Speech of President Arroyo during a meeting with the Filipino community

Speech
of
Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo
President of the Philippines
During a meeting with the Filipino community

[Delivered at the Grand Ballroom, Crowne Plaza Hotel, Ottawa, Canada, January 29, 2002]

Maraming salamat Secretary Alvarez sa pagpakilala.

And may I also take this opportunity to introduce to you the other members of our Official delegation. We have here the Senate President Pro-Tempore Senator Manny Villar, Senator Ralph Recto. We have Congresswoman Cynthia Villar of Las Pinas, Congressman Alipio Badelles of Lanao del Norte, Congressman Plaridel Abaya of Cavite, Congressman Edmundo Reyes of Marinduque. We also have Governor Parouk Hussin of the Autonomous Region of Muslim Mindanao, Governor Willy Enverga of Quezon province, Governor Josie dela cruz of Bulacan, Mayor Lito Gatlabayan of Antipolo City. At mula sa Cabinet, si Secretary Dante canlas, Undersecretary of Foreign Affairs Larry Baja, and Undersecretary of Trade Gregory Domingo.

Binabati ko siyempre ang nag-aalaga sa inyo dito, si Ambassador Benedicto at saka si Mrs. Benedicto. Mukhang mahal na mahal niyo siya kaya hindi ko siya pinalitan. I would also like to greet the Ambassador of Canada to the Philippines, Ambassador Collet; and former Ambassador to the Philippines, still a good friend of the Philippines, Ambassador John Treleaven; at sa inyong lahat mga kaibigan:

Magandang gabi po sa inyong lahat. Balamu atin kung Cabalen a Kapampangan keti. Ken no adda kakailyak ti bangir ni mamang ko, naimbag nga rabii yo amin, apo. San saray kabaleyan, masantos ya labi ed sikayon amin. Sa mga taga-mindanao, murag ni congressman …, Maayo gabi kaninyo tanan. Kag sa mga kasimanwa sang akong bana, maayo gabi sa iyo nga tanan.

Natutuwa po ako at nagkaroon tayo ng pagkakataong magkasama-sama itong gabing ito dito sa magandang lungsod ng ottawa. At salamat sa mga nanggaling sa iba’t-ibang mga lugar ang layu-layo ng montreal dito pero nakaabot kayo por que nagbisita.

Ako po ay narito sa Canada dahil sa imbitasyon ni Prime Minister Jean Chretien.

Ngunit ang isa pang mahalagang dahilan kung bakit kami ay naririto ay para makipag-usap sa 300,000 Overseas Filipinos dito sa Canada sa pamamagitan ninyo. At gusto ko ring pasalamatan ang gobyerno ng Canada sa halagang binibigay nila sa mga Pilipinong nakatira dito.

I have met Filipinos in Canada many times in the past.

But this time, I am doubly honored because for the first time I come as your president.

Bilang inyong pangulo, sa ngalan ng lahat ng inyong kababayan sa Pilipinas, pinupuri kayo ng inyong mga kapatid sa Pilipinas sapagkat sa pamamagitan ng inyong husay sa pagtatrabaho, inaangat ninyo ang pagkatao ng sambayanang Pilipino. Napapamalas ninyo sa mundo na ang Pilipino ay dapat ipagmalaki at hangaan.

Sa buong daigdig, nararamdaman ng mga bansa, ng mga may puhunan, ng mga magulang ang malaking tulong ng mga Pilipino, ang malaking tulong ng dakilang manggagawang Pilipino. Kanya nalalagay nila sa isip nila na ang Pilipinas siguro nga ay tahanan ng dakilang manggagawang Pilipino.

Tinatanaw ng pamahalaan at ng taong-bayan ng Pilipinas ang kontribusyon ng mga overseas Filipinos sa ekonomiya at sa kabuhayang bansa, eto nga ‘yung binigay niyo kanina ‘yung isang halimbawa.

Ang inyong malaking tulong ay nagpapasigla sa ekonomiya at nagtutulak sa kaunlaran ng bansa.

Sa ibabaw ng magandang reputasyong na binibigay ninyo sa ating bansa bilang tahanan ng dakilang manggagawang Pilipino, milyun-milyong kabataan ang nakakapag-aral o nagtatapos ng edukasyon sa inyong tulong sa mga pinapadala ninyo sa Pilipinas.

Libu-libong bagong bahay ay napapatayo at nagkakaroon ‘yung mga may bahay ng bagong buhay.

Dahil sa inyong tulong nakapaglunsad tayo ng napakaraming negosyo maging small business ng buong bansa.

Ang matagumpay na negosyo na napatayo sa ating bansa dahil sa inyong remittances ay isang malaking haligi ng ating ekonomiya.

Sumigla ang maraming barangay, bayan, lungsod, probinsiya sa kontribusyon ng mga overseas Filipinos.

Alam niyo ang pinakamalaking investment sa Pilipinas — foreign investment — ay five billion dollars, puhunan ng Shell sa Malampaya gas fields sa Pilipinas. Ngunit ang dakilang manggagawang Pilipino ay taun-taon nagpapadala ng six billion dollars sa Pilipinas. Kaya hinahangaan natin ang Shell na nagbigay ng five billion dollars investment.

Ano pa ang mga Pilipino na nagbibigay ng six billion dollars investment every year? Kaya kayo’y major economic investors din sa ating bansa.

Kayo ang bagong economic investors ng bansa.

At sa aking palagay, dapat baguhin ang bansag na inyo sa bansa. Ang karaniwang tawag sa Pilipinong nasa ibang bansa ay overseas workers, pero palagay ko dapat kilalanin ang inyong kontribusyon, ‘yung six billion dollars a year, dapat tawagin kayo bilang overseas Filipino investors.

Kayong mga overseas investors na araw-araw namumuhunan sa kaunlaran ng ating bansa. Pinupuhunan ninyo ang inyong “productive years” alang-alang sa ating bayan. Nagsasakripisyo kayo, ilan sa inyo malayo sa inyong mga mahal — mabuti na lamang dito sa Canada ay nadadala ninyo ang inyong pamilya, pero marami talaga sinasakripisyong malayo sa pamilya — para makamit ang mga pangarap para sa kanila. Kaya saludo ang inyong mga kababayang Pilipino sa inyo.

At dapat lamang suklian ng bansa ang inyong tulong.

Doon sa aking State of the Nation Address, sinabi ko na isang malaking prayoridad ng gobyerno ay ang pagpasa ng Absentee Voting Bill para sa mga Overseas Filipinos ay mabigyang kayo ng kapangyarihang makaboto at makapili ng mga mamumuno sa ating pamahalaan.

Nandito ‘yong ating mga Senators at saka Congressmen. Kanina nung nagkaroon ng press conference pagkatapos ng aming bilateral ng Prime Minister ng Canada tinanong nga sa akin kumusta na ba ‘yung kalagayan ng ating Overseas Filipino Voting Rights Bill na 1965 pa raw unang pinasok sa Kongreso. At ang ating mga Senador at Congressmen, sila ang sumagot at sabi nga nila ito ay tinatalakay na sa kongreso at inaasahan nila na sa wakas itong taon ay papasa.

Samahan niyo ako magdasal para pumasa na nga ito at maging batas na.

I also support the bill initiated by Congress and the Senate on dual citizenship.

You are a very important part of our economy as I illustrated earlier, and the Philippine economy will, for the foreseeable future, continue to be heavily dependent on overseas-worker remittances. Pitong milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa ibayong dagat, mas marami pa sa mga nagtatrabaho sa mga korporasyon at kagawaran ng Pilipinas dahil ‘yung mga nagtatrabaho sa mga korporasyon, mga opisina hindi umaabot ng pitong milyon dun sa Pilipinas.

On the basis of this and of the nation’s humanitarian responsibilities to its people wherever they are, our government will work doubly hard to strengthen overseas Filipino workers’ protection.

For instance, the department of foreign affairs is working on a “Tulong OFW” program whereby it has floated 100 million dollars-worth of “Bagong Bayani bonds” to support a new package of socioeconomic benefits for OFWs. The “Bagong Bayani Bonds” would raise funds to enable the OFWs to help them help themselves, to mobilize their savings to be invested in projects like housing programs back home.

We also have a housing program for overseas Filipinos under the housing and urban developing coordinating council. This is part of our goal to provide 100,000 housing units a year for workers, whether working in the Philippines or outside.

And I suppose by now you know that we have scrapped the requirement for overseas Filipino workers to file an income tax information sheet, and with that we have lifted the penalty for non-filing beginning tax year 2001.

We strengthen bilateral relations with countries hosting large numbers of Filipinos. Kasama na rito ang Canada.

Malaki ang inyong papel sa pagpapaunlad ng relasyon sa pamamagitan ng ating dalawang bayan. Kayong mga nagtatrabaho rito, kayong mga nakatira rito ang kinatawan ng Pilipinas sa Canada at inaasahan kayo na lalo pang magpapalakas sa ating magandang samahan.

In my State of the Bation Address last July 23rd, I cited the serious challenges facing the Philippines. The economy I inherited was stark and daunting. There were four million jobless. This has correspondingly led to a rise in poverty incidence to 40 percent of the population. The budget deficit threatened to balloon to 225 billion Pesos.

And the New York incident changed the global mood and world conditions became even more uncertain.

But despite the stark economy we inherited, and despite the uncertain world business conditions, in 2001, we made progress. Where richer and bigger economies failed, ours moved forward. Dante Canlas, our socioeconomic planning minister told me that we just finished accounting the figures for GDP and GNP for the year 2001. Our GDP growth rate was 3.4 percent, our GNP growth rate — which includes your remittances — was 3.7 percent — in a sea of countries that have zero growth rate, negative growth rate or even recession. Thank you for contributing to our growth rate.

And where bigger and stronger currencies collapsed, ours held firm.

Indeed, we have gone a long way to bringing our country back on the radar screens of the world. A new Cabinet, picked as much for their integrity as for their competence and qualifications, has brought professionalism in public service to new heights. Our public deficit has been placed under control.

Interest rates and inflation rates have declined. Interest rates are at their lowest in the last 15 years. Our economy continues to grow despite faltering economies all around us, as I’ve said.

Even recent unemployment rates have shown periods of decline.

But the days and months ahead will still be filled with daunting challenges, however, I do not fear as long as I have your support. And I thank you for expressing your support.

Indeed, now is once again the time to prove our mettle as a nation and as a people.

We can sustain our economic rebirth by thinking Filipino to the extent that you came from here, buying Filipino, and I know what you do very well, investing Filipino.

When I became President last January, I told the people about my vision of winning the war against poverty within the decade. Trabaho. Edukasyon. Sariling tahanan. Pagkain sa bawat mesa. This, in common sense and plain talk, is the core of my vision.

I also urged everyone listening to my State of the Nation Address last July 23rd to set aside bickering and politicking for at least one year. Sa halip ng alitan, hiningi kong isang taon tayong magtulungan sa ikabubuti ng taong-bayan.

To succeed, our national agenda must revolve around four components — apat na elemento ng pakikibaka sa kahirapan.

The first is an economic philosophy of free enterprise appropriate to he 21st century. Pagnenegosyo upang dumami ang trabaho.

The second component is a modernized agricultural sector founded on social equity. Palalaguin ang kita at ani ng maralitang tagabukid.

The third component is a social bias toward the disadvantaged to balance our economic development plan. Pagkalinga sa mga bahagi ng lipunan na naiiwanan ng kaunlaran.

And the fourth component is to raise the moral standards of government and society. Moralidad sa gobyerno at lipunan bilang saligan ng tunay na kaunlaran.

We are promoting fast-growing industries where high-value jobs are most plentiful — service industries that mobilize the great Filipino worker. One of them is information and communication technology or ICT. Tomorrow I will speak before the Ottawa businessmen and the Toronto businessmen to let them know that Filipino workers are ranked no. 1 in the field of ICT, no. 1 among knowledge workers. Analysts have pointed to two developing countries as the likely world centers for ICT, software development and data management in this decade: India and the Philippines.

Aside from ICT, we also have the competitive edge in tourism.

And in agriculture, there can be a million new jobs which is what we’re trying to look for. Upang lumikha ng isang milyong trabaho sa kanayunan, taun-taon gumagastos tayo ng dalawampung bilyong piso; in fact last year we spent 21 billion pesos.

Ang hinihingi ko po sa inyo, mga kababayan, ay ang inyong patuloy na pag-unawa sa mga nangyayari sa bayan natin at pagtitiwala na ginagampanan ng inyong pamahalaan ang aming tungkulin sa abot ng aming kakayahan. Ang hiling ko ay magkaisa tayo.

I am touched by your show of affection and support. And I ask that your unified sentiments and actions be also reflected in your continuing faith in your Philippine government. I am counting on all of you.

Muli, mga kaibigan, maraming salamat at mabuhay ang dakilang Pilipino na nakatira dito sa Canada.

Source: www.op.gov.ph

Macapagal-Arroyo, G. (2002). PGMA’s Speech During a Meeting with the Filipino Community. Retrieved from https://web.archive.org/web/20100412230945/http://www.op.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=7587&Itemid=38