Read in English

Ano ang SALN?

Nangangahulugan ang SALN ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (Pahayag ng mga Pag-aari, Liabilidad, at Kabuuang Yaman). Isa itong deklarasyon ng assets o mga pag-aari (hal. lupa, sasakyan, atbp.) at liabilidad (hal. loan, utang, mga binabayarang interes, atbp.) ng isang opisyal o empleado, pati na ng kanyang asawa, at mga anak na di pa kasal at menor de edad na nakatira pa rin sa magulang. Mandatoryo ang pagpapasa ng SALN sa ilalim ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng 1987 Konstitusyon, at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713, ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” Kasama rito ang isang waiver na nagbibigay-kapangyarihan sa Ombudsman o sa kanyang awtorisadong kinatawan na makuha ang mga dokumentong maaaring magpakita ng mga pag-aari, liabilidad, kabuuang yaman, interes sa negosyo, at mga koneksiyong pampinansiya ng lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Para sa PDF na kopya ng SALN, i-click lamang ito.

Sino ang kinakailangang magpasa ng SALN?

Ang lahat ng pampublikong opisyal at empleado, regular man o pansamantala, ay kinakailangang magpasa o mag-file ng SALN.

Mula sa Artikulo XI, Seksiyon 17 ng 1987 Konstitusyon:

“A public officer or employee shall, upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth.

In the case of the President, the Vice-President, the Members of the Cabinet, the Congress, the Supreme Court, the Constitutional Commissions and other constitutional offices, and officers of the armed forces with general or flag rank, the declaration shall be disclosed to the public in the manner provided by law.”

[Sa oras na manungkulan ang isang pampublikong opisyal o empleado, kailangan niyang magpasa, sa ilalim ng panunumpa, ng deklarasyon ng kanyang mga pag-aari, liabilidad, at kabuuang yaman, sa dalas na hihingiin ng batas.

Sa kaso ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Miyembro ng Gabinete, Kongreso at Senado, Korte Suprema, Komisyong Konstitusyonal at iba pang mga tanggapan, at mga opisyal ng sandatahang lakas na may ranggong “general” o “flag,” ipapakita ang kanilang deklarasyon sa publiko sa paraang nakasaad sa batas.]

Mula sa Administrative Code of 1987, Aklat 1, Kabanata 9, Seksiyon 34:

“A public officer or employee shall upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth.”

[Sa oras na manungkulan at sa dalas na hinihingi ng batas, ang isang pampublikong opisyal o empleado ay kinakailangang magpasa, sa ilalim ng panunumpa, ng deklarasyon ng kanyang mga pag-aari, liabilidad, at kabuuang yaman.]

Mula sa RA 6173, Seksiyon 8:

“Statements and Disclosure – Public officials and employees have an obligation to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households.”

[Mga deklarasyon at pagbubukas sa publiko – May obligasyon ang mga pampublikong opisyal at empleado na gumawa at magpasa ng mga deklarasyon, sa ilalim ng panunumpa, ng kanilang mga pag-aari, liabilidad, kabuuang yaman, pati na mga interes sa negosyo at pinansiya; kasama rin dito ang sa kanilang mga asawa at anak na di-kasal at menor de edad na nakatira pa rin sa magulang. May karapatan ang publikong malaman ang mga ito.]

Ang mga pampublikong opisyal at empleadong may “temporary status” o pansamantala lamang ay kinakailangan ding magpasa, sa ilalim ng panunumpa, ng kanilang SALN at Disclosure of Business Interests at Financial Connections sang-ayon sa mga panuntunang nakasaad sa batas na ito.

Kailan dapat magpasa ng SALN?

Mula sa RA 6713, Seksiyon 8:

Kailangang ipasa ang SALN:

  1. sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos manungkulan;
  2. tuwing Abril 30, o mas maaga, ng bawat susunod na taon; at
  3. sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos magbitiw sa serbisyo.

“All public officials and employees required under this section to file the aforestated documents shall also execute, within thirty (30) days from the date of their assumption of office, the necessary authority in favor of the Ombudsman to obtain from all appropriate government agencies, including the Bureau of Internal Revenue, such documents as may show their assets, liabilities, net worth, and also their business interests and financial connections in previous years, including, if possible, the year when they first assumed any office in the Government.”

“Identification and disclosure of relatives. — It shall of the duty of every public official or employee to identify and disclose, to the best of his knowledge and information, his relatives in the Government in the form, manner and frequency prescribed by the Civil Service Commission.”

[Sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos manungkulan, ang lahat ng pampublikong opisyal at empleadong nabanggit sa seksiyon na ito ay kinakailangan ding magbigay ng kinakailangang awtorisasyon sa Ombudsman na kunin mula sa lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno, kasama ang Bureau of Internal Revenue, ang mga dokumentong magpapakita ng kanilang mga pag-aari, liabilidad, kabuuang yaman, pati na ang kanilang mga interes sa negosyo at pinansiyal na koneksiyon sa lumipas na mga taon, kabilang na, kung posible, ang sa taon na una silang nanungkulan sa kahit anong opisina sa gobyerno.

Pagpapangalan at pagpapakilala sa mga kamag-anak – Katungkulan ng bawat pampublikong opisyal o empleado ang pangalanan at ipaalam, sa abot ng kanyang kaalaman, ang lahat ng kanyang kamag-anak sa gobyerno sa porma, paraan, at dalas na isinaad ng Civil Service Commission.]

Ano ang dapat makita sa SALN?

Mula sa RA 6713, Seksiyon 8:

A.

  • real property (mga di-nagagalaw na pag-aari tulad ng lupa, bahay, gusali, atbp.), kasama ang mga pagpapaganda rito, halaga ang pagbili, kasalukuyang halaga nito sa merkado;
  • personal property (mga nagagalaw na pag-aari tulad ng tv, cellphone, kotse, atbp.), at ang halaga ng pagbili dito;
  • lahat ng iba pang pag-aari tulad ng mga investment, perang hawak-hawak o nasa bangko, stocks, bonds, at mga katulad na pag-aari;
  • mga liabilidad; at
  • lahat ng interes sa negosyo at koneksiyong pinansiyal.

B.

  • kasama ang sa kanilang mga asawa at anak na di-kasal at menor de edad na nakatira pa sa magulang.

C.

  • Pagpapangalan at pagpapakilala sa mga kamag-anak – Katungkulan ng bawat pampublikong opisyal o empleado ang pangalanan at ipaalam, sa abot ng kanyang kaalaman, ang lahat ng kanyang kamag-anak sa gobyerno sa porma, paraan, at dalas na isinaad ng Civil Service Commission.

Saan ipinapasa ang mga SALN?

Mula sa The Civil Service Law and Rules (2011):

Pag-akses sa mga SALN

Mula sa RA 6173, Seksiyon 8:

  • Kailangang available ang mga SALN para sa inspeksiyon sa mga makatwirang oras.
  • Kailangang available ang SALN para kopyahin 10 araw matapos itong ipasa.
  • Ang sinumang humihingi ng kopya ng SALN ay kinakailangang magbayad ng karampatang halaga para sa gastos ng pagkopya, sertipikasyon, at pagpapadala ng nasabing dokumento.
  • Lahat ng SALN na ipapasa sa ilalim ng batas ito ay dapat maging bukas sa publiko sa loob ng 10 taon matapos itong ipasa. Pagkatapos ng panahong iyon, maaari nang sirain ang dokumento liban na lang kung kailangan sa isang isinasagawang imbestigasyon.

Sino ang hindi kinakailangang magpasa ng SALN?

Mula sa RA 6173, Seksiyon 8:

  • sinumang naninilbihan sa honorary capacity (di-ganap ang pagiging bahagi ng ahensiya), laborer at casual o temporary na trabahador.

Mga ipinagbabawal na gawain

Mula sa RA 6173, Seksiyon 8:

Ang paggamit ng kahit anong statement o dokumento na ipinasa sa ilalim ng RA na ito ay labag sa batas kung gagamitin sa sumusunod na kadahilanan:

  1. labag sa moralidad o batas pampubliko;
  2. komersiyal o pagkakakitaan, liban na lang sa mga balita at media para ipabatid sa madla.

Paano mag-request ng SALN?

Puntahan ang National Ombudman’s Office, at Civil Service Commission.

 

Read in English