Read in English

The 2013 State of the Nation Address
Ang 2013 State of the Nation Address

Noong Hulyo 27, 2015, ipinahayag ni Pangulong Benigno S Aquino III ang kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address.

Ang ginanap na SONA ni Pangulong Aquino III ang ika-77 mula noong 1935 at ika-29 mula nang maipanumbalik ang demokrasya sa ilalim ng Ikalimang Republika noong 1987.

[Tingnan: SONA photo gallery]

[Basahin: Interesting facts about the SONA]

Ang State of the Nation Address o SONA ay inihahayag ng Pangulo ng Pilipinas taon-taon. Dito, iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kalagayan ng bansa, ipinaaalam ang agenda ng pamahalaan para sa susunod na taon, at maaari ding magmungkahi sa Lehislatura ng ilang mga batas. Isang obligasyong konstitusyonal ang SONA, sang-ayon sa Artikulo VII, Seksiyon 23 ng 1987 Konstitusyon:

“[The] President shall address the Congress at the opening of its regular session.”

[Kinakailangang mag-ulat ng Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito.]

Dagdag pa, iniuutos din ng Artikulo VI, Seksiyon 15 sa Kongreso [Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado] na magtipon isang beses kada taon, sa ikaapat na Lunes ng Hulyo, para sa regular na sesyon nito.

Mga Tradisyon at Pamamaraan

 

President Benigno Simeon Aquino III delivers his 2nd State of the Nation Address (SONA) during the joint Senate and House session of Congress at the Plenary Hall, House of Representatives Complex, Constitution Hills, Quezon City Monday July 25, 2011. In the photo are Senate President Juan Ponce Enrile and House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (Photo by: Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau).
Ang Session Hall ng Batasang Pambansa noong 2011 SONA ng Pangulong Benigno S. Aquino III (Litrato mula sa Malacañang Photo Bureau)

Humaharap ang Pangulo ng Pilipinas sa Kongreso sa oras na imbitahan ng pangalawa ang una. Sa pagharap na ito, magsasagawa ng isang joint session sa Session Hall ng Batasang Pambansa. Magbibigay ang Kongreso ng mga tiket, at lahat ng paghahanda ay nakaatang sa Kongreso bilang opisyal na tagapagdaos ng sesyon.

Sa umaga ng Lunes [ng SONA], isasagawa pareho ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado ang kanilang sesyon sa kani-kanilang mga pulungan. Ihahalal din nila ang kanilang mga opisyal sa umagang iyon. Pagkatapos, maghahain sila ng magkasabay na resolusyon, ipinaaalam na handa na ang dalawang kapulungan na pakinggan ang ulat ng Pangulo. Sususpindehin ang sesyon ng parehong kapulungan.

Pagsapit ng hapon, sasalubungin ang Pangulo sa Batasang Pambansa, sa babaan ng kotse o eroplano, ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng mga Sergeant-at-Arms ng dalawang kapulungan. Ie-escort naman ng Chief of Staff ng AFP ang Pangulo palampas sa Honor Guard. Sa puntong ito, matatapos ang tungkulin ng military escort at hahalinhan naman ng Sergeant-at-Arms ng Kapulungan ng mga Kinatawan bilang simbolo ng pagkaindependiyente ng Lehislatura. Ie-escort niya ang Pangulo patungo sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), na nagsisilbing opisina ng Punong Ehekutibo sa Batasang Pambansa. Tradisyon nang nagsasagawa ng nagko-courtesy call ang dalawang kapulungan para sa Pangulo sa PLLO.

Isang Welcoming Committee, itinalaga ng at mula sa mga kasapi ng dalawang kapulungan ng Lehislatura, ang sasama sa Pangulo patungo sa Session Hall. Pagsapit na pagsapit sa Session Hall, iaanunsiyo ng Speaker of the House ang pagdating ng Pangulo, na pupuwesto sa gitna ng Senate President at Speaker of the House. Sa puntong ito, pormal nang pasisimulan ang joint session ng Kongreso, na susundan ng pagkanta ng pambansang awit at panalangin. Matapos ang lahat ng ito, bababa ang Pangulo sa rostrum upang ipahayag ang SONA.

Pagkatapos ng mensahe ng Pangulo, isasara ang Speaker of the House at ng Senate President ang joint session para sa kani-kanilang mga kapulungan.

[Basahin: SONA procedure as an inforgraphic flowchart]

Ang tagal ng buhay ng bawat Kongreso ay nag-uumpisa at nagwawakas sa eleksiyon ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na nakatakdang maglingkod sa loob ng tatlong taon. Hinahati ang buhay ng Kongreso sa tatlong regular na sesyon, kung saan katumbas ang isang sesyon ng isang taon sa kalendaryo. Kung kaya, minamarkahan ng SONA ang pagsisimula ng bawat regular na sesyon ng Kongreso.

Ang bilang ng mga Kongreso (pagpupulong ng mga mambabatas)—halimbawa, ang ika-15 Kongreso—ay batay sa dami ng mga Kongresong naisagawa mula noong independensiya ng Pilipinas, Hulyo 4, 1946. Dahil dito, ang huling kongreso ng Komonwelt ng Pilipinas na inihalal noong Abril 23, 1946 ang naging kauna-unahang Kongreso ng Republika ng Pilipinas mula nang makalaya. Pinanatli ang pagbibilang na ito hanggang sa ideklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang batas militar noong 1972. Sa pagpapanumbalik ng Bikameral na Lehislatura noong 1987, napagpasyahang ipagpatuloy ang bilang, na itutuloy mula sa pinakahuling Kongreso bago ang batas militar. Kung kaya, ang huling Kongreso sa ilalim ng 1935 Konstitusyon ang itinuturing na Ikapitong Kongreso, at ang unang Kongreso sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ang naging Ikawalong Kongreso.

Historikal na Ebolusyon ng SONA

A. Unang Republika (1898 – 1899)

Hiniram ng Unang Republika ng Pilipinas ang tradisyong parlamentaryo ng Europa, kung saan binubuksan ng pinuno ng estado ang mga sesyon ng Pambansang Asemblea sa pamamagitan ng isang seremonya. Ayon sa 1899 Konstitusyon, katungkulan ng Pangulo ng Pilipinas na buksan, suspindehin, at isara ang Kongreso. Binigyan din ng Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang makipagkomunikasyon sa Kongreso gamit ang mga mensaheng babasahin ng mga Kalihim ng Pamahalaan sa harap ng Pambansang Asemblea (La Asemblea Nacional).

Noong Setyembre 15, 1898, nagbigay si Pangulong Emilio Aguinaldo ng mensahe sa Inagural na Sesyon ng Asemblea ng mga Kinatawan, na mas kilala bilang Kongreso ng Malolos. Hindi itinuturing na SONA ang naging mensahe dahil isa lamang itong mensahe ng pasasalamat sa Asemblea sa halip na isang mandatong ulat para sa Lehislatura. Nagkaroon lamang ng isang pormal na pagbubukas ang Kongreso ng Malolos. Pagsapit ng Mayo 1899, nabuwag din ito dahil sa di-kanais-nais na digmaang naganap.

B. Mula sa Komisyon sa Pilipinas hanggang sa Lehislatura ng Pilipinas (1899 – 1935)

Noong 1899, sa kahabaan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, itinalaga ni Pangulo ng Estados Unidos William McKinley ang Unang Komisyon sa Pilipinas (kilala bilang Komisyong Schurman) para isarbey ang Pilipinas at suriin ang kondisyon nito. Bilang resulta, ipinadala ng Komisyon ang isang ulat sa lagay ng Pilipinas sa Pangulo ng Estados Unidos noong Enero 31, 1900. Inirekomenda ng Komisyon ang isang mabilis na transisyon mula sa isang militar patungo sa gobyernong sibil, ang pagtatatag ng pamahalaang lokal na pinamumunuan ng mga Pilipino, at libreng edukasyon. Mula roon, ang Komisyon, na kalaunang napalitan ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas (ang Komisyong Taft), ay nagpadala sa Pangulo ng Estados Unidos ng taunang ulat para sa taong-piskal, sa pamamagitan ng Kalihim ng Digmaan ng U.S.

Sa pagpapatupad ng Philippine Organic Act of 1902 ng Kongreso ng U.S., opisyal nang napasasailalim ang opisina ng Gobernador Heneral ng Pilipinas sa Pangulo ng Estados Unidos, at itinakda na rin ang mga kondisyon para sa isang bikameral na lehislatura, kung saan gagawing mataas na kapulungan ang Komisyon at pupunuin naman ng mga Pilipino ang Asemblea sa pamamagitan ng botohan. Ipinag-utos din ng batas sa Komisyon na gumawa ng taunang ulat sa Kalihim ng Digmaan ng lahat ng resibo at gastusin nito, subalit hindi naglaan ng kahit anong probisyon na mag-ulat ang Gobernador Heneral sa Lehislatura ng Pilipinas.

Wala mang probisyon, sa parehong taong ding iyon ay pinasimulan ng Gobernador Heneral ang pagbibigay ng mensahe sa Lehislatura. Ito ang naging taunang pagbibigay-mensahe ng Pangulo kada simula ng sesyon, tinawag na “Taunang Mensahe ng Gobernador Heneral sa Lehislatura.” Gayumpaman, hindi ito itinuring na State of the Nation Address dahil hindi ito ipinag-utos ng batas. Pagkatapos ng mensahe, ipapasa ang badyet sa Kalihim ng Pananalapi, at dedepensahan naman sa Lehislatura.

Sa kauna-unahang sesyon ng Asemblea ng Pilipinas noong Oktubre 16, 1907 sa Marble Hall ng Ayuntamiento Building, binuksan ni Gobernador Heneral James F. Smith ang asemblea at nagbigay ng talumpati kung saan inilahad niya ang mga nakaraang gawain ng gobyerno patungo sa pagtatatag ng Asemblea ng Pilipinas. Sinundan ang mensahe ng Gobernador Heneral ng talumpati ni William Howard Taft, na nagsisilbi noon bilang Kalihim ng Digmaan ng U.S. at kinatawan ng Pangulo ng Estados Unidos. Binalikan ng mahabang talumpati ni Kal. Taft ang naging progreso ng administrasyong Amerikano sa Pilipinas at idiniin ang mga mithiin ng Amerika para sa Pilipinas. Ang mga pangyayaring ito ang nagbigay-daan sa tradisyon ng estado na kalaunang naging SONA.

 The Philippine Assembly with Governor General James F. Smith and the U.S. Secretary of War William Howard Taft, on October 16, 1907 during the Assembly’s inaugural session. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines.)
Ang Asemblea ng Pilipinas kasama si Gobernador Heneral James F. Smith at Kalihim ng Digmaan William Howard Taft, noong Oktubre 16, 1907 sa inagural na sesyon ng Asemblea. (Litrato mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.)

Noong Oktubre 16, 1914, ipinasa ng Lehislatura ang Concurrent Resolution No. 12, na nagmamandato sa Komisyon at Asemblea na magsagawa ng joint session sa session room ng Asemblea sa Ayuntamiento para tanggapin ang mensahe ng Punong Ehekutibo ng Kapuluan, ang Gobernador Heneral.

Sa pagpapatupad ng Jones Law noong 1916, ang Gobernador Heneral—hindi na ang Komisyon—ang kinakailangang magbigay ng opisyal na ulat sa Kalihim ng Digmaan ng Estados Unidos tungkol sa pamamalakad sa teritoryo, at ipapasa naman nito sa Pangulo ng Estados Unidos. Isusumite naman ng Pangulo ng Estados Unidos ang ulat sa Kongreso ng Estados Unidos.

Isang hiwalay na tradisyon ang sumibol, kung saan magbibigay ng mensahe ang Gobernador Heneral sa Lehislatura sa pagbubukas ng taunang sesyon. Gayumpaman, hindi ito mandatoryo. Ang interesante tungkol dito ay personal na ibinibigay ng Gobernador Heneral ang mensahe. Sa parehong panahon sa Estados Unidos, hindi ang Pangulo ng Estados Unidos ang personal na nagbibigay ng mensahe. Sisimulan ni Pangulong Woodrow Wilson noong 1913 ang kasalukuyang tradisyon ng pagbibigay-mensahe sa Kongreso nang personal.

Nakilala ang tradisyong ito bilang “Governor General’s annual message to the Legislature [Taunang mensahe ng Gobernador Heneral sa Lehislatura].” Bilang kinatawan ng isang dayuhang kapangyarihan, at bilang Punong Ehekutibong representante ng Amerika, malinaw na ginawa ang aktibidad na ito para patibayin ang mga polisiyang Amerikano at hindi upang magsilbing lider ng mga Pilipino. Ang papel bilang pinuno ng mga mamamayan ay ginampanan ng mga Pilipinong mambabatas na inihalal ng mga tao.

Governor General Leonard Wood addresses the Legislature at the Marble Hall in Ayuntamiento. Seen in the rostrum are Senate President Manuel L. Quezon and House Speaker Manuel Roxas. (Photo courtesy of Library of Congress)
Si Gobernador Heneral Leonard Wood na nagtatalumpati sa Lehislatura sa Marble Hall ng Ayuntamiento. Makikitang nasa rostrum sina Senate President Manuel L. Quezon at House Speaker Manuel Roxas, circa 1920. (Litrato mula sa Silid-aklatan ng Kongreso)

C. Ang Komonwelt ng Pilipinas (1935 – 1941)

Nag-umpisa ang SONA, na kilala natin ngayon bilang isang taunang gawain, noong panahon ng Komonwelt. Nakasaad sa inamyendahang 1935 Konstitusyon, Artikulo VII, Seksiyon 5 na:

“[T]he President shall from time to time give to the Congress information on the state of the Nation, and recommend to its consideration such measures as he shall judge necessary and expedient.”

[Ang Pangulo ay kinakailangang regular na mag-ulat sa Kongreso tungkol sa lagay ng bansa, at magmungkahi rito ng mga hakbang at batas na sa tingin niya ay kinakailangan at makatutulong dito nang malaki.]

Kung kaya, nakilala ang taunang mensahe sa Lehislatura bilang State of the Nation Address.

President Manuel L. Quezon delivers his Third State of the Nation Address to the National Assembly on October 18, 1937 at the Legislative Building, Manila. (Photo from The Herald on October 19, 1937 from the Histogravure of Manuel L. Quezon)
Ibinibigay ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kanyang ikatlong State of the Nation Address sa Pambansang Asemblea noong Oktubre 18, 1937, sa Gusali ng Lehislatura, Maynila. (Litrato mula sa Koleksiyon ng Pamilya Quezon)

Ipinahayag ang unang SONA sa special session ng Pambansang Asemblea noong Nobyembre 25, 1935. Nabanggit ni Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang talumpati na ibinibigay niya ang kanyang mensahe bilang pagsunod sa mandato ng Konstitusyong mag-ulat sa Kongreso tungkol sa lagay ng bansa sa pagbubukas nito ng sesyon. Dahil dito, kabilang sa prayoridad ng talumpati ang “pinakakailangan sa lahat,” na kaugnay ng mismong pag-iral ng bansa nang maging malayang kasapi ito ng pamilya ng mga nasyon–ang pagtatatag ng polisiya para sa tanggulang pambansa (national defense policy).

Buhat noon, itinakda na ang petsa ng pagbubukas ng mga sesyon ng Pambansang Asemblea, alinsunod sa Commonwealth Act No. 17, bilang ika-16 ng Hunyo ng bawat taon. Ang ikalawang SONA ay inihayag ni Pangulong Quezon sa Gusali ng Lehislatura noong Hunyo 16, 1936. Ito ang pinakaunang SONA na ibinigay sa harap ng isang regular na sesyon.

Gayumpaman, inamyendahan ng Commonwealth Act No. 49 ang CA 17 at itinakda ang ika-16 ng Oktubre bilang petsa ng pagbubukas ng regular na sesyon ng Pambansang Asemblea. Dahil nataon itong Sabado noong 1937, inihayag ni Pangulong Quezon ang ikatlong SONA pagsapit na ng Lunes, Oktubre 18, 1937.

Sa pag-apruba ng Commonwealth Act No. 244 noong Disyembre 10, 1937, muling inilipat ang petsa ng pagbubukas ng regular na sesyon ng Pambansang Asemblea sa ikaapat na Lunes ng bawat taon, simula 1938. Gayumpaman, may mga pagkakataon na magbibigay ng talumpati ang Pangulong Quezon, ipinatatawag ang Lehislatura sa isang special session para ipatupad ang isang batas o bigyang-pansin ang ilang mahahalagang isyu. Nangyari ito noong Hulyo 25, 1938, nang ipatawag ang Pambansang Asemblea hinggil sa batas sa eleksiyon at iba pang mahahalagang isyu. Hindi ito itinuturing na SONA dahil walang nabanggit na lagay ng bansa sa talumpati. Inihayag ni Pangulong Quezon ang kanyang ikaanim at huling SONA noong Enero 31, 1941, dahil nadestiyero na siya nang sumunod na taon dahil sa pananakop ng mga Hapones sa bansa.

The National Assembly at the opening of the 10-day special session on July 25, 1938, where President Quezon addressed them in person. Shown at left, with the President delivering his message from the rostrum and with Speaker Gil Montilla listening intently at his side. The President read his message which was broadcast over a nationwide hookup NY KZRM, Radio Manila. (Photo from The Herald, July 26, 1938)
Ang Pambansang Asemblea sa pagbubukas ng 10 araw na special session noong Hulyo 25, 1938, kung saan personal silang kinausap ng Pangulong Quezon. Sa gitna, nagtatalumpati ang Pangulong Quezon mula sa rostrum at nasa tabi naman niya si Speaker Gil Montilla na matamang nakikinig. Binasa ng Pangulo ang kanyang mensahe na na-broadcast sa buong bansa gamit ang NY KZRM, Radio Manila. (Larawan mula sa The Herald, Hulyo 26, 1938)
TOP: (left) Assemblymen N.T. Bupisan, Juan S. Alano, and Enrique B. Magalina notifying Pres. Manuel L. Quezon that the National Assembly is in session. (right) Speaker Gil Montilla and Assemblyman Manuel A. Alzate greet each other on the way to the Session Hall. BOTTOM: (left) Assemblymen entering the Session Hall. (right) Narciso Pimentel, secretary of the Assembly, reading the message of the President. (Photo from The Herald, January 25, 1938)
Sa itaas na mga panel: (kaliwa) Assemblyman N.T. Bupisan, Juan S. Alano, at Enrique B. Magalina na ipinababatid kay Pangulong Manuel L. Quezon na simula na ang sesyon ng Pambansang Asemblea. (kanan) Speaker Gil Montilla at Assemblyman Manuel A. Alzate, binabati ang isa’t isa papunta sa Session Hall. Sa ibabang mga panel: (kaliwa) Mga assemblyman papasok sa Session Hall; (kanan) Narciso Pimentel, sekretaryo ng Asemblea, binabasa ang mensahe ng Pangulo. (Litrato mula sa The Herald, Enero 25, 1938)

D. Ikalawang Republika (1943 – 1945)

Naipahayag ni Pangulong Jose P. Laurel ng Ikalawang Republika ng Pilipinas ang kanyang una at huling mensahe sa special session ng Pambansang Asemblea, na pinamumunuan ni Speaker Benigno Aquino, noong Oktubre 18, 1943, apat na araw matapos maitatag ang Republika. Naganap din ito sa Gusali ng Lehislatura, Maynila. Gayumpaman, ipinabatid ni Laurel, isa sa mga delegadong sumulat ng 1935 Konstitusyon, sa kanyang mensahe na hindi humihingi ang 1943 Konstitusyon ng isang ulat sa Lehislatura, kung kaya, hindi isang SONA ang kanyang talumpati. Dahil dito, hindi kasali sa talaan ng mga SONA ang kanyang mensahe sa asemblea.

José P. Laurel, President of the Second Philippine Republic, addresses the National Assembly in what is now the Legislative Building (National Museum). The National Assembly under Japanese Occupation would use the Senate Session Hall rather than that of the House. (Photo from Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines)
Jose P. Laurel, Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas, nagbibigay ng mensahe sa Pambansang Asemblea sa gusaling tinatawag ngayong Legislative Building (National Museum). Mas ginamit ng Pambansang Asemblea sa ilalim ng administrasyong Hapones ang Senate Session Hall imbis na ang Kongreso. (Larawan mula sa Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of the Representatives of the Philippines)

E. Naipanumbalik na Komonwelt (1945)

Sa pagkakagapi sa Puwersang Imperyal ng Hapon at sa muling pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas, nagtipon ang Kongreso ng Pilipinas–na inihalal noong 1941 bilang bikameral na entidad–noong Hunyo 9, 1945. Ito ang pangalawang pagkakataon na inihayag ang SONA sa isang special session. Habang special session na ito, humarap si Pangulong Sergio Osmeña sa mga mambabatas sa kanilang pansamantalang tanggapan sa isang bahay-eskuwelahan sa Kalye Lepanto sa Maynila. Dito, nagbigay siya ng komprehensibong ulat sa mga isinagawa ng Pamahalaang Komonwelt sa tatlong taong pananatili nito sa Washington, DC. Dagdag pa, inilarawan niya ang mga kondisyong namamayani sa Pilipinas sa panahon ng okupasyong Hapones at kinilala ang di-matatawarang tulong ng mga gerilya sa puwersang Amerikano sa pagpapalaya sa Pilipinas. Ito ang una’t natatanging SONA ni Pangulong Osmeña.

President Sergio Osmeña's first and only state of the nation address delivered at Lepanto St. Manila on June 9, 1945. (Photo courtesy of the Presidential Museum and Library)
Ang una at kaisa-isang SONA na inihayag ni Pangulong Sergio Osmeña sa Kalye Lepanto, Maynila noong Hunyo 9, 1945. (Larawan mula sa Presidential Museum and Library)

Ang huling SONA sa ilalim ng Komonwelt ng Pilipinas ay inihayag ni Pangulong Manuel Roxas noong Hunyo 3, 1946. Matapos ang pagkakatatag ng nagsasariling Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, itinakda nang ibigay ang SONA tuwing ikaapat na Lunes ng Enero, alinsunod sa Commonwealth Act No. 244. Pinakauna rito ang mensahe ni Pangulong Roxas sa Unang Kongreso ng Republika noong Enero 27, 1947.

President Manuel Roxas’s First State of the Nation Address delivered at the Temporary Congress building, in a converted schoolhouse in Lepanto Street, Manila on June 3, 1946. (Photo courtesy of Manuel Roxas Foundation)
Unang SONA ni Pangulong Manuel Roxas na inihayag sa pansamantalang gusali ng Kongreso, sa isang bahay-eskuwelahan sa Kalye Lepanto, Maynila noong Hunyo 3, 1946. (Larawan mula sa Manuel Roxas Foundation)

F. Ikatlong Republika (1946 – 1972)

Simula 1949, inihahayag na ang SONA sa muling itinayong Gusali ng Lehislatura. Isang beses lamang hindi personal na humarap ang isang presidente sa Kongreso: Noong Enero 23, 1950, inihayag ni Pangulong Elpidio Quirino, na nagpapagaling sa John Hopkins Hospital sa Baltimore, Maryland, ang kanyang SONA sa joint session ng Kongreso sa pamamagitan ng radyo gamit ang RCS sa Estados Unidos. Natanggap ito ng mga lokal na radyo ng 10:00 n.u., saktong-sakto sa pagbubukas ng regular na sesyon ng Kongreso.

President Elpidio Quirino’s Second State of the Nation Address delivered from his hospital bed in Baltimore, Maryland, USA, January 23, 1950. This is the only SONA delivered via radio broadcast to Congress. (Photo taken from Apo Lakay: The Biography of President Elpidio Quirino of the Philippines by Carlos Quirino, courtesy of the President Elpidio Quirino Foundation)
Ang ikalawang SONA ni Pangulong Elpidio Quirino na ibinigay mula sa kanyang higaan sa ospital sa Baltimore, Maryland, USA, noong Enero 23, 1950. Ito ang natatanging SONA na inihayag sa Kongreso sa pamamagitan ng radyo. (Larawan mula sa Apo Lakay: The Biography of Elpidio Quirino of the Philippines, by Carlos Quirino)
President Ramon Magsaysay’s First State of the Nation Address, January 25, 1954. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines)
Ang unang SONA ni Pangulong Ramon Magsaysay, noong Enero 25, 1954. (Larawan mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas)
President Carlos P. Garcia during his Fourth State of the Nation Address on January 23, 1961. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines)
Si Pangulong Carlos P. Garcia sa kanyang ikaapat na SONA noong Enero 23, 1961. (Larawan mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas)
President Diosdado Macapagal delivers his Third State of the Nation Address, on January 27, 1964. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines)
Si Pangulong Diosdado Macapagal, inihahayag ang kanyang ikatlong SONA, noong Enero 27, 1964. (Larawan mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas)

Ang SONA ng 1970 na inihayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Enero 26, 1970 ay nagsilbing marka ng simula ng First Quarter Storm–isang panahon ng pag-aaklas dulot ng mga demonstrasyong pinamunuan ng mga mag-aaral, nangyari sa Maynila mula Enero hanggang Marso 1970. Inihayag ang huling SONA sa ilalim ng 1935 Konstitusyon noong Enero 24, 1972.

Student protesters camped outside the Legislative Building while President Marcos delivered his address to the legislature in 1970. Into the next year, Congress was besieged by rallies of radicals and activists, the event known as the First Quarter Storm. (Photo from Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines)
Mga estudyanteng raliyista na nagkakampo sa labas ng Gusali ng Lehislatura habang inihahayag in Pangulong Marcos ang kanyang mensahe sa Lehislatura noong 1970. Nang sumunod na taon, sinalakay ang Kongreso ng rally ng mga radikal at aktibista. Nakilala ang pangyayaring ito bilang First Quarter Storm. (Larawan mula sa Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines)

G. Ang Batas Militar at ang Ikaapat na Republika (1972 – 1986)

President Ferdinand E. Marcos delivering his Second State of the Nation Address in the Legislative Building in Manila on January 23, 1967. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines.)
Si Pangulong Ferdinand E. Marcos, inihahayag ang kanyang ikalawang SONA sa Gusali ng Lehislatura sa Maynila noong Enero 23, 1967. (Larawan mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas)

On September 23, 1972, President Ferdinand E. Marcos declared Martial Law. Congress was padlocked before it was due to commence on January 22, 1973 when there was supposed to be a SONA.

From 1973 to 1977, the SONA was delivered on the official anniversary of the imposition of martial law on September 21 of each year (official because martial law was actually imposed on September 23, 1972), and because Congress was abolished with the promulgation of the 1973 Constitution, these addresses were delivered before an assembly either in Malacañan Palace or at Rizal Park, except in 1976, when the address was given during the opening of the Batasang Bayan (appointed legislative body) at the Philippine International Convention Center. Whenever the 21st of September fell on Sunday, the SONA would be delivered the Friday before. This was the case in the tenth SONA of President Marcos which was delivered on September 19, 1975. Moreover, the term “State of the Nation” was altogether dropped in the 1973 Constitution.

President Ferdinand E. Marcos bangs a gavel as he presides over the Batasang Bayan in 1977 at the Plenary Hall of the Philippine International Convention Center. (Photo from Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines)
Ibinagsak ni Pangulong Ferdinand Marcos ang malyete habang pinamumunuan niya ang sesyon ng Batasang Bayan ng 1977 sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center. (Larawan mula sa Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines)

Sinimulang ihayag ni Pangulong Marcos ang SONA sa Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon noong Hunyo 12, 1978, sa pambungad na sesyon ng pansamantalang Batasang Pambansa. At mula 1979, inihahayag na ang SONA tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo, alinsunod sa mga probisyon ng 1973 at 1987 Konstitusyon. Ang tanging mga eksepsiyon ay noong 1983, nang ibinigay ang SONA noong Enero 17 upang gunitain ang anibersaryo ng pagraratipika ng 1973 Konstitusyon at ikalawang anibersaryo ng pagpapawalang-bisa sa batas militar; at noong 1986, nang hindi nagbigay ng SONA si Pangulong Corazon C. Aquino na nagdeklara ng rebolusyonaryong pamahalaan. Gayumpaman, noong Hunyo 4, 1986, para markahan ang kanyang unang 100 araw sa panunungkulan, nagbigay si Pangulong Aquino ang talumpati na patungkol sa kalagayan ng bansa, sa anyo ng isang diskusyon sa pagitan niya at ilang mga miyembro ng kanyang gabinete na brinoadcast [broadcast] mula sa Palasyo ng Malacañan.

President Ferdinand E. Marcos delivers his Thirteenth SONA to the Interim Batasang Pambansa on June 12, 1978. (Photo from Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippine)
Si Pangulong Ferdinand E. Marcos, inihahayag ang kanyang ikalabintatlong SONA sa pansamantalang Batasang Pambansa noong Hunyo 12, 1978. (Larawan mula sa Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippine)

H. Ikalimang Republika

President Corazon C. Aquino’s 1987 SONA was published in the now defunct Malacañang Journal. The photo shows her on the rostrum of the Batasang Pambansa, with Speaker Ramon Mitra and Senate President Jovito Salonga. (Photo courtesy of the Presidential Museum and Library)
Inilathala ang 1987 SONA ni Pangulong Corazon C. Aquino sa Malacañang Journal, na wala na ngayon. Ipinapakita ng larawan ang pangulo na nasa rostrum ng Batasang Pambansa, kasama sina Speaker Ramon Mitra at Senate President Jovito Salonga.

Sa pagpapanumbalik ng Kongreso noong 1987, naihayag ni Pangulong Corazon C. Aquino ang kanyang unang SONA sa Session Hall ng Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) sa Batasang Pambansa. Ito ang nagsilbing muhon sa pagbabalik ng pangangailangan ng Konstitusyon. Makikitang inalis na ng 1987 Konstitusyon ang terminong “state of the nation” subalit naging tradisyon na ang paggamit nito. Sa kanyang 1987 SONA, ispesipikong sinabi ni Pangulong Aquino:

The complete leader­ship of this country has been chosen; the configuration of their powers and duties permanently set by the new Constitution.

[Pinili na natin ang ganap na pamumuno sa bansa; alinsunod ang kanilang kapangyarihan at tungkulin sa permanenteng itinakda ng Konstitusyon.]

An election is as much an expression as it is an exer­cise of the national will. We have been made instruments of this will. Our performance will bear witness to its wis­dom.

[Ang halalan ay isang ekspresyon, isang pagsasanay sa pagpapahayag ng hangarin ng bansa. Ginawa tayong instrumento ng hangaring ito. Saksi ang ating mga gawain sa dunong na ito.]

It is my duty under the Constitution to apprise you now of the state of the nation—but henceforth its con­tinuing progress shall be our common accountability.

[Katungkulan ko sa ilalim ng Konstitusyon na iulat sa inyo ang kalagayan ng bansa—subalit mula ngayon, sama-sama nating responsibilidad ang pagtuloy na pag-unlad nito.]

Lahat sina Pangulong Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno S. Aquino III ay isinagawa ang kanilang SONA sa parehong bulwagan.

President Fidel V. Ramos addresses the Congress during his Second State of the Nation Address on July 26, 1993. (Photo courtesy of the Presidential Museum and Library)
Si Pangulong Fidel V. Ramos, ibinibigay ang kanyang mensahe sa Kongreso sa kanyang ikalawang SONA noong Hulyo 26, 1993. (Larawan mula sa Presidential Museum and Library)
President Joseph Ejercito Estrada addressing the Congress during his First State of the Nation Address on July 27, 1998. (Photo taken from the Millennium President by Adrian E. Cristobal.)
Si Pangulong Joseph Ejercito Estrada, ibinibigay ang kanyang mensahe sa Kongreso sa kanyang unang SONA noong Hulyo 27, 1998. (Larawan mula sa Millennium President ni Adrian E. Cristobal)
President Gloria Macapagal-Arroyo addressing the Congress during her Seventh State of the Nation Address on July 23, 2007. (Photo from Malacañang Photo Bureau)
Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ibinibigay ang kanyang mensahe sa Kongreso sa kanyang ikapitong SONA noong Hulyo 23, 2007. (Larawan mula sa Malacañang Photo Bureau)

Isang 32-segundong bidyong nagpapakita kay Pangulong Quezon na ibinibigay ang kanyang 1938 State of the Nation Address. (Mula sa Thought Equity Motion)

 

Sanggunian

Justice, Keith, Presidents, Vice Presidents, Cabinet Members, Supreme Court Justices, 1789-2003: Vital and Official Data, North Carolina: MacFarland and Company, 2003, p. 11.

Liang, Dapen, Philippine Parties and Politics: A Historical Study of National Experience in Democracy. San Francisco, CA: The Gladstone Company, 1970.

Quezon, Manuel L., Messages of the President Vol. 4, Part I. Manila: Bureau of Printing, 1939.

Quezon III, Manuel; Barnes, Jeremy, et al., Assembly of the Nation: A Centennial History of the House of Representatives of the Philippines, 1907-2007. Quezon City: House of Representatives of the Philippines, 2007.

Quezon III, Manuel; Alcazaren, Paolo, et al., Malacañan Palace: The Official Illustrated History. Manila: Studio 5 Publishing, 2005.

Quirino, Jose, “How our flag flew again, June 9, 1946,” The Philippine Free Press, accessed on July 20, 2015, link.

Quezon III, Manuel, “First Session of the Philippine Assembly, October 16, 1907”, Philippine Free Press, accessed on July 16, 2015, link.

United States Philippine Commission, Report of the Philippine Commission to the President, January 31, 1900, accessed on July 20, 2015, link.

 

Related links:

List of all State of the Nation Addresses

2013 SONA page

About the Legislative Branch

Congress and the Presidency

 

Read in English