidwal na nagpakíta ng mga kapuri-puring gawain ng pag-aalay sa kapakanang pampolitika at sibiko ng lipunan sa kabuuan; o sa isang Ikalawang Kalihim, Konsul, Katulong na Direktor, o isang taong may ranggong katulad o katumbas ng mga nabanggit

Kasapì (Kagawad) – Iginagawad sa indibidwal na nagpamálas ng mga mahusay na gawain ng pag-aalay sa kapakanang pampolitika at sibiko ng lipunan sa kabuuan; o sa isang Ikatlong Kalihim, Pangalawang Konsul, Attache, Prinsipal na Katulong, o isang taong may ranggong katulad o katumbas ng mga nabanggit

Noong 2004, naglabas si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Batas Tagapagpaganap Blg. 540 na lumikhâ ng ikapitong ranggo ng orden ng Lakandula. Tinawag itong Kampeon ng Búhay at ang Boksingerong si Manny Pacquiao ang unang nakatanggap ng ranggong ito. Huling iginawad ito noong 2010.

 

Nagpupugay ang Orden ng Lakandula sa mga disenyong katutubo at Muslim-Filipino. Ginintuang pilak ang komposisyon para sa Dakilang Kolyar, Dakilang Krus, at Dakilang Opisyal. Ginintuang tansô naman ang medalya para sa mga ranggo ng Kumander, Opisyal, at Kasapi. Asul na Filipino ang laso nito.

Talaan ng mga Ginawaran

Ranggong Supremo

Pangalan Posisyon Petsa
Jose W. Diokno (posthumous) Former Senator and political prisoner 2004
Don Juan Carlos King of Spain December 3, 2007
Sheikh Khalifa bin Salman al-Khalifa Prime Minister of Bahrain January 14, 2007
Teodoro Obiang Nguema Mbasogo President, Republic of Equatorial Guinea May 19, 2006
Sheikh Sabah Al Ahmad Al Jaber Al Sabah Amir of the State of Kuwait March 23, 2012
Sheikh Hamad Bin Khalifa Al-Thani Amir of the State of Qatar April 10, 2012
Richard G. Lugar United States Senator June 7, 2012
Emperor Akihito Emperor of Japan June 3, 2015

Ranggong Bayani

Pangalan Posisyon Petsa
Alfonso Yuchengco Embahador sa Nagkakaisang mga Bansa Nobyembre 26, 2003
Jaime Cardinal Sin Arsobispo ng Maynila Disyembre 8, 2003
Salvador H. Laurel (postumo) Dating Pangalawang Pangulo Pebrero 7, 2004
Blas Ople (postumo) Kalihim ng mga Ugnayang Panlabas Disyembre 20, 2003
Agnes VST Devanadera Solisitor Heneral (2007–2009), Kalihim ng Katarungan (2009-2012) Abril 22, 2010
Alberto G. Romulo Kalihim ng mga Ugnayang Panlabas Agosto 14, 2007
Alex Frieder Pebrero 13, 2005
Amando M. Tetanco Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas Agosto 11, 2009
Angelo T. Reyes Kalihim ng Pambansang Depensa (2001–2003), Tagapayo ng Pangulo (2003-2006), Kalihim ng Kapaligiran at mga Likas na Yaman (2006-2007), Kalihim ng Enerhiya  (2006-2010) Abril 22, 2010
Arthur C. Yap Kalihim ng Agrikultura (2004-2005) (2006-2010) Abril 22, 2010
Augusto L. Syjuco Jr. Direktor Heneral, TESDA Abril 22, 2010
Cerge M. Remonde Kalihim sa Pamamahayag Enero 21, 2010
Daniel K. Inouye Senador ng Estados Unidos para sa Hawaii Agosto 14, 2006
Don Felipe de Borbon y Grecia Prinsipe ng Asturias Disyembre 3, 2007
Edgardo D. Pamintuan Katulong ng Pangulo sa Alyansa sa Pagpapaunlad ng Subic-Clark (2004–2005), Katulong ng Pangulo, Tanggapan ng mga Ugnayang Panlabas (2005–2010) Abril 22, 2010
Eduardo R. Ermita Kalihim Tagapagpaganap Marso 8, 2010
Emmanuel Y. Angeles Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon Hunyo 12, 2010
Fr. James Reuter, S.J. Mayo 21, 2006
George S.K. Ty Negosyante Hunyo 4, 2010
Gwendolyn Garcia Gobernador ng Cebu Agosto 14, 2007
Herbert Frieder Pebrero 13, 2005
Hermogenes C. Esperon Jr. Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan (2008–2009), Kalihim ng Staff na Pampangasiwaan ng Pangulo  (2009–2010) Abril 22, 2010
Hermogenes E. Ebdane Jr. Tagapayo sa Pambansang Seguridad (2004–2005), Kalihim ng Pambansang Depensa (2007), Kalihim ng mga Pagawaing-Bayan at mga Daan Abril 22, 2010
Peter B. Favilla Kalihim ng Kalakalan at Industriya (2005-2010) Abril 22, 2010
Philip Frieder Pebrero 13, 2005
Prince Haji al-Muhtadee Billah ibni Sultan Haji Hassanal Bolkiah Prinsipe at Mataas na Ministro sa Tanggapan ng Punong Ministro ng Brunei Darussalam Nobyembre 8, 2006
Rafael E. Seguis Katuwang na Kalihim ng Mga Ugnayang Panlabas Hunyo 1, 2010
Reynato S. Puno Punong Mahistrado Hunyo 12, 2010
Rolando Andaya Jr. Kalihim ng Badyet at Pangangasiwa Marso 19, 2010
Shoichiro Toyoda Tagapangulong Honorario, Toyota Motors Corporation Abril 22, 2010
Silvestre H. Bello III Abril 22, 2010
Stephen Zuellig Matagal na honorariong konsul ng Prinsipalidad ng Monaco sa Pilipinas May 11, 2007
Wilfredo C. Santos Liaison ng Pilipinas sa Japan Agosto 14, 2007
Mona D. Valisno Kalihim ng Edukasyon Hunyo 11, 2010
Morris Frieder (postumo) Pebrero 13, 2005
Patricia Sto. Tomas Tagapangulo, Development Bank of the Philippines Marso 19, 2010
Paul V. McNutt (postumo) Embahador ng Estados Unidos Pebrero 13, 2005
Manuel V. Pangilinan Kilaláng Negosyante at Pilantropo Hunyo 5, 2010
Marciano A. Paynor Jr. Puno ng Pampanguluhang Protokol Hulyo 14, 2008
Willie Tan Tagapangulo, Luen Thai Philippines Abril 4, 2016

Ranggong Opisyal

Pangalan Posisyon Petsa
Arnold S. Panalingan Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Australia Agosto 14, 2007
Jetonni Lukh D. de Quiroz Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Republika ng Timor Leste Agosto 14, 2007
Alexander Go Liaison ng Pilipinas sa Republikang Bayan ng Tsina Agosto 14, 2007
Allan V. Tangayan Liaison ng Pilipinas sa Demokratikong Republikang Bayan ng Lao Agosto 14, 2007
Anthony Z. Cornista Liaison ng Pilipinas para sa Ministrong Banyaga ng Pilipinas Agosto 14, 2007
Art A. Gonzaga Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa New Zealand Agosto 14, 2007
Bienvenido R. Hindang Jr. Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa India Agosto 14, 2007
Diomedes P. Banilo Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Republikang Sosyalista ng Vietnam Agosto 14, 2007
George M. Bergonia Kumander ng STAG, Intelihensiya Agosto 14, 2007
Jenner M. Peteza Kumander ng STAG, Pagpapanel Agosto 14, 2007
Joel T. de la Cruz Kumander ng STAG, Baybayin Agosto 14, 2007
Marlon P. Gauiran Opisyal na Panseguridad ng Pilipinas sa Brunei Darussalam Agosto 14, 2007
Palmer M. Parungao Opisyal na Panseguridad ng Pilipinas sa Kaharian ng Thailand Agosto 14, 2007
Thomas Dominic B. Baluga Opisyal na Panseguridad ng Pilipinas sa Republika ng Korea Agosto 14, 2007
Edmund Gidaya Opisyal na Liaison ng Pilipinas sa Timor Leste Agosto 14, 2007
Augustus Bercades Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Unyon ng Myanmar Agosto 14, 2007
Erick Keith C. Elumba Liaison ng Pilipinas sa Demokratikong Republikang Bayan ng Lao Agosto 14, 2007
Geranfel Abrillo Liaison ng Pilipinas sa India Agosto 14, 2007
Gregg A. Angeles Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Republika ng Korea Agosto 14, 2007
Ireneo Fidel Z. Cornista Liaison ng Pilipinas sa Brunei Darussalam Agosto 14, 2007
Jeffrey T. de Mesa Liaison ng Pilipinas sa Malaysia Agosto 14, 2007
Antonio Majica Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Kaharian ng Cambodia Agosto 14, 2007
Ferdinand de la Cruz Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Republika ng Indonesia Agosto 14, 2007
Benjamin Daniel Tianco Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Carlos S. Cristobal Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Cecilio V. Dacuycuy Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Edgardo C. Palma Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Ferdinand D. Escalante Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Ferdinand M. Rosino Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Joaquin L. Ocampo Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Nilo P. Vinluan Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Republikang Bayan ng Tsina Agosto 14, 2007
Potenciano C. Camba Liaison para sa Pilipinas Agosto 14, 2007
Porfirio Mayo Jr. Liaison ng Pilipinas sa Cambodia Agosto 14, 2007
PSI Paul D. Cabug Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Malaysia Agosto 14, 2007
Ramoncito A. Mendoza Liaison ng Pilipinas sa Australia Agosto 14, 2007
Reginald S. Bernabe Liaison para sa Pilipinas (Cebu) Agosto 14, 2007
Rosanna V. Voogel Liaison ng Pilipinas sa Republika ng Singapore Agosto 14, 2007
Rovald G. Valdez Liaison ng Pilipinas sa Unyon ng Myanmar Agosto 14, 2007
Supt. Alessandro C. Abella Kumander ng STAG, Hotel Shangri-La Agosto 14, 2007
Marshall Louis Alferez Liaison ng Pilipinas sa Kaharian ng Thailand Agosto 14, 2007
Michael Jet Martinez Liaison ng Pilipinas sa Republikang Sosyalista ng Vietnam Agosto 14, 2007
Patrick Hilado Liaison ng Pilipinas para sa Kalihim Heneral ng ASEAN Agosto 14, 2007
Alladin M. Collado Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Reynaldo V. Acosta Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Ricardo G. Ellorda Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Robert H. Huet Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Maj. Vincent Jaybee D. Pangilinan Opisyal Panseguridad ng Pilipinas sa Japan Agosto 14, 2007

Ranggong Dakilang Opisyal

Pangalan Posisyon Petsa
Dr. Sadako Ogata Pangulo, Japan International Cooperation Agency (JICA) Setyembre 20, 2006
Maximo V. Soliven Mamamahayag Disyembre 1, 2006
Romeo C. Prestoza Kumander Heneral ng  Presidential Security Group [Pangkat Pangkaligtasan ng Pangulo] Agosto 14, 2007
Domingo Lucenario Kawaksing Kalihim Heneral para sa mga Gawaing Pampangangasiwa, ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Quirino T. de los Santos Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Lupita A. Kashiwahara Pangkalahatang Tagapag-ugnay para sa Summit Gala Dinner Agosto 14, 2007
Ma. Angelina M. Sta. Catalina Pangkalahatang Tagapag-ugnay para sa mga Paglilingkod Pangkumperensiya, Ika-12 Mataas na Natatanging Katulong Pang-ASEAN ng Kalihim Heneral ng ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Leo S. Alvarez Kawaksing Kalihim Heneral para sa mga Gawaing Panseguridad para sa ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Victoriano Lecaros Tagapagsalita para sa ika-12 ASEAN Summit Agosto 14, 2007
Milton G. Alingod Kawaksing Kalihim Heneral para sa mga Ugnayang Pampamamahayag, ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Thad Cochran Senador ng Estados Unidos Abril 25, 2011
Luiza Carvalho Residenteng Tagapag-ugnay, Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) Oktubre 27, 2014

Ranggong Kumander

Pangalan Posisyon Petsa
Pol N. Salvador Kawaksing C, TOC
Carlos T. Clet Koronel ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Agosto 14, 2007
Charlie C. Banaag Kawaksing TF3 Agosto 14, 2007
Edward F. Canlas Kawaksing TFOC–Kinatawan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Agosto 14, 2007
Jahannes M. Estil Kawaksing TF3 Agosto 14, 2007
Ricky N. Parcon Opisyal ng Motorpool Agosto 14, 2007
Roehl Joy O. Darilag Hepe, TFOC Agosto 14, 2007
Ronnel B. de la Cruz Kawaksing TF1 Agosto 14, 2007
William Joseph B. Rigor Kawaksing Mediko Opisyal Agosto 14, 2007
Efren G. Peñaflorida Tumanggap ng Gawad Bayaning CNN Nobyembre 27, 2009
Frank Ephiraim May-akda ng Escape to Manila [Pagtakas sa Maynila] Pebrero 13, 2005
Glea P. Saunar Suportang Katuwang para sa Kalihim Heneral ng ASEAN–NOC Agosto 14, 2007
Henrietta T. de Villa Tagapangulo ng PPCRV Hunyo 12, 2010
Kira Christianne R. Danganan Espesyal na Kawaksi para sa Kalihim Heneral ng ASEAN–NOC Agosto 14, 2007
Lea Salonga Mang-aawit at Aktres sa Teatro Agosto 14, 2007
Rey Leonardo B. Guererro Kumander ng Task Force Agosto 14, 2007
Serafin Belleza Opisyal ng CEIS, TF6 at Kumander ng STAG Agosto 14, 2007
Erick S. Cabug Mess Officer Agosto 14, 2007
Nilo P. Siddayao Opisyal ng TF Baillet Agosto 14, 2007
Antonio E. Tayag Pangalawang Kumander ng Task Force Agosto 14, 2007
Jimmy A. Colacion Mediko Opisyal Agosto 14, 2007
Admiral Wilfredo D. Tamayo Philippine Coast Guard Abril 19, 2011
Ramon C. Liwag Philippine Coast Guard Enero 24, 2012
PSI Joy E. Tomboc, PNP Kawaksing TF1 Agosto 14, 2007
PSI Pamela D. Balasabas, PNP Personnel Officer TF1 Agosto 14, 2007
PSSupt. Napoleon Taas Suportang Katuwang para sa Kawaksing Kalihim Heneral para sa mga Usaping Panseguridad ng ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Racelle Weiman Direktor, Center for Holocaust and Humanity Education Pebrero 13, 2005
Revimarc L. de Mesa Liaison para sa Pilipinas (Manila) Agosto 14, 2007
Ronilo R. Ferrer Liaison para sa Kalihim Heneral ng NOC, Tagapag-ugnay ng Komite para sa Transportasyon, ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Maria Josefina Ceballos Liaison para sa Pilipinas sa mga Usaping Mahahalaga Agosto 14, 2007
Milo Cacanindin Tagapayong Teknikal para sa CICC Agosto 14, 2007
Moira G. Gallaga Suportang Katuwang para sa Kalihim Heneral ng ASEAN-NOC Agosto 14, 2007
Maj. Teody T. Toribio (CAV), PA Operations Officer TF3 Agosto 14, 2007
Manuel V. Pangilinan CEO, PLDT at First Pacific Group May 24, 2006

Ranggong Kampeon ng Buhay

Pangalan Posisyon Petsa
Dale Abenojar Miyembro, Pangkat Bundok Everest Hunyo 20, 2007
Efren “Bata” Reyes Manlalaro ng Bilyar Oktubre 2, 2006
Erwin Emata Miyembro, Pangkat Bundok Everest Disyembre 19, 2006
Jennifer R. Rosales Manlalaro ng Golf Marso 3, 2010
Leo Oracion Miyembro, Pangkat Bundok Everest Disyembre 10, 2006
Emmanuel Pacquiao Boksingero Hulyo 6, 2006
Nonito G. Donaire Jr. Boksingero Marso 3, 2010
Precious Lara Quigaman Ms. International Hulyo 26, 2006
Ronato Alcano Manlalaro ng Bilyar Nobyembre 14, 2006

 

Read in English