DOST-PAG-ASA-seal

Anong ahensya po ba ang nagpapangalan sa mga bagyo?

Ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (DOST-PAGASA) ang pangunahing ahensyang namamahala sa pagpapangalan, pagsubaybay, at pagbibigay-babala tungkol sa mga bagyong pumapasok sa bansa.

Kailan po ba naging mausisa ang mga tao sa pagpapangalan sa mga bagyo?

Nagsimulang usisain ng mga tao ang pagpapangalan ng mga bagyo noong pinalitan ang “Kanor” ng “Karding” bilang pangalan ng ika-11 na bagyo ngayong 2014. Hindi raw akmang gawing pangalan ng bagyo ang “Kanor” dahil naugnay ito sa isang kumalat na sex video. Kung kaya, pinalitan ito ng PAGASA ng “Karding,” at napatanong ang karamihan kung paano nga ba pinipili ang mga pangalang ito.

Mitzi po ang pangalan ko. Puwede ko po bang imungkahi sa PAGASA na gamitin ito para sa susunod na bagyo?

Hindi. Nakaayos kasi nang alpabetiko ang pangalan ng mga bagyo. Laging sa titik A nagsisimula ang pangalan ng unang bagyong papasok sa bansa para sa taon. Noong pumasok ang 2013, “Auring” ang pangalan ng unang bagyong dumating sa bansa at “Agaton” naman ngayong 2014. Tuloy-tuloy lang ito mula A, B, C, D hanggang W, Y, at Z (pansining walang X).

“Mario” ang pangalan ng huling bagyong humagupit sa bansa kung kaya, sa titik N magsisimula ang pangalan ng kasunod nitong bagyo.

Sa mga susunod na taon po, puwede na po ba ang bagyong Mitzi?

Hindi pa rin. Napangalanan na kasi LAHAT ng bagyong papasok sa bansa.

Kahit po sa 2024 may pangalan na lahat ng bagyo?

Oo. May listahan na ang PAGASA na pang-apat na taon. Muling ginagamit ang mga pangalang ito, o nireresiklo, kada apat na taon. Ibig sabihin, ang mga pangalang ginamit nitong 2013 ay uulitin sa 2017, ang mga ngayong 2014 ay sa 2018.

Wala na po ba talagang pag-asang gamitin ng PAGASA ang “Mitzi”?

Meron pa. Ang mga ubod nang lalakas na bagyong nagdulot ng higit P1 bilyong halaga ng pinsala ay inaalis na sa listahan. Ilan sa mga inalis na ay sina “Ondoy,” “Yolanda,” at “Pepeng.” Kung magkagayon, papalitan na ang mga ito ng bagong pangalan.

Kung titik M na ang papalitang pangalan ng bagyo, puwede na po ba ang pangalan ko?

Depende pa. Una, hindi palaging pangalan ng tao ang ginagamit na pangalan ng bagyo. Meron tayong bagyong “Zigzag” at “Lawin.” Hindi na rin palaging pangalan ng babae ang ginagamit sa bagyo, upang maging sensitibo sa mga kasarian.

Pangalawa, hindi maaaring gamiting pangalan ng bagyo ang pangalan ng mga sikat na politiko o artista upang maiwasan ang pamamahiya. Iniiwasan ding maugnay ang pangalan sa kahihiyan tulad na lamang ng kaso ng bagyong “Kanor.”

Pangatlo, napakaraming pangalang maaaring pagpilian.

Kasya na po ba ang A-Z para pangalanan lahat ng bagyo sa loob ng isang taon?

Humigit-kumulang 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon. Mula A-Z, may 25 kabuuang pangalang gagamitin. Kung sumobra pa, may nakareserbang sampung pangalan, mula A hanggang J, na maaaring gamitin.

Saan po galing itong mga kasakulukang pangalang ginagamit natin?

Mula ang mga ito sa “Name a Bagyo Contest” na isinagawa ng PAGASA noong 1999. Napakaraming lumahok sa patimpalak na ito.

May listahan po kayo ng mga pangalan ng bagyo na ginagamit ng PAGASA?

1 2 3 4
2009
2013
2017
2021
2010
2014
2018
2022
2011
2015
2019
2023
2012
2016
2020
2024
AuringBising

Crising

Dante

Emong

Feria

Gorio

Huaning

Isang

Jolina

Kiko

Lannie

Maring

Nando

Odette

Paolo

Quedan

Ramil

Salome

Tino

Urduja

Vinta

Wilma

Yasmin

Zoraida

AgatonBasyang

Caloy

Domeng

Ester

Florita

Glenda

Henry

Inday

Jose

Karding

Luis

Mario

Neneng

Ompong

Paeng

Queenie

Ruby

Seniang

Tomas

Usman

Venus

Waldo

Yayang

Zeny

AmangBetty

Chedeng

Dodong

Egay

Falcon

Goring

Hanna

Ineng

Jenny

Kabayan

Lando

Marilyn

Nonoy

Onyok

Perla

Quiel

Ramon

Sarah

Tisoy

Ursula

Viring

Weng

Yoyoy

Zigzag

AmboButchoy

Carina

Dindo

Enteng

Ferdie

Gener

Helen

Igme

Julian

Karen

Lawin

Marce

Nina

Ofel

Pepito

Quinta

Rolly

Siony

Tonyo

Ulysses

Vicky

Warren

Yoyong

Zosimo

Reserba Reserba Reserba Reserba
AlamidBruno

Conching

Dolor

Ernie

Florante

Gerardo

Hernan

Isko

Jerome

AgilaBagwis

Chito

Diego

Elena

Felino

Gunding

Harret

Indang

Jessa

AbeBerto

Charo

Dado

Estoy

Felion

Gening

Herman

Irma

Jaime

AlakdanBaldo

Clara

Dencio

Estong

Felipe

Gardo

Heling

Ismael

Julio

____________________________________

Para sa karagdagang kaalaman mula sa PAGASA:
Whatchamacallit? DOST-PAGASA unravels its typhoon-naming system