Read in English

Customs reform

Dahil sa mahabang kasaysayan ng ilegal na mga pangongontrata, nakasanayang pagnanakaw, at kawalang hustisya, isa ang Bureau of Customs (BOC) o Kawanihan ng Adwana sa mga pinakanotoryus na mukha ng katiwalian sa pamahalaan. Subalit nagsisimula na itong mabago. Nagaganap na ang malakihang pagpapalit ng mga pinuno, kawani, at proseso bilang resulta ng malawakang reform agenda ng administrasyon. Ang layunin: muling pasiglahin ang burukrasya, iwaksi ang kultura ng korupsiyon, at simulan ang mabuting siklo ng integridad at tunay na serbisyo publiko sa BOC.

Noong Oktubre 2, 2013, tinalakay ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang ilang mga pagsisikap ng administrasyon na repormahin ang Bureau of Customs:

Ang repormang ipinapatupad natin sa Bureau of Customs ay isa sa mga pinakamatingkad na patunay nito. Mantakin po ninyo: tinatayang umabot sa dalawandaang bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa transaksyonalismo, palakasan, at lantarang pandarambong na matagal na umiiral sa Customs. Naging malinaw po sa atin: Kung babalasahin lang natin ang mga nasa puwesto, pero ilalagay pa rin sila sa kung saan sila maaaring gumawa ng pinsala, talaga pong wala tayong patutunguhan. Ang atin pong tugon: Reset button para sa ahensyang matagal nang naging mukha ng katiwalian sa gobyerno. Limang bagong deputy commissioner po ang ating itinalaga. Dalawang EO para maipasok ang bagong dugo, para sa bagong mga pananaw at pamamaraan. Iniatas din ang pag-uwi sa tamang posisyon ng mga naka-detail na empleyado; wala nang security guard na ginawang collecting officer, o warehouseman na examiner; hindi na puwedeng nasa puwesto ka dahil sa palakasan, at hindi sa kakayahan. Kaya kung may natitira pa ring mga latak na nais kumapit sa lumang kalakaran: Sige po, subukan na lang po ninyo, at tingnan natin ang inyong paglalagyan.

 

Sanggunian:

Ang website ng Department of Finance

Ang website ng Bureau of Customs

 

Read in English

Updates

2015 Year Ender: Reformed Customs

201 kaso ng smuggling ang isinampa noon. P26.01 bilyon sanang halaga ng buwis at duty ang nakalusot kung wala ang Bureau of Customs Reform Project, na muling itinayo ang ahensiya mula ibaba-pataas upang alisin dito ang kultura ng katiwalian.


Customs revenue growth streak continues for 10 months straight

Reforms in the bureau are getting results. Revenue collections from January to October 2014 are up 18.6% year-on-year.


Customs general aptitude test results out

Successful examinees will move on to the competency-based tests. The schedule for the next round of screening will be announced soon.


Thousands to take Customs pre-employment exam on August 31

A total of 4,755 applicants at the Bureau of Customs (BOC) will be taking the general ability and competency exam to be administered by the Civil Service Commissioner (CSC) on August 31, 2014 (Sunday).


Over 80% of applicants passed preliminary screening for Customs posts

The Bureau of Customs has released the names of about 5,000 applicants who passed the preliminary screening to fill 1,056 vacant positions at the Bureau’s main office and various collection districts throughout the country. The pre-screened applicants, comprising about 80% of 6,013 who submitted their application to the BOC, are required to take the general ability and competency exam to be administered by the Civil Service Commissioner (CSC) on August 31, 2014 (Sunday).


Customs on second phase of hiring process

The Bureau of Customs (BOC) is now on its second phase of the process to hire over a thousand new employees needed to fill up the lack of manpower in the bureau.


SONA 2014, Pinadali: Bureau of Customs, ni-reset button na

Sa ilalim ng administrasyong Aquino, binigyan ng bagong bihis ang Customs. Inalis ang mga pinunong matagal nang sangkot sa katiwalian at ipinalit ang mga kilala sa kanilang integridad.


Bureau of Customs opens over 1,000 job vacancies

In order to fill up the lack of manpower and further improve its quality of service, the Bureau of Customs (BOC) is opening 1,056 job vacancies in first and second level positions for the agency’s various groups, offices, and collection districts across the country.


Commissioner Sevilla: Initial results of Customs reform encouraging

Four months after rolling out President Aquino’s reform program for the Bureau of Customs, emerging cash collections by the agency for the months of November 2013 to January 2014 registered a 19.26% growth rate over the comparable period in 2012 to 2013. This is a significant improvement from the pre-reform period growth of 4.76% in January 2013 to October 2013.


DOF, Customs launch the Customs ng Bayan website, as part of a radical data transparency campaign

The Department of Finance and Bureau of Customs launch today the Customs ng Bayan website www.dof.gov.ph/customsngbayan, a portal for data and information on customs importations extracted from BOC’s Electronic-to-Mobile (e2m) system.