Read in English

Sa pagsasabatas ng Republic Act No. 2956 noong 2004, idineklara ang Agosto 21 ng bawat taon bilang “Ninoy Aquino Day.” Isa itong national non-working holiday para sa paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ng dating senador na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Si Ninoy Aquino ay isang tanyag na mamamahayag at pulitiko sa Pilipinas. Nagsilbi siya sa lalawigan ng Tarlac bilang alkalde ng bayan ng Concepcion, bise gobernador, at gobernador ng lalawigan.

Bilang isang senador sa Ikapitong Kongreso, siya ang pinakamatinding katunggali sa politika ni Pangulong Ferdinand Marcos, at isa sa mga pinakaunang inaresto matapos buwagin ang Kongreso at ideklara ang batas militar noong 1972.

Isinakdal si Aquino sa korteng militar para sa kasong pagpatay, iligal na pagmamay-ari ng mga armas, at subersiyon. Tiniis niya ang pitong taon sa piitan bago siya napayagang magpagamot sa Estados Unidos dahil sa karamdaman sa puso. Pagkatapos ng tatlong taong pagkakalayo sa bansa, bumalik siya sa Maynila, subalit binaril bago pa man siya makatapak sa tarmac. Nagsanhi ang kanyang asasinasyon ng magkakaugnay na mga pangyayaring nauwi sa People Power Revolution noong 1986.

Nasa ibaba ang kopya ng talumpating dapat sana niyang inihayag noong araw ng kanyang kamatayan. Matutunghayan ang salin sa Filipino at ang orihinal na talumpating nasa wikang Ingles.

 

[Salin sa Filipino ng PCDSPO]

Pahayag ni Senador Benigno Aquino Jr. sa kanyang pagdating sa Manila International Airport, para sa kanyang mga tagasalubong noong Agosto 21, 1983*

Bumalik ako sa sarili kong kagustuhan upang makiisa sa mga nagpapakahirap ipanumbalik ang ating karapatan at kalayaan sa mapayapang paraan.

Hindi ako humihingi ng komprontasyon. Idinadalangin ko lamang at pinagsusumikapan ang isang tunay na pambansang pagkakasunduan na nakasalig sa katarungan.

Nakahanda ako sa pinakamasamang maaaring mangyari, at nakapagpasya na ako taliwas man sa payo ng aking ina, tagapayong espiritwal, maraming subok ko nang kaibigan, at ilan sa aking mga pinakapinahahalagahang tagapayo sa pulitika.

May parusang kamatayang naghihintay sa akin. Dalawa pang kaso ng subersiyon, parehong humihingi ng parusang kamatayan, ang inihain mula nang umalis ako tatlong taon na ang nakararaan at nakabinbin na ngayon sa korte.

Pinili ko sana ang pumasok sa political asylum sa Amerika, subalit ramdam kong tungkulin ko, dahil ito ang tungkulin ng bawat Pilipino, na magdusa kasama ng aking mga kababayan lalo na sa panahon ng kagipitan.

Hindi ako kailanman humingi, at ni hindi rin ako binigyan ng kahit anong kasiguruhan, o pangako ng kabaitan mula sa rehimen. Boluntaryo akong nagbabalik, armado lamang ng isang malinis na budhi at pinatatatag ng pananampalatayang sa kahuli-hulihan, katarungan ang mananaig sa lahat.

Ayon nga kay Gandhi, ang kusang-loob na sakripisyo ng inosente ang pinakamabisang tugon sa walang pakundangang paniniil na ni hindi pa naaarok ng Diyos at tao.  

Tatlong taon ang nakaraan nang umalis ako para sa isang emergency heart bypass operation, hinangad ko at idinasal na maibalik na ang mga karapatan at kalayaan ng ating mga kababayan, na bumuti na ang kondisyon ng kanilang pamumuhay, at tumigil na ang pagdanak ng dugo.

Sa halip na sumulong, gumalaw tayong paurong. Nadagdagan ang pagpatay, nalugmok ang ekonomiya, at nabulok ang karapatang pantao.

Noong panahon ng batas militar, duminig ang Korte Suprema ng mga petisyon tungkol sa habeas corpus. Pinakamabalintuna na matapos daw alisin ang batas militar, ipinasya ng Korte Suprema nitong nakaraang Abril na hindi na ito tatanggap pa ng mga petisyon ukol sa habeas corpus para sa mga taong ikinulong sa ilalim ng Presidential Commitment Order, na sakop ang lahat ng kaso ng pambansang seguridad, na sa kasalukuyang mga pangyayari ay maaaring mangahulugan ng basta kahit ano.

Labis-labis na ang hirap na pinagdaraanan ng bansa. Mga problemang pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitika ang nagpapasakit sa Pilipino. Maaalpasan natin ang mga problemang ito kung nagkakaisa tayo. Subalit magkakaisa lamang tayo kung ang mga karapatan at kalayaang tinatamasa natin bago ang Setyembre 21, 1972 ay tuluyang maibalik na.

Hindi humihingi ang Pilipino ng higit pa rito, ngunit siguradong hindi tatanggap ng kulang sa lahat ng karapatan at kalayaang ipinangako ng 1935 Konstitusyon–ang pinakabanal na pamana mula sa ating mga ninuno.

Oo, pasensiyoso ang Pilipino, subalit may hangganan ang kanyang pasensiya. Hihintayin pa ba nating mapatid ang pisi ng ating pasensiya?

Patuloy na tumitindi ang rebelyon sa buong bansa at nanganganib na sumabog sa isang madugong himagsikan. May lumalaking pangkat ng mga kabataang Pilipino na napagtanto na rin sa wakas na ang kalayaan ay hindi hinihintay ibigay, kundi ipinaglalaban. Kailangan ba nating ulitin ang pagdadalamhati at pagdanak ng dugo sa nakaraan na nagbigay-daan sa ating republika o posible bang magsama-sama tayo sa hapag bilang magkakapatid at pag-usapan ang ating di-pagkakaintindihan gamit ang katwiran at kabutihang-loob?

Madalas kong gunam-gunamin kung ilang mga hidwaan ang madali sanang nasolusyunan kung naging matapang lamang ang bawat panig na linawin ang kanilang hangarin.

Kung kaya, upang hindi magdulot ng kahit anong di-pagkakaintindihan, liliwanagin ko ang aking mga hangarin:

  1.  Anim na taon na ang nakalipas, nasentensiyahan akong mamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa pasya ng korteng militar na hindi ko kailanman kikilalanin ang kapangyarihan. Panahon na ngayon para sa rehimen na magpasya. Ipag-utos ang agarang pagbitay sa akin, o palayain ninyo ako.  

Sinentensiyahan akong mamatay dahil daw sa pagiging numero unong Komunistang lider. Hindi ako Komunista, hindi dati at hindi kailanman.   

  1. Maaaring makamit ang pambansang pagkakaintindihan at pagkakaisa, subalit sa pamamagitan lamang ng hustisya, kabilang na ang hustisya para sa mga kapatid nating Muslim at Ifugao. Walang maaaring maging kasunduan sa isang diktador. Walang kompromiso sa diktadurya.  
  1. Sa himagsikan, walang tunay na nagwawagi, kundi pawang mga talunan lamang. Hindi natin kailangang pumuksa para lamang lumikha.
  1. Nag-uugat ang subersiyon sa mga isyung pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitika. Hindi ito malulutas ng purong militar na solusyon; maaari itong pahinain hindi sa pamamagitan ng mas matinding panlulupig, bagkus, sa mas patas na pagbabahagi ng yaman, dagdag na demokrasya, at dagdag na kalayaan.
  1. Upang muling umusad ang ekonomiya, kailangang ibigay sa manggagawa ang makatarungan at karapat-dapat na bahagi ng kanyang pinagtrabahuhan, at kailangang mapanumbalik ang pag-asa sa mga may-ari at tagapangasiwa kung saan laganap ang alinlangan, kung hindi man kawalang pag-asa.

Sa isa sa mga mahahabang pasilyo ng Harvard University, nakaukit sa granito ang mga salita ni Archibald Macleish: “How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always and in the final act, by determination and faith. [Paano ba dapat ipagtanggol ang kalayaan? Sa pamamagitan ng sandata kung inatake ito ng sandata; ng katotohanan kung inatake ng kasinungalingan; ng pananampalatayang demokratiko kung inatake ng paniniwalang awtoritaryo. Lagi at sa pinakahuling yugto, sa pamamagitan ng determinasyon at pananalig.]”

Bumalik ako mula sa pagkakawalay sa bansa at walang kasiguraduhang hinaharap, na determinasyon at pananalig lamang ang maiaalay–pananalig sa ating mga kababayan at pananalig sa Panginoon.

 

[Orihinal na talumpati sa Ingles]

Arrival statement of Senator Benigno Aquino Jr., at the Manila International Airport to be delivered before his welcomers on August 21, 1983*

I have returned on my free will to join the ranks of those struggling to restore our rights and freedoms through non-violence.

I seek no confrontation. I only pray and will strive for a genuine national reconciliation founded on justice.

I am prepared for the worst, and have decided against the advice of my mother, my spiritual adviser, many of my tested friends and a few of my most valued political mentors.

A death sentence awaits me. Two more subversion charges, both calling for death penalties, have been filed since I left three years ago and are now pending with the courts.

I could have opted to seek political asylum in America, but I feel it is my duty, as it is the duty of every Filipino, to suffer with his people especially in time of crisis.

I never sought nor have I been given any assurance, or promise of leniency by the regime. I return voluntarily armed only with a clear conscience and fortified in the faith that in the end, justice will emerge triumphant.

According to Gandhi, the willing sacrifice of the innocent is the most powerful answer to insolent tyranny that has yet been conceived by God and man.

Three years ago when I left for an emergency heart bypass operation, I hoped and prayed that the rights and freedoms of our people would soon be restored, that living conditions would improve and that blood-letting would stop.

Rather than move forward we have moved backward. The killings have increased, the economy has taken a turn for the worse and the human rights situation has deteriorated.

During the martial law period, the Supreme Court heard petitions for habeas corpus. It is most ironic after martial law has allegedly been lifted, that the Supreme Court last April ruled it can longer entertain petitions for habeas corpus for persons detained under a Presidential Commitment Order, which covers all so-called national security cases and which under present circumstances can cover almost anything.

The country is far advanced in her times of trouble. Economic, social and political problems bedevil the Filipino. These problems may be surmounted if we are united. But we can be united only if all the rights and freedoms enjoyed before September 21, 1972 are fully restored.

The Filipino asked for nothing more, but will surely accept nothing less, than all the rights and freedoms guaranteed by the 1935 Constitution – the most sacred legacies from the founding fathers.

Yes, the Filipino is patient, but there is a limit to his patience. Must we wait until that patience snaps?

The nationwide rebellion is escalating and threatens to explode into a bloody revolution. There is a growing cadre of young Filipinos who have finally come to realize that freedom is never granted, it is taken. Must we relive the agonies and the bloodletting of the past that brought forth our republic or can we sit down as brothers and sisters and discuss our differences with reason and goodwill?

I have often wondered how many disputes could have been settled easily had the disputants only dared to define their terms.

So as to leave no room for misunderstanding, I shall define my terms:

  1. Six years ago, I was sentenced to die before a firing squad by a military tribunal whose jurisdiction I steadfastly refused to recognize. It is now time for the regime to decide. Order my immediate execution or set me free.

I was sentenced to die for allegedly being the leading Communist leader. I am not a Communist, never was and never will be.

  1. National reconciliation and unity can be achieved, but only with justice, including justice for our Muslim and Ifugao brothers. There can be no deal with a dictator. No compromise with dictatorship.
  1. In a revolution there can really be no victors, only victims. We do not have to destroy in order to build.
  1. Subversion stems from economic, social and political causes and will not be solved by purely military solutions; it can be curbed not with ever increasing repression but with a more equitable distribution of wealth, more democracy and more freedom.
  1. For the economy to get going once again, the working man must be given his just and rightful share of his labor, and to the owners and managers must be restored the hope where there is so must uncertainty if not despair.

On one of the long corridors of Harvard University are carved in granite the words of Archibald Macleish: “How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always and in the final act, by determination and faith.”

I return from exile and an uncertain future with only determination and faith to offer—faith in our people and faith in God.

 

(Reprinted from The New York Times, August 22, 1983)

*Crisostomo, Isabelo T. “Cory: profile of a President.” Quezon City: J. Ruiz Publishing Enterprizes, 1986

 

Read in English