Speech of Senator Manny Villar explaining his verdict on Chief Justice Renato Corona, May 29, 2012

Speech of Senator Manny Villar:
Explaining his verdict on Chief Justice Renato Corona

[Delivered on May 29, 2012]

Mr. President, my esteemed colleagues, ladies and gentlemen.

My vote is for the conviction of the chief justice. Let me explain.

Nahirapan po ako dito sa aking desisyon na ito. Pinapanood ko pong mabuti ang mga hearing natin. Nalulungkot po ako sa maraming mga bagay na nangyayari noon. Dito po sa properties, nababasa natin, 45, Hindi ko po binilang iyan, lima lamang ang aking binilang. Doon sa 82 accounts, Hindi ko rin po binilang iyon, apat lamang po ang aking binilang. Doon sa $12 million, Hindi ko rin po matanggap iyon, binilang ko lamang ay $2.4 million.

Ang desisyon ko po ay base sa kaniyang inamin po na kaniyang pag-aari. Ito po ay iyong $2.4 million at iyong P80 million. Dito po ako medyo nahirapan dahil alam po naman natin na ang posisyon po ng panguhaning mahistrado ng ating Korte Suprema ay siyang mayroong pinakamataas na batayan ng integridad.

Nabalitaan ko po iyong isang empleyado na nahatulan dahil Hindi nagdeklara ng kaniyang tindahan. Nahirapan po ako riyan. Bagamat mabigat po sa aking kalooban, talagang naniniwala kasi ako na dapat ideklara ang FCD account sapagkat iyon ay pag-aari pa rin.

Noong dumating po si Chief Justice Corona, ako po ay naawa sa kaniya. Dahilan sa noon pa lamang sa mga hearing, talagang naaawa na po ako kay Chief Justice Corona dahilan sa talagang pagbukas ko ng diyaryo, headline na siya. Hindi pa man po siya guilty ay parang mayroon ng conclusion ang atin pong mga media at ang mga tao. Kaya naglabasan na po iyong kaniyang mga property—82 accounts, $12 million. Subalit nang mapatunayan naman po na hindi ganoon kadami ay mga nasa page four na lamang.

Naalaala ko rin po kasi na nangyari rin po sa akin iyan. Noong ako po ay tumakbo sa pagka-pangulo, katakut-takot na kasinungalingan din ang aking inabot. Katakut-takot na bintang. Nariyang mayroon daw akong bahay sa Utah na napagkalaki-laking mansiyon. Ni hindi pa ako nakakarating sa Utah. Tanggi ako nang tanggi subalit wala namang nakikinig. Nandoong hindi raw ako mahirap. Eh, ako ba ay magtitinda ng hipon kung ako ay mayaman? Nililiwanag ko po na ako ay mahirap. At tingnan po ninyo ang buhay namin sa Tondo. Subalit napaniwala ko po ang marami sa ating mga mamamayan.

Ito po naman ay sinasabi ko dahil wala po akong sama ng hob kaninuman. Naaalala ko lamang po tuwing tititigan ko si CJ Corona. Nandiyan na rin po iyong C-5, ang Daang Hari Road na ngayon po ay ginagamit ng milyun-milyong Filipino, na nakikinabang po sila. Hindi po ako ang nakinabang diyan. Isinama ko pa lahat ng miyembro ng media diyan sa kalyeng iyan. ltinuro ko po lahat iyan. Hindi po ako ang nakinabang diyan, subalit ito po ay nagamit na issue.

“Villarroyo” raw ako. Pinakamalaking kasinungalingan iyan. Alam po ng mga kasamahan natin sa House na bumoto ang aking asawa laban kay GMA sa impeachment. Nagkampanya ang Nacionalista Party para ma-impeach si Pangulong Arroyo. Alam po naman natin na ako ang namuno ng imbestigasyon ng huweteng laban sa Pangulong Arroyo. Alam natin na Nacionalista Party member ang namuno ng imbestigasyon ng ZTE, si Alan Cayetano. Alam natin na Nacionalista Party member ang namuno ng pag-imbestiga sa “Hello Garci.” Iyan pong mga miyembrong iyan ay kinunsulta ako. Ang sabi ko: “Go ahead.”

Napakaraming beses ko pong kinuwestiyon ang Pangulong Arroyo sa Supreme Court subalit sa kabila niyan, sinabi na ako ay “Villarroyo” at anumang tanggi ang gawin ko, alam naman na may kandidato po noon si Pangulong Arroyo na iba, eh wala pong mangyari dahilan po sa may conclusion na ang media. Inuulit ko po na wala na akong sama ng loob, nakalimutan ko na po iyan, dangan nga lamang at naaalaala ko tuwing maaalaala ko rin si CJ Corona noong huling araw.

Marami pa ho iyan at ayoko na lamang banggitin ngayon. Hindi po siguro ito ang tamang panahon dahil, unang-una, nakalimutan ko na nga po iyang mga bagay na iyan. Kaya lamang, dapat din po tayong mag-ingat. lyang pagwasak po ng pangalan ng isang tao ay isang bagay na dahan-dahan po tayo. Hindi naman po kailangan iyan.

Dito naman, ang issue ay simple lamang. Ang issue po dito ay kung dapat idineklara sa SALN ang dollar deposits. Sa dami po ng sinabi, doon lamang nalimita ang issue at ditto po kami halos lahat gumawa ng decision sapagkat hindi naman po namin matanggap na hindi kailangang ideklara ang FCDU account.

Bagamat ako po ay bumoto ng “guilty,” naniniwala po akong mabuting tao si CJ Corona. Ito ay isang error in judgment. At inuulit ko po ito: Napakataas po ng antas ng integridad na kailangan sa posisyon ng pangunahing mahistrado ng ating Korte Suprema.

Pabayaan po ninyong ibigay ko rin ang obserbasyon ko sa mga nangyari noon. Ako ay nalulungkot din at sana huwag na pong mangyari sa mga dar ating na panahon na ang iligal na pagkuha ng mga ebidensiya ay parang normal o binabalewala natin. Napakahalaga po niyan sa ating sistema ng hustisya. Napakahalaga na ang isang ebidensiya na hindi ligal ang pagkuha ay hindi puwedeng tanggapin.

Sana po hindi na maulit iyong mga “little lady,” iyong mga “mail box,” iyong mga “Mr. Anonymous.” Iyan po ang sabi nga ni Congressman Fariñas ay mga “palusot.” Huwag na po sanang maulit iyan sa mga dar ating napanahon at huwag na rin po sanang maulit iyong mga walang pakundangang paggamit ng mga ahensiya ng gobyerno. Mahalaga din po na mahalin natin ang kalayaan ng ating mga institusyon. Iyan po ay magpapalakas ng ating demokrasya.

Mahalaga po sa akin ang mga bagay na iyan at inuulit ko po na naniniwala akong mabuting tao si CJ Corona, subalit dito po sa issue ng FCDU account, nagkamali po siya dito. Naniniwala po ako na dapat ay pantay-pantay ang implementasyon ng batas na ito, mayaman man o mahirap, miyembro man ng Korte Suprema o pangkaraniwang mamamayan. Kaya po ako ay bumoto ng guilty.