Batas Republika Blg. 10354

Tags: ,

[Read in English]

Noong 8 Abril 2014, sa pamamagitan ng isang pahayag na ibinigay sa Lungsod Baguio ng Tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te, ang Batas Republika Blg. 10354 at ang Mga Tuntuntin at Regulasyong Pampatupad nito ay idineklarang “hindi di-konstitusyonal” maliban sa walong aytem.

Nasa ibaba ang press briefer na inilabas noong 8 Abril 2014 mula sa Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko ng Korte Suprema. Naglalaman ito ng walong aytem na sinusugan, kasama ng iba pang mga pasya.

Republika ng Pilipinas
Korte Suprema
Lungsod Baguio 

Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko

Press Briefing
8 Abril 2014

Ang Korte Supremang En Banc, sa sesyong pantag-araw nito sa Lungsod Baguio ngayon, ang nagpasya sa mga sumusunod na bagay, maliban sa iba pa, sa AGENDA nito:

| G.R. BLG. 211567 (PROGUN [Peaceful Responsible Owners of Guns], nagpepetisyon, v. Ang Philippine National Police, tumutugon. |

Ang Nagpepetisyon, sa petisyon nito na may petsang 21 Marso 2014, ay humihingi ng writ ng certiorari, prohibisyon, at madamus, gayundin ng paglalabas ng temporary restraining order at/o writ ng preliminary injunction. Hinihingi ng Korte ang tumutugong PNP to magkomento sa petisyon sa mga merito nito at ipinagkakaloob ang aplikasyon para sa isang TRO na epektibo sa lalong madaling panahon hanggang sa ipag-uutos. Pinipigilan ng TRO ang PNP sa:

a) sentralisasyon ng lahat ng mga aplikasyon at renewal ng mga baril sa Headquarters, Camp Crame, Lungsod Quezon, at inuutusan ang PNP na ituloy ang pagtanggap, pagpoproseso, at pagtanggap sa paglilisensiya at mga renewal mula rito sa lahat ng mga tanggapang panrehiyon ng PNP at iniuutos ang muling pagpapagana ng lahat ng mga tanggapang satellite ng PNP CSG SATO at FESAGS, at ng mga dating may akreditasyong testing center para sa droga, mga klinikang neuro psych at medikal sa mga rehiyon at sa NCR para sa pagtugon sa mga kahingian ng pagpapalisensiya ng baril;

b) paggamit ng anumang mga serbisyong courier para sa mga paghahatid ng mga inaprubahang kard ng lisensiya sa baril, at

c) pagpapatupad at paghingi ng kahingiang “waiver at pahintulot” para sa pagpapalisensiya at pagpaparehistro ng mga baril, na nagpapahintulot sa kawani ng tumutugong PNP upang pumasok sa tahanan at tinutuluyan ng aplikante ng baril para sa inspeksiyon, sang-ayon sa sek. 9 ng RA 10591 at Tuntunin 3, sek. 9 ng IRR.

Ang Tumutugon ay inaatasang magkomento sa mga merito ng petisyon na hinahamon ang Tuntunin 3, sek. 9.6 ng IRR at ang huling pangungusap ng sek. 9 ng RA 10591 na nagpapahintulot sa karapatang mag-inspeksiyon upang makapasok ang pulis sa tinutuluyan at tirahan ng mga may-ari ng lisensiyadong baril bilang labag sa konstitusyon dahil sa paglabag nito sa Artikulo III, sek. 2 ng Saligang Batas 1987; gayundin, hinihingi ng petisyon na ang sentralisasyon ng PNP sa polisiya ng pagrerehistro ay ideklarang di-katanggap-tanggap at walang bisà.

| G.R. BLG. 211437-38 (Senador Ramon Bong” Revilla, Jr., nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Ombudsman, atbp.) |

Tinatanggap ng Korteng en banc ang pagpapasa ng kasong ito mula sa Ikatlong Dibisyon.

Kaugnay sa Agarang Mosyon (Upang Iresolba ang Aplikasyon para sa Temporary Restraining Order at/o Writ ng Preliminary Injunction) na may petsang 3 Abril 2014, inaatasan ng Korte ang mga tumutugon na magpasa ng kani-kanilang Memorandum kaugnay sa mga merito at sa isyu ng kawastuhan at pangangailangan para sa paglalabas ng hinihinging TRO.

Ang argumentong pabigkas na dating itinakda ng Ikatlong Dibisyon sa 22 Abril 2014 ay kinansela.

| G.R. BLG. 204819 (James M. Imbong at Lovely-Ann C. Imbong, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., et al.) | G.R. BLG. 204934 (Alliance for the Family Foundation, Philippines, Inc, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, et al., mga tumutugon) | G.R. BLG. 204957 (Task Force for Family and Life Visayas Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 204988 (Serve Life Cagayan de Oro City, Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Pangulo, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 205003 (Expedito Bugarin Jr., nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Pangulo, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 205043 (Eduardo B. Olaguer, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kalihim ng DOH Enrique Ona, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 205138 (Philippine Alliance of Ex-Seminarians, Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., tumutugon) | G.R. BLG. 205478 (Reynaldo J. Echavez, MD, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., tumutugon) | G.R. BLG. 205491 (Mag-asawang Francisco S. Tatad at Maria Fenny C. Tatad, mga nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Pangulo, tumutugon) | G.R. BLG. 205720 (Pro-Life Philippines Foundation, Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Pangulo, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 206355 (Millennium Saint Foundation Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Tanggapan ng Pangulo, atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 207111 (John Walter B. Juat, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 207172 (Couples for Christ Foundation, Inc., atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., atbp., mga tumutugon) | G.R. BLG. 207563 (Almarim Centi Tillah, atbp., mga nagpepetisyon, v. Kgg. Paquito N. Ochoa, Jr., atbp., mga tumutugon) |

Ang Korte, matapos ang pagsipat sa iba’t ibang mga argumento at mga kontensiyon ng mga partido sa binanggit na pinagsama-samang mga kaso na binubuo ng 14 na petisyong humahamon sa pagiging nasa saligang batas nito at 2 interbensiyon upang panatiliin ang pagiging nasa konstitusyon nito, ay nagkakaisang pinanghahawakan na ang Batas Republika Blg. 10354 ay HINDI DI-KONSTITUSYONAL [1. talababa: Ang pormulasyong paggamit ng dobleng negatibo ay di-kinasanayan sa adhudikasyong konstitusyonal at nakabatay sa pagpapalagay na ang lahat ng batas ay ipinagpapalagay na konstitusyonal at ang pasanin ng pagpapakita na ang isang batas ay di-sang-ayon sa konstitusyon ay sa nagpepetisyon. Kapag hindi nagampanan ang pasaning iyon, ang deklarasyon ay nasa dobleng negatibo—“hindi di-sang-ayon sa konstitusyon.” Ang paggigiit na “konstitusyonal” ito ay magpapalagay na gumagalaw ang batas sa simulain ng pagiging di-konstitusyonal, na hindi siyang sitwasyon.] batay sa mga nailatag, maliban sa mga sumusunod na aytem na ito:

a) Seksiyon 7, at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR sa usaping ang mga ito ay: (a) nangangailangangan ng mga pribadong health facility at mga non-maternity specialty hospital at mga ospital na pagmamay-ari at pinagagana ng isang relihiyosong grupo upang magpakilala ng pasyente, hindi sa isang emergency o kasong makamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang health facility na mas madaling puntahan; at (b) nagpapahintulot sa mga magulang na menor-de-edad o mga menor-de-edad na nalaglagan ng bata na magkaroon ng access sa mga modernong metodo ng pagpaplano ng pamilya nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o (mga) tagapangalaga;

b) Seksiyon 23(a)(1) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo o tumangging magpakalat ng impormasyon kaugnay ng mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;

c) Seksiyon 23(a)(2)(i) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR kaugnay ng pagpapahintulot nito sa isang kasal na indibidwal, na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, na sumailalim sa mga hakbangin ng kalusugang reproduktibo nang walang pahintulot ng asawa;

d) Seksiyon 23(a)(3) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo at/o tumangging magpakilala ng isang pasyente na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng parehong pasilidad o sa isa pang madaling puntahan anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;

e) Seksiyon 23(b) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa sa sinumang opisyal na pampubliko na tumangging magtaguyod ng mga programa sa kalusugang reproduktibo o gumawa ng anumang pipigil sa ganap na pagpapatupad ng isang programa para sa kalusugang reproduktibo, anuman ang kaniyang paniniwalang relihiyoso.

f) Seksiyon 17 at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR tungkol sa pagkakaloob ng serbisyong pro-bono sa kalusugang reproduktibo, kaugnay ng epekto ng mga ito sa conscientious objector sa pagkuha ng akreditasyon sa PhilHealth.

g) Seksiyon 3.01(a) at (j) ng RH-IRR kaugnay ng paggamit nito ng pang-uring “pangunahin” upang labanan ang sek. 4(a) ng Batas RH at labagin ang seksiyon 12, Artikulo II ng Konstitusyon.

h) Seksiyon 23(a)(2)(ii) kaugnay ng pagpaparusa nito sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na humihingi ng pahintulot mula sa magulang sa isang menor-de-edad na wala sa isang emergency o mga sitwasyong malubha, na idinedeklang DI-KONSTITUSYONAL. Sa mga aytem na ito, nagkaroon ng hiwa-hiwalay na botohon ang Korte, na nagkaroon ng sumusunod na mga resulta.

Probisyon Di-Konstitusyonal Hindi Di-Konstitusyonal
1) Seksiyon 7, at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR sa usaping ang mga ito ay:

(a) nangangailangangan ng mga pribadong health facility at mga non-maternity specialty hospital at mga ospital na pagmamay-ari at pinagagana ng isang relihiyosong grupo upang magpakilala ng pasyente, hindi sa isang emergency o kasong makamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang health facility na mas madaling puntahan; at

Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

(b) nagpapahintulot sa mga magulang na menor-de-edad o mga menor-de-edad na nalaglagan ng bata na magkaroon ng access sa mga modernong metodo ng pagpaplano ng pamilya nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o (mga) tagapangalaga; Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

2) Seksiyon 23(a)(1) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, xxx, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo o tumangging magpakalat ng impormasyon kaugnay ng mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso; Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

“… partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo o tumangging magpakalat ng impormasyon kaugnay ng mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso.” Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Perlas-Bernabe, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.,

Leonen, J.

3) c) Seksiyon 23(a)(2)(i) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR kaugnay ng pagpapahintulot nito sa isang kasal na indibidwal, na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, na sumailalim sa mga hakbangin ng kalusugang reproduktibo nang walang pahintulot ng asawa; Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

4) Seksiyon 23(a)(3) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo at/o tumangging magpakilala ng isang pasyente na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng parehong pasilidad o sa isa pang madaling puntahan anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso; Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

e) Seksiyon 23(b) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa sa sinumang opisyal na pampubliko na tumangging magtaguyod ng mga programa sa kalusugang reproduktibo o gumawa ng anumang pipigil sa ganap na pagpapatupad ng isang programa para sa kalusugang reproduktibo, anuman ang kaniyang paniniwalang relihiyoso. Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Del Castillo, J.

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

6) Seksiyon 17 at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR tungkol sa pagkakaloob ng serbisyong pro-bono sa kalusugang reproduktibo, kaugnay ng epekto ng mga ito sa conscientious objector sa pagkuha ng akreditasyon sa PhilHealth.

 

Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ;

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

7) Seksiyon 3.01(a) at (j) ng RH-IRR kaugnay ng paggamit nito ng pang-uring “pangunahin” upang labanan ang sek. 4(a) ng Batas RH at labagin ang seksiyon 12, Artikulo II ng Konstitusyon. Mendoza, J., ponente;

 

Sereno, CJ.

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.
8) Seksiyon 23(a)(2)ii) kaugnay ng pagpaparusa nito sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na humihingi ng pahintulot mula sa magulang sa isang menor-de-edad na wala sa isang emergency o mga sitwasyong malubha. Mendoza, J., ponente;

 

Carpio, SAJ,

Velasco, J.

De Castro, J.

Brion, J.

Peralta, J.

Bersamin, J.

Del Castillo, J.

Abad, J.

Villarama, J.

Perez, J.

Sereno, CJ.

Reyes, J.

Perlas-Bernabe, J.

Leonen, J.

Ang Opinyon ng Korte ay isinulat ni Kasamang Mahistrado Jose Catral Mendoza, samantalang nagpapása ang mga sumusunod ng hiwalay na Sumasang-ayon at Sumasalungat na mga Opinyon: (a) Ang Punong Mahistrado Maria Lourdes P.A. Sereno (Pagsang-ayon at Pagsalungat; ang opinyon niya ay nakasulat nang buo sa Filipino); (b) Mataas na Kasamang Mahistrado Antonio T. Carpio; (c) Kasamang Mahistrado Teresita J. Leonardo-De Castro; (d) Kasamang Mahistrado Arturo D. Brion; (e) Kasamang Mahistrado Mariano C. Del Castillo; (f) Kasamang Mahistrado Marvic M.V.F. Leonen.

Ang bahaging dispositibo ng Desisyon ay ganito ang isinasaad:

BUNGA NITO, ang mga petisyon ay MAY MGA BAHAGING PINAHIHINTULUTAN.

Kung kaya, idinedeklara ng Korte ang R.A. Blg. 10354 bilang HINDI DI-KONSTITUSYONAL maliban kaugnay ng mga sumusunod na mga probisyong idinedeklarang DI-KONSTITUSYONAL:

1) Seksiyon 7, at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR sa usaping ang mga ito ay: (a) nangangailangangan ng mga pribadong health facility at mga non-maternity specialty hospital at mga ospital na pagmamay-ari at pinagagana ng isang relihiyosong grupo upang magpakilala ng pasyente, hindi sa isang emergency o kasong makamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang health facility na mas madaling puntahan; at (b) nagpapahintulot sa mga magulang na menor-de-edad o mga menor-de-edad na nalaglagan ng bata na magkaroon ng access sa mga modernong metodo ng pagpaplano ng pamilya nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o (mga) tagapangalaga;

2) Seksiyon 23(a)(1) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo o tumangging magpakalat ng impormasyon kaugnay ng mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;

3) Seksiyon 23(a)(2)(i) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR kaugnay ng pagpapahintulot nito sa isang kasal na indibidwal, na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, na sumailalim sa mga hakbangin ng kalusugang reproduktibo nang walang pahintulot ng asawa;

4) Seksiyon 23(a)(3) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo at/o tumangging magpakilala ng isang pasyente na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng parehong pasilidad o sa isa pang madaling puntahan anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;

5) Seksiyon 23(b) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa sa sinumang opisyal na pampubliko na tumangging magtaguyod ng mga programa sa kalusugang reproduktibo o gumawa ng anumang pipigil sa ganap na pagpapatupad ng isang programa para sa kalusugang reproduktibo, anuman ang kaniyang paniniwalang relihiyoso.

6) Seksiyon 17 at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR tungkol sa pagkakaloob ng serbisyong pro-bono sa kalusugang reproduktibo, kaugnay ng epekto ng mga ito sa conscientious objector sa pagkuha ng akreditasyon sa PhilHealth.

7) Seksiyon 3.01(a) at (j) ng RH-IRR kaugnay ng paggamit nito ng pang-uring “pangunahin” upang labanan ang sek. 4(a) ng Batas RH at labagin ang seksiyon 12, Artikulo II ng Konstitusyon.

8) Seksiyon 23(a)(2)(ii) kaugnay ng pagpaparusa nito sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na humihingi ng pahintulot mula sa magulang sa isang menor-de-edad na wala sa isang emergency o mga sitwaysong malubha.

Isang buod ng pangangatwiran ng Korte ang ilalabas sa pamamagitan ng email sa araw na ito.


Blg. 2865

Blg. 4244

Republika ng Pilipinas

Kongreso ng Pilipinas

Kalakhang Maynila

Ikalabinlimang Kongreso

Ikatlong Sesyong Regular

Sinimulan at ginanap sa Kalakhang Maynila noong Lunes, ikadalawampu’t tatlong araw ng Hulyo, dalawanlibo at labindalawa.

[ BATAS REPUBLIKA BLG. 10354 ]

ISANG BATAS NA NAGBIBIGAY NG ISANG PAMBANSANG POLISIYA SA RESPONSABLENG PAGPAPAMILYA AT KALUSUGANG REPRODUKTIBO

Ginagawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitípon sa Kongreso:

SEKSIYON 1. Pamagat. — Ang Batas na ito ay kikilalanin bilang “Ang Batas Responsableng Pagpapamilya at Kalusugang Reproduktibo ng 2012”.

SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. — Ang Estado ay kumikilala at tumitiyak sa karapatang pantao ng lahat ng tao kasama na ang kanilang karapatan sa pagkakapantay-pantay at kawalang-diskriminasyon ng mga karapatang ito, ang karapatan sa nagpapatuloy na pag-unlad ng tao, ang karapatan sa kalusugan kasama na ang kalusugang reproduktibo, ang karapatan sa edukasyon at impormasyon, at ang karapatang pumili at gumawa ng desisyon para sa sarili sang-ayon sa kaniyang paninindigang relihiyoso, etika, mga paniniwalang kultural, at mga kahingian ng responsableng pagpapamilya.

Sang-ayon sa deklarasyon ng mga polisiya ng Estado sa ilalim ng Seksiyon 12, Artikulo II ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, tungkulin ng Estado na protektahan at patatagin ang pamilya bilang isang batayang institusyong panlipunan na nakapag-iisa at parehong protektahan ang buhay ng ina at ang buhay ng isisilang mula sa pagkakabuo rito. Poprotektahan at itataguyod ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng kababaihan lalo na ang mga nanay at ang mga tao sa pangkalahatan, at itatanim sa kanila ang kamalayan sa kalusugan. Ang pamilya ang natural at pundamental na yunit ng lipunan. Poprotektahan at isusulong din ng Estado ang karapatan ng mga pamilya at ng mga tao sa pangkalahatan para sa isang balanse at malusog na kapaligirang naaayon sa ritmo at armonya ng kalikasan. Kinikilala at tinitiyak din ng Estado ang pagpapalaganap at pantay na proteksiyon sa kapakanan at mga karapatan ng mga bata, ng kabataan, at ng mga nasa sinapupunan.

Higit pa rito, kinikilala at tinitiyak ng Estado ang pagpapalaganap ng pagkakapantay ng kasarian, katarungang pangkasarian, pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan at dignidad bilang isang usaping pangkalusugan at mga karapatang pantao at isang pananagutang panlipunan. Ang pagsusulong at proteksiyon ng mga karapatang pantao ng kababaihan ang magiging sentro ng mga pagsusumikap ng Estado upang harapin ang reproduktibong pangangalagang pangkalusugan.

Kinikilala ng Estado ang kasal bilang isang institusyong panlipunang di-malalabag at ang pundasyon ng pamilya na siyang pundasyon ng nasyon. Bilang pagsusulong mula roon, ipagtatanggol ng Estado:

(a) Ang karapatan ng mag-asawa na magtatag ng isang pamilyang sang-ayon sa kanilang mga paninindigang panrelihiyon at sa mga kahingian ng isang responsableng pagpapamilya;

(b) Ang karapatan ng mga bata sa tulong, kasama na ang wastong pangangalaga at nutrisyon, at espesyal na proteksiyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pang-aabuso, karahasan, pagsasamantala, at iba pang mga kondisyong di-nakatutulong sa kanilang pag-unlad;

(c) Ang karapatan ng pamilya sa isang pampamilyang sahod at kita; at

(d) Ang karapatan ng mga pamilya o mga samahang pampamilya na makilahok sa mga pagpaplano at implementasyon ng mga polisiya at programa.

Tinitiyak din ng Estado ang unibersal na akses sa ligtas-medikal, di-nakapagpapalaglag, epektibo, legal, mura, at may-kalidad na mga serbisyo sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan, mga metodo, mga pamamaraan, mga suplay na hindi pumipigil sa implantasyon ng isang fertilisadong ovum sang-ayon sa pagtatakda ng Food and Drug Administration (FDA) at mga kaugnay na impormasyon at edukasyon mula roon sang-ayon sa priyoridad na mga pangangailangan ng kababaihan, mga bata, at iba pang mga sektor na kulang sa pribiliheyo, nang nagbibigay ng unang akses sa mga natukay sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) at iba pang mga pamamaraan ng pamahalaan sa pagtukoy sa marhinalisasyon, na siyang magiging mga boluntaryong benepisyaryo ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, mga serbisyo, at mga suplay nang libre.

Buburahin ng estado ang mga gawaing may diskriminasyon, mga batas at mga polisiyang yumayapak sa pagsasanay ng isang tao sa mga karapatan sa reproduktibong kalusugan.

Papalaganapin din ng Estado ang pagiging bukás sa buhay; Basta at, Na ang mga magulang ay maghahatid lamang sa mundo ng mga batang mapapalaki nila sa isang totoong makataong paraan.

SEK. 3. Mga Prinsipyong Gabay sa Implementasyon. —Idinedeklara ng Batas na ito ang mga sumusunod bilang mga prinsipyong gabay:

(a) Ang karapatang gumawa ng malaya at may kabatirang mga pasya, na sentral sa pagsasanay ng anumang karapatan, ay hindi maaaring isailalim sa anumang anyo ng pamimilit at kinakailangang ganap na matiyak ng Estado, tulad ng karapatan mismo;

(b) Paggalang para sa proteksiyon at kaganapan ng reproduktibong kalusugan at mga karapatan na layuning palaganapin ang mga karapatan at kapakanan ng bawat tao lalo pa ang mag-asawa, matatandang indibidwal, kababaihan, at kabataan;

(c) Dahil ang yamang tao ang isa sa mga pangunahing yaman ng bansa, ang epektibo at may kalidad na mga serbisyo sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan ay kailangang unahin upang matiyak ang kalusugan ng ina at sanggol, ang kalusugan ng nasa sinapupunan, ligtas na panganganak at pagsisilang sa malulusog na bata, at mabuting antas ng pagpapalit, sang-ayon sa tungkulin ng Estado na palaganapin ang karapatan sa kalusugan, responsableng pagpapamilya, katarungang panlipunan, at buong pag-unlad ng tao;

(d) Ang probisyon ng etikal at ligtas-medikal, legal, aksesible, mura, di-nagpapalaglag, epektibo, at may kalidad na mga serbisyo sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan at mga suplay ay esensiyal sa pagpapalaganap ng karapatan ng tao para sa kalusugan, lalo pa ng kababaihan, mahihirap, at mga naisantabi, at isasama bilang nilalaman ng batayang pangangalagang pangkalusugan;

(e) Ang Estado ay magpapalaganap at magkakaloob ng impormasyon at akses, nang walang pagkiling, sa lahat ng mga metodo ng pagpaplanong pampamilya, kasama na ang epektibong mga metodong natural at moderno na napatunayang ligtas-medikal, legal, di-nagpapalaglag, at epektibo sang-ayon sa mga siyentipiko at batay-sa-ebidensiyang mga pamantayan ng pananaliksik medikal tulad ng mga nakarehistro at aprubado ng FDA para sa mahirap at naisantabi na kinilala sa pamamagitan ng NHTS-PR at iba pang pamamaraan ng pamahalaan sa pagtukoy ng marhinalisasyon: Basta at, Na ang Estado ay magbibigay rin ng suportang pondo upang palaganapin ang mga modernong metodong natural ng pagpaplano ng pamilya, lalo na ang Billings Ovulation Method, na sang-ayon sa mga pangangailangan ng mga tumatanggap at sa kanilang mga paninindigang relihiyoso;

(f) Magpapalaganap ang Estado ng mga programa na: (1) magpapahintulot sa mga indibidwal at magkarelasyon na magkaroon ng bilang ng mga anak na ibig nila nang may sapat na konsiderasyon sa kalusugan, partikular ng kababaihan, at ng mga kasangkapang magagamit at mabibili nila sang-ayon sa mga umiiral na batas, moral pampubliko, at kanilang mga paninindigang relihiyoso: Basta at, Na walang mapagkakaitan, sa mga dahilang ekonomiko, ng karapatang magkaanak; (2) magkakamit ng makatarungang alokasyon at paggamit ng mga yaman; (3) titiyak ng epektibong pagtutulungan ng pamahalaang pambansa, mga yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs) at ng pribadong sektor sa disenyo, implementasyon, koordinasyon, integrasyon, pagbabantay, at ebalwasyon ng mga programang nakasentro-sa-tao upang mapabuti ang kalidad ng buhay at proteksiyong pangkalikasan; (4) gumawa ng mga pag-aaral upang suriin ang mga galaw na demograpiko kasama na ang mga dibidendong demograpiko mula sa mahuhusay na polisiyang pampopulasyon para sa maipagpapatuloy na pag-unlad ng tao sang-ayon sa mga prinsipiyo ng pagkakapantay ng kasarian, proteksiyon ng mga ina at mga anak, naisilang at nasa sinapupunan, at pagpapalaganap at proteksiyon ng mga karapatan at kalusugang reproduktibo ng kababaihan;

(g) Ang probisyon ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, impormasyon, at mga suplay na inuuna ang mahihirap na benepisyaryong kinilala sa pamamagitan ng NHTS-PR at iba pang pamamaraan ng pamahalaan upang tukuyin ang marhinalisasyon ay kinakailangang maging pangunahing pananagutan ng pambansang pamahalaan sang-ayon sa mga obligasyon nito sa paggalang, proteksiyon, at pagpapalaganap ng karapatan sa kalusugan at ng karapatan sa búhay;

(h) Igagalang ng Estado ang mga pasya ng mga indibidwal at pagpili nng mga pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya na sang-ayon sa kanilang mga paninindigan relihiyoso at mga paniniwalang pangkultura, nang isinasaalang-alang ang mga obligasyon ng Estado sa ilalim ng iba’t ibang instrumento ng karapatang pantao;

(i) Ang aktibong pakikilahok ng mga non-government organization (NGO), mga samahan ng kababaihan at taumbayan, civil society, mga organisasyong batay sa pananalig, sektor na relihiyoso at mga komunidad ay krusyal sa pagtiyak na ang kalusugang reproduktibo at populasyon at mga polisiya sa pag-unlad, mga plano, at mga programa ay tutugon sa mga priyoridad na pangangailangan ng kababaihan, mahihirap, at naisantabi;

(j) Samantalang kinikilala ng Batas na ito na ilegal ang aborsiyon at mapaparusahan ng batas, titiyakin ng pamahalaan na lahat ng kababaihang nangangailangan ng pangangalaga sa mga komplikasyong matapos ang aborsiyon at lahat ng iba pang mga komplikasyong bunga ng pagbubuntis, panganganak, at pagsilang at mga kaugnay na isyu ay gagamutin at pagpapayuhan sa isang makatao, di-mapanghusga at mapagkalingang paraan sang-ayon sa batas at etikang medikal;

(k) Bawat pamilya ay magkakaroon ng karapatang tiyakin ang ideyal na laki ng pamilya nito: Basta at, gayumpaman, Na ang Estado ay magbibigay sa bawat magulang ng kinakailangang impormasyon sa lahat ng mga aspekto ng buhay pampamilya, kasama na ang reproduktibong kalusugan at responsableng pagpapamilya, upang makabuo ng ganyong pagtiyak;

(l) Hindi magkakaroon ng mga target na demograpiko o populasyon at ang pagpapagaan, pagpapalaganap at/o pagpapanatili ng antas ng paglaki ng populasyon ay insidental sa pagsusulong ng reproduktibong kalusugan;

(m) Ang pagkakapantay ng kasarian at pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan ay mga sentral na elemento ng reproduktibong kalusugan at populasyon at pag-unlad;

(n) Ang mga yaman ng bansa ay kinakailangang para sa paglilingkod sa buong populasyon, lalo na ng mahihirap, at ang mga alokasyon mula rito ay kinakailangang sapat at epektibo: Basta at, Na ang buhay ng nasa sinapupunan ay may proteksiyon;

(o) Ang pag-unlad ay isang prosesong maraming mukha na nananawagan para sa pagkakaisa at integrasyon ng mga polisiya, mga plano, mga programa at mga proyekto na naglalayong iangat ang kalidad ng buhay ng mga tao, lalo pa ang mahihirap, nangangailangan at ang naisantabi; at

(p) Na ang isang komprehesibong programa para sa reproduktibong kalusugan ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao sa kanilang buong buhay.

SEK. 4. Kahulugan ng mga Termino. — Para sa layunin ng Batas na ito, ang mga sumusunod na termino ay bibigyang-kahulugan na tulad ng mga sumusunod:

(a) Ang pampalaglag ay tumutukoy sa anumang gamot o gamit na tumutulong sa pagpapalaglag o pagkawasak ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina o sa pagpigil sa fertilisadong ovum na maabot at mailagay sa sinapupunan ng ina sang-ayon sa pagtiyak ng FDA.

(b) Ang adolescent ay tumutukoy sa kabataang nasa pagitan ng edad na sampu (10) hanggang labinsiyam (19) na nasa transisyon mula pagkabata tungong pagtanda.

(c) Ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEMONC) ay tumutukoy sa mga serbisyong panligtas-buhay para sa mga kondisyon/komplikasyong emergency sa nanay o bagong silang na ibinibigay ng isang pasilidad pangkalusugan o propesyonal upang isama ang mga sumusunod na serbisyo: administrasyon ng mga gamot na parenteral oxytocic, administrasyon ng dami ng mga parenteral anticonvulsant, administrasyon ng mga parenteral antibiotic, administrasyon ng mga steroid pang-ina para sa pagsisilang nang maaga, pagsasagawa ng tinutulungang pagsisilang sa ari, pagtatanggal ng naiwang mga produkto sa inunan, at manwal na pagtatanggal ng naiwang inunan. Kasama rin dito ang mga interbensiyon sa bagong silang na kasama ang mga ito man lamang: resusitasyon ng bagong silang, probisyon ng init, at pagsangguni, pagsasalin ng dugo kung maaari.

(d) Ang Comprehensive Emergency Obstetric and Newborn Care (CEMONC) ay tumutukoy sa mga serbisyong panligtas-buhay para sa mga kondisyon/komplikasyong emergency sa nanay o bagong silang na Basic Emergency Obstetric and Newborn Care maliban pa sa probisyon ng pagsisilang na may operasyon (caesarian section) at mga serbisyo sa blood bank, at iba pang lubhang espesyalisadong mga interbensiyong obstetriko. Kasama rin dito ang pangangalagang emergency sa bagong silang na kinabibilangan man lamang ng resusitasyon ng bagong silang, paggamot sa impeksiyong sepsis sa bagong silang, suportang oxygen, at administrasyon matapos magsilang ng mga steroid (sa ina) na humarap sa pagsisilang na wala sa oras.

(e) Ang pagpaplanong pampamilya ay tumutukoy sa isang programang nagpapahintulot sa mga magkarelasyon at mga indibidwal na magpasya nang malaya at may pananagutan sa bilang at agwat ng kanilang mga anak at magkaroon ng impormasyon at mga paraan upang maisagawa iyon, at magkaroon ng akses sa buong lawas ng ligtas, mura, epektibo, di-pampalaglag na modernong natural at artipisyal na mga metodo ng pagpaplano ng pagbubuntis.

(f) Ang rebyu sa kamatayan ng fetus o sanggol ay tumutukoy sa isang qualitative at malalimang pag-aaral sa mga dahilan ng kamatayan ng fetus at sanggol na ang pangunahing layunin ay pigilan ang posibilidad ng mga kamatayan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga pagbabago o mga pagdadagdag sa mga program, plano, at polisiya.

(g) Ang pagkakapantay sa kasarian ay tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakapantay sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan at ng pantay na mga karapatan upang masiyahan sa mga kondisyon para sa kaganapan ng kanilang mga potensiyal bilang isang tao at nang makapag-ambag sa, at makinabang mula sa, mga resulta ng pag-unlad, samantalang kinikilala ng Estado na ang lahat ng tao ay malaya at pantay ang dignidad at mga karapatan. Kasama rito ang pagkakapantay sa mga oportunidad, sa alokasyon ng mga yaman o benepisyo, o sa akses sa mga serbisyo para sa pagsusulong ng mga karapatan sa kalusugan at sa makapagpapatuloy na pag-unlad na tao, maliban sa iba pa, nang walang diskriminasyon.

(h) Ang katarungang pangkasarian ay tumutukoy sa mga polisiya, kasangkapan, programa at pagkilos na hinaharap ang posisyon ng disbentaha ng kababaihan sa lipunan sa pagbibigay ng mapagkiling na pagturing at tiyak na pagkilos. Kasama rito ang pagiging patas at makatarungan sa pamamahagi ng mga benepisyo at pananagutan sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, at madalas na kahingian ng mga proyekto at programang natatangi sa mga babae upang wakasan ang umiiral na di-pagkakapantay. Kinikilala ng konseptong ito na samantalang sangkot sa reproduktibong kalusugan ang kababaihan at kalalakihan, mas kritikal ito sa kalusugan ng kababaihan.

(i) Ang pananagutan ng lalaki ay tumutukoy sa pagsangkot, pananagutan, pananagot at responsabilidad ng mga lalaki sa lahat ng usapin ng kalusugang seksuwal at reproduktibong kalusugan, gayundin sa pangangalaga ng mga usapin sa reproduktibong kalusugan na natatangi sa kalalakihan.

(j) Ang rebyu sa kamatayan ng ina ay tumutukoy sa isang qualitative at malalimang pag-aaral sa mga dahilan ng kamatayan ng inang nagsilang na ang pangunahing layunin ay pigilan ang posibilidad ng mga kamatayan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga pagbabago o mga pagdadagdag sa mga program, plano, at polisiya.

(k) Ang kalusugan ng ina ay tumutukoy sa kalusugan ng isang babaeng nasa reproduktibong edad, kasama na ang, bagaman hindi limitado sa, pagbubuntis, panganganak, at panahong postpartum.

(l) Ang mga modernong metodo ng pagpaplano ng pamilya ay tumutukoy sa ligtas, epektibo, di-pampalaglag at legal na mga metodo, natural man o artipisyal, na nakarehistro sa FDA, upang magplano ng pagbubuntis.

(m) Ang natural na pagpaplano ng pamilya ay tumutukoy sa iba’t ibang metodong ginagamit upang magplano o magpigil ng pagbubuntis sang-ayon sa pagtukoy sa mga araw na fertile ang babae.

(n) Ang tagapagbigay ng pampublikong serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ay tumutukoy sa: (1) pampublikong institusyon sa pangangalaga sa kalusugan, na lisensiyado at may akreditasyon at pangunahing nakalaan sa pagpapanatili at pangangasiwa ng mga pasilidad para sa pagpapalaganap ng kalusugan, pagpigil sa mga sakit, diagnosis, paggamot at pangangalaga sa mga indibidwal na may karamdaman, sakit, sugat, kapansanan o pinsala, o may pangangailangan ng obstetriko o iba pang medikal o nursing na pangangalaga; (2) pampublikong propesyonal na tagapangalagang pangkalusugan, na isang doktor ng medisina, nars, o kumadrona; (3) pampublikong manggagawang pangkalusugan na sangkot sa paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan; o (4) pambaranggay na manggagawang pangkalusugan na sumailalim sa mga programang pagsasanay sa ilalim ng anumang pampamahalaan o NGO na may akreditasyon at boluntaryong nagbigay pangunahin ng mga serbisyong para sa pangangalagang pangkalusugan sa komunidad matapos mabigyan ng akreditasyon upang magbigay ng gayon ng isang lokal na lupong pangkalusugan sang-ayon sa mga panuntunan na pinagtibay ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

(o) Ang mahirap ay tumutukoy sa mga kasapi ng sambahayang kinilala bilang mahirap sa pamamagitan ng NHTS-PR ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o anumang kasunod ng sistemang ginamit ng pambansang pamahalaan sa pagtukoy sa mahirap.

(p) Ang Reproduktibong Kalusugan (RH) ay tumutukoy sa estado ng kompletong pisikal, mental, at panlipunang kaayusan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o paghihirap, sa lahat ng bagay na may kinalaman sa reproduktibong sistema at sa mga gawain nito at proseso. Sinasabi nitong ang mga tao ay maaaring magkaroon ng isang responsable, ligtas, may pagsang-ayon, at nakasisiyang buhay-pakikipagtalik, na may kakayahan silang magsupling at kalayaang magpasya kung sakali kung kailan, at kung gaano kadalas iyon gawin. Sinasabi rin nitong ang kababaihan at kalalakihan ay nagkakamit ng pantay na mga relasyon sa mga bagay na may kinalaman sa mga relasyong seksuwal at reproduksiyon.

(q) Ang pangangalaga sa reproduktibong kalusugan ay tumutukoy sa akses sa buong lawas ng mga metodo, pasilidad, serbisyo at suplay na nag-aambag sa reproduktibong kalusugan at kagalingan sa pagharap sa mga problemang may kinalaman sa reproduktibong kalusugan. Kasama rin dito ang kalusugang seksuwal, na ang layunin ay pagpapabuti sa buhay at mga relasyong personal. Ang mga elemento ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

(1) Impormasyon at mga serbisyo sa pagpaplano ng pamilya na magsasama bilang pangunahing priyoridad ng pagpapamalay nang ganap sa mga babaeng nasa edad na produktibo ng kani-kanilang siklo upang malaman nila kung kailan mataas ang pagkakataon ng fertilisasyon, at kung kailan din mababa ang pagkakataon.

(2) Kalusugan at nutrisyon sa ina, sanggol at bata, kasama na ang pagpapasuso;

(3) Proskripsiyon ng aborsiyon at pangangasiwa sa mga komplikasyon ng aborsiyon;

(4) Gabay at pagpapayo ukol sa reproduktibong kalusugan sa adolescent at kabataan;

(5) Pagpigil, paggagamot at pangangasiwa sa mga impeksiyon sa reproduktibong daluyan (RTI), HIV at AIDS at iba pang mga impeksiyong naipapasa sa pakikipagtalik (STI);

(6) Eliminasyon ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata at iba pang mga anyo ng karahasang seksuwal at bunga ng kasarian;

(7) Edukasyon at pagpapayo tungkol sa seksuwalidad at reproduktibong kalusugan;

(8) Pangangalaga sa suso at mga kanser sa reproduktibong daluyan at iba pang mga kondisyon at kapansanang gaynekolohiko;

(9) Responsabilidad ng lalaki at pakikisangkot at reproduktibong kalusugan ng kalalakihan;

(10) Pagpigil, paggamot, at pangangasiwa sa pagkabaog at seksuwal na dysfunction;

(11) Edukasyon sa reproduktibong kalusugan para sa mga adolescent; at

(12) Aspekto ng kalusugang mental ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan.

(r) Ang programa sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan ay tumutukoy sa sistematiko at magkakaugnay na probisyon ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan para sa lahat ng mga mamamayan nang inuuna ang kababaihan, mahihirap, naisantabi, at mga hindi maaapektuhan [sic] o mga sitwasyon ng krisis.

(s) Ang mga karapatan sa reproduktibong kalusugan ay tumutukoy sa mga karapatan ng mga indibidwal at magkarelasyon na magpasya nang malaya at responsable kung magkakaroon o hindi ng mga anak; na kung ilan, kung ano ang pagitan at panahon ng pagkakaanak; na gumawa ng iba pang mga pasya kaugnay ng reproduksiyon, malaya sa diskriminasyon, pagpuwersa at karahasan; na magkaroon ng impormasyon at mga paraan upang gawin iyon; at upang makamit ang pinakamataas na pamantayan ng kalusugang seksuwal at reproduktibong kalusugan: Basta at, gayumpaman, Na ang mga karapatan sa reproduktibong kalusugan ay hindi nagsasangkot ng aborsiyon, at akses sa mga pampalaglag.

(t) Ang edukasyon sa reproduktibong kalusugan at seksuwalidad ay tumutukoy sa buong buhay na proseso ng pagkatuto sa pagkakaloob at pagkakamit ng buo, wasto at napapanahong mga impormasyon at edukasyong angkop sa edad at pag-unlad ukol sa reproduktibong kalusugan at seksuwalidad sa pamamagitan ng edukasyon sa mga kasanayan sa buhay at iba pang mga pagdulog.

(u) Ang Impeksiyon sa Reproduktibong Daluyan (RTI) ay tumutukoy sa mga impeksiyong naipasa sa pakikipagtalik (STI) at iba pang mga uri ng impeksiyong nakaaapekto sa sistema ng reproduksiyon.

(v) Ang responsableng pagpapamilya ay tumutukoy sa kagustuhan at kakayahan ng isang magulang na tumugon sa mga pangangailangan at aspirasyon ng pamilya at mga anak. Ito rin ay ang pinagsasaluhang responsabilidad ng mga magulang upang tiyakin at kamtin ang ninanasang bilang ng mga anak, pagitan at panahon ng panganganak sang-ayon sa kanilang sariling mga aspirasyon para sa buhay-pamilya, nang isinasaalang-alamg ang kahandaang sikolohiko, lagay ng kalusugan, mga usaping sosyo-kultural at ekonomiko na sang-ayon sa kanilang mga paninindigang relihiyoso.

(w) Ang kalusugang seksuwal ay tumutukoy sa isang estado ng pisikal, mental at sosyal na kagalingang kaugnay sa seksuwalidad. Nangangailangan ito ng isang positibo at may paggalang na pagdulog sa seksuwalidad at mga relasyong seksuwal, gayundin ang posibilidad ng pagkakaroon ng kasiya-siya at ligtas na mga karanasang seksuwal, malaya mula sa pagpuwersa, diskriminasyon at karahasan.

(x) Ang Impeksiyong Naipasa sa Pakikipagtalik (STI) ay tumutukoy sa anumang impeksiyon na maaaring makuha o maipasa sa ugnayang seksuwal, paggamit ng IV, mga karayom ng gamot na intravenous, panganganak, at pagpapasuso.

(y) Ang Pagsisilang nang May Kasanayan tumutukoy sa panganganak na pinangasiwaan ng isang may kasanayang propesyonal sa kalusugan kasama na ang mga nagpapahintulot na kondisyon ng kinakailangang kasangkapan at suporta ng isang gumaganang sistemang pangkalusugan, kasama na ang transportasyon at mga paraan ng pagpapakilala para sa mga pangangalagang obstetriko na emergency.

(z) Ang may kasanayang propesyonal sa kalusugan ay tumutukoy sa kumadrona, doktor o nars, na nakapag-aral at nakapagsanay sa mga kasanayang kailangan upang pangasiwaan ang normal at komplikadong mga pagbubuntis, panganganak, at ang agarang panahon matapos magsilang, at sa pagtukoy, pangangasiwa at pagpapakilala ng mga komplikasyon sa kababaihan at sa mga bagong panganak.

(aa) Ang maipagpapatuloy na pag-unlad ng tao ay tumutukoy sa paghahatid sa mga tao, lalo pa ang mahihirap at mahihina, sa sentro ng proseso ng pag-unlad, na ang sentral na layunin ay paglikha ng isang kaligirang nakapagpapahintulot kung saan ang lahat ay magkakamit ng mahaba, malusog, at produktibong mga buhay, na isinagawa sa pamamaraang nagpapalaganap ng kanilang mga karapatan, at nagtatanggol sa mga oportunidad sa buhay ng darating na mga henerasyon at ng likas na ekosistema kung saan nakasalalay ang lahat ng buhay.

SEK. 5. Pagkuha ng mga May Kasanayang Propesyonal Pangkalusugan para sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Ina at Pagsisilang nang May Kasanayan. — Kailangang sikapin ng mga LGU na kumuha ng sapat na bílang ng mga nars, kumadrona, at iba pang mga may kasanayang propesyonal pangkalusugan para sa pangangalaga ng kalusugan ng ina at pagsisilang nang may kasanayan upang makamit ang ideyal na ratio ng may kasanayang propesyonal pangkalusugan sa pasyente nang isinasaalang-alang ang mga target ng DOH: Basta at, Na ang mga tao sa isang nakahiwalay na lugar o mataas ang populasyon at mahihirap na lugar ay mapagkakalooban ng parehong antas ng akses sa pangangalagang pangkalusugan: Basta at, gayundin, Na ang pamahalaang pambansa ay magkakaloob ng dagdag at kinakailangang pondo at iba pang kinakailangang tulong para sa epektibong implementasyon ng probisyong ito.

Para sa mga layunin ng Batas na ito, ang mga kumadrona at mga nars ay pahihintulutang magbigay ng mga gamot na nakasasagip-buhay tulad ng, bagaman hindi limitado sa, oxytocin at magnesium sulfate, sang-ayon sa mga panuntunang itinakda ng DOH, sa ilalim ng mga kondisyong emergency at kung walang makuhang doktor: Basta at, Na dumaan sila sa wastong pagsasanay at may sertipiko upang magbigay ng mga gamot na itong nakasasagip-buhay.

SEK. 6. Mga Pasilidad sa Pangangalagang Pangkalusugan. — Bawat LGU, sa sandaling matiyak nito ang pangangailangan sang-ayon sa mga suportadong datos na ipinagkaloob ng lokal na tanggapang pangkalusugan nito, ay kinakailangang magtatag at magpabuti ng mga ospital at pasilidad na may sapat at kalipikadong kawani, gamit at mga suplay upang makapagbigay ng emergency na obstetriko at pangangalaga sa bagong silang: Basta at, Na ang mga tao ay nasa isang nakahiwalay na lugar o mataas ang populasyon at mahihirap na lugar ay mapagkakalooban ng parehong antas ng akses at hindi mapababayaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang pamamaraan tulad ng mga pagbisita sa tahanan o mga mobile na klinika para sa pangangalagang pangkalusugan kung kinakailangan: Basta at, gayundin, Na ang pamahalaang pambansa ay magkakaloob ng dagdag at kinakailangang pondo at iba pang kinakailangang tulong para sa epektibong implementasyon ng probisyong ito.

SEK. 7. Akses sa Pagpaplanong Pampamilya. — Lahat ng may akreditasyong mga pampublikong pasilidad na pangkalusugan ay kinakailangang magkaloob ng buong hanay ng modernong mga metodo sa pagpaplanong pampamilya, na magsasama ng mga konsultasyong medikal, mga suplay at kinakailangan at makatwirang pamamaraan para sa mahirap at marhinalisadong magkarelasyon na may mga isyu ng infertilidad na nagnanasang magkaroon ng mga anak: Basta at, Na ang mga serbisyo sa pagpaplanong pampamilya ay ipaaabot din ng mga pribadong pasilidad na pangkalusugan sa mga nagbabayad na pasyente na may opsiyong magkaloob ng libreng pangangalaga at mga serbisyo sa mahihirap, maliban sa kaso ng mga specialty hospital na non-maternity at mga ospital na pagmamay-ari at pinagagana ng isang relihiyosong pangkat, subalit mayroon silang opsiyon na magkaloob ng naturang buong hanay ng mga modernong metodo sa pagpaplanong pampamilya: Basta at, gayundin, Na ang mga ospital na ito ay agarang magpapakilala sa taong naghahanap ng gayong pangangalaga at mga serbisyo sa iba pang pasilidad na pangkalusugan na madaling puntahan: Basta at, sa huli, Na ang tao ay wala sa isang kondisyong emergency o kasong malubha sang-ayon sa depinisyon ng Batas Republika Blg. 8344.

Walang taong pagkakaitan ng impormasyon at akses sa mga serbisyo sa pagpaplanong pampamilya, natural man o artipisyal: Basta at, Na ang mga menor-de-edad ay hindi pahihintulutang magkaroon ng akses sa mga modernong metodo ng pagpaplanong pampamilya nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o tagapangalaga maliban kung ang menor-de-edad ay isa nang magulang o nalaglagan ng bata.

SEK. 8. Rebyu sa Kamatayan ng Ina at Rebyu sa Kamatayan ng Fetus at Sanggol. — Lahat ng LGU, mga ospital ng pamahalaang pambansa at lokal, at iba pang mga yunit ng pampublikong kalusugan ay kinakailangang magsagawa ng taunang Rebyu sa Kamatayan ng Ina at Rebyu sa Kamatayan ng Fetus at Sanggol sang-ayon sa mga tuntuning itinakda ng DOH. Ang naturang rebyu ay kinakailangang mag-uwi sa isang proseso ng pagpoprograma at pagbabadyet na nakabatay sa mga ebidensiya na makapag-aambag sa pagpapaunlad ng mas tumutugong mga serbisyo sa reproduktibong kalusugan upang magpalaganap ng kalusugan ng kababaihan at ligtas na pagiging ina.

SEK. 9. Ang Pambansang Sistema ng Pormularyo sa Gamot ng Pilipinas at mga Suplay sa Pagpaplanong Pampamilya. — Ang Pambansang Pormularyo sa Gamot ay kinakailangang magsama ng mga contraceptive na hormonal, mga intrauterine device, maituturok at iba pang ligtas, legal, di-pampalaglag at epektibong mga produkto at suplay sa pagpaplanong pampamilya. Ang Philippine National Drug Formulary System (PNDFS) ay oobserbahan sa pamimili ng mga gamot kasama na ang mga suplay sa pagpaplanong pampamilya na isasama o tatanggalin sa Talaan ng Mahahalagang Gamot (EDL) sang-ayon sa umiiral na praktis at sa konsultasyon sa mga iginagalang na samahang medikal sa Pilipinas. Para sa layunin ng Batas na ito, anumang produkto o suplay na isinama o isasama sa EDL ay kinakailangang may sertipikasyon mula sa FDA na ang naturang produkto at suplay ay makukuha sa kondisyong hindi ito magagamit bilang isang pampalaglag.

Ang mga produkto at suplay na ito ay kinakailangan ding isama sa regular na pagbili ng mga kinakailangang gamot at suplay sa lahat ng pambansang ospital: Basta at, gayundin, Na ang mga naturang tanggapan ay hindi bibili o kukuha sa anumang paraan ng mga contraceptive pill na pang-emergency, mga gamot pangmatapos makipagtalik, mga pampalaglag na magagamit para sa gayong layunin o sa iba nilang anyo o katumbas.

SEK. 10. Pagkuha at Pamamahagi ng mga Suplay sa Pagpaplanong Pampamilya. — Ang DOH ay kukuha, mamamahagi sa mga LGU at magbabantay ng paggamit ng mga suplay sa pagpaplanong pampamilya para sa buong bansa. Makikipag-ugnayan ang DOH sa lahat ng angkop na kinatawan ng pamahalaang lokal upang magplano at magpatupad ng programa nito sa pagkuha at pamamahagi. Ang nakalaang suplay at badyet ay batay sa, maliban sa iba pang dahilan, kasalukuyang antas at tantiya sa mga sumusunod:

(a) Bilang ng kababaihan na nasa reproduktibong edad at magkarelasyong ibig mag-agwat at maglimita sa kanilang mga anak;

(b) Bilang ng pamamayani ng contraceptive, sang-ayon sa uri ng metodong ginamit; at

(c) Halaga ng mga suplay sa pagpaplanong pampamilya.

Basta at, Na ang mga LGU ay makapagpapatupad ng sarili nitong programa ng pagkuha, pamamahagi at pagbabantay na sang-ayon sa pangkalahatang mga probisyon ng batas na ito at sa mga tuntunin ng DOH.

SEK. 11. Integrasyon ng Responsableng Pagpapamilya at Komponent ng Pagpaplanong Pampamilya sa mga Programang Laban sa Kahirapan. — Isang pagdulog na maraming dimensiyon ang aampunin sa implementasyon ng mga polisiya at mga programa upang labanan ang kahirapan. Para sa layuning ito, ipatutupad ng DOH ang mga programang inuuna ang ganap na akses ng mahihirap at marhinalisadong kababaihan na tinukoy sa pamamagitan ng NHTS-PR at iba pang pamamaraan ng pamahalaan na tukuyin ang marhinalisasyon sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, mga serbisyo, produkto, at programa. Ipagkakaloob ng DOH ang mga naturang programa, tulong teknikal, kasama na ang pagbubuo at pagbabantay sa kakayahan.

SEK. 12. Mga Benepisyo ng PhilHealth para sa Malubha at Nagbabanta sa Buhay na mga Kondisyon sa Reproduktibong Kalusugan. — Lahat ng malubha at nagbabanta sa buhay na mga kondisyon ng reproduktibong kalusugan tulad ng HIV at AIDS, kanser sa suso at reproduktibong daluyan, at mga komplikasyong obstetriko, at mga kondisyong may kaugnayan sa menopause at postmenopause ay bibigyan ng pinakamalaking mga benepisyo, kasama na ang probisyon para sa mga Anti-Retroviral Medicine (ARV), na nakapaloob sa mga tuntuning itinakda ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC).

SEK. 13. Serbisyong Mobilie para sa Pangangalagang Pangkalusugan. — Ang pamahalaang pambansa at lokal ay maaaring magkaloob sa bawat ospital ng lalawigan, lungsod at munisipalidad ng isang Serbisyong Mobile para sa Pangangalagang Pangkalusugan (MHCS) sa anyo ng isang van o iba pang paraan ng transportasyon na angkop sa lupain, nang isinasaalang-alang ang mga pangangailangan para sa pangangalagang pangkalusugan ng bawat LGU. Ang MHCS ay magdadala ng mg gamit at serbisyo para sa pangangalagang pangkalususgan sa mga nasasakupan nito, partikular na sa mga mahihirap at nangangailangan, gayundin ay mamamahagi ng kaalaman at impormasyon ukol sa reproduktibong kalusugan. Ang MHCS ay pagaganahin ng mga may-kasanayang tagapagbigay ng kalusugan at may sapat na gamit na may malawak na hanay ng mga materyal sa pangangalagang pangkalusugan at mga gamit sa pamamahagi ng impormasyon, kasama sa huli, bagaman hindi limitado rito, ang isang telebisyon para sa mga presentasyong audio-visual. Lahat ng MHCS ay pagaganahin ng mga LGU ng mga lalawigan at mga siyudad na lubhang urbanisado.

SEK. 14. Edukasyon sa Reproduktibong Kalusugan na Angkop sa Edad at Pag-unlad. — Ang Estado ay magkakaloob ng edukasyon sa reproduktibong kalusugan na angkop sa edad at pag-unlad para sa mga adolescent na tuturuan ng mga gurong may sapat na pagsasanay sa mga impormal at di-pormal na sistema ng edukasyon at ipapasok sa mga kaugnay na aralin, tulad ng, bagaman hindi limitado sa, pormasyon ng halagahan; kaalaman at kasanayan sa pangangalaga sa sarili laban sa diskriminasyon; pang-aabusong seksuwal at karahasan laban sa kababaihan at mga bata at iba pang anyo ng karahasang batay sa kasarian at pagbubuntis ng kabataan; pisikal, panlipunan, at emosyonal na pagbabago sa mga adolescent; mga karapatan ng kababaihan at mga karapatan ng mga bata; responsableng gawi ng mga tinedyer; kasarian at pag-unlad; at responsableng pagpapamilya: Basta at, Na ang pagiging bukas sa pormulasyon at adapsiyon ng angkop na nilalaman ng kurso, saklaw, at metodolohiya sa bawat antas ng edukasyon o pangkat ay pahihintulutan lamang matapos ang mga pagsangguni sa mga samahang magulang-guro-pamayanan, sa mga opisyal ng paaralan, at iba pang mga pangkat na sangkot. Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay magbubuo ng isang kurikulum na gagamitin ng mga pampublikong paaralan at maaaring gamitin ng mga pribadong paaralan.

SEK. 15. Sertipiko ng Pagsunod. — Walang lisensiya ng pagpapakasal ang ilalabas ng Lokal na Rehistro Sibil maliban kung nagpakita ang mga aplikante ng isang Sertipiko ng Pagsunod na inilabas nang libre ng lokal na Tanggapan sa Pagpaplanong Pampamilya na nagpapatunay na nakatanggap sila ng sapat na pagtuturo at impormasyon sa responsableng pagpapamilya, pagpaplanong pampamilya, pagpapasuso, at nutrisyon ng sanggol.

SEK. 16. Pagtatatag ng Kakayahan ng mga Manggagawang Pangkalusugan ng Baranggay (BHW). — May pananagutan ang DOH para sa pagpapakalat ng impormasyon at pagkakaloob ng mga programa sa pagsasanay sa mga LGU. Ang mga LGU, sa tulong teknikal ng DOH, ay may pananagutan sa pagsasanay ng mg BHW at iba pang mga boluntaryo ng baranggay sa pagpapalaganap ng reproduktibong kalusugan. Pagkakalooban ng DOH ang mga LGU ng mga suplay na medikal at mga kasangkapang kailangan ng mga BHW upang maisagawa nang epektibo ang kanilang mga gawain: Basta at, gayundin, Na ang pamahalaang pambansa ay magkakaloob ng dagdag at kinakailangang pondo at iba pang kinakailangang tulong para sa epektibong implementasyon ng probisyong ito kasama na ang posibleng probisyon para sa dagdag na mga honorarium para sa BHW.

SEK. 17. Mga Serbisyong Pro Bono para sa Kababaihang Maralita. — Ang mga pribado at di-pampamahalaang tagapagbigay ng serbisyo para sa pangangalaga ng reproduktibong pangkalusugan kasama na ang, bagaman hindi limitado sa mga, gynecologist at obstetrician, ay hinihikayat na magkaloob ng hindi bababa sa apatnapu’t walong (48) oras kada taon ng mga serbisyo para sa reproduktibong kalusugan, na sumasaklaw mula sa pagkakaloob ng impormasyon at edukasyon hanggang sa pagsasagawa ng mga serbisyong medikal nang libre sa mga maralitang pasyente o mababa ang kita sang-ayon sa pagkilala ng NHTS-PR at iba pang pamamaraan ng pamahalaan upang tukuyin ang marhinalisasyon, lalo pa sa mga buntis na adolescent. Ang apatnapu’t walong (48) oras na serbisyong pro bono ay isasama sa kahingian sa akreditasyon sa ilalim ng PhilHealth.

SEK. 18. Mga Programa para sa Seksuwal at Reproduktibong Kalusugan ng mga Taong may Kapansanan (PWD). — Ang mga lungsod at mga munisipalidad ay magsisikap na malansag ang mga hadlang sa mga serbisyo para sa reproduktibong kalusugan para sa mga PWD sa pamamagitan ng mga sumusunod:

(a) Pagkakaloob ng mga pisikal na akses at pagsasaayos ng transportasyon at mga isyu ng lapit sa mga klinika, ospital, at mga lugar kung saan ipinagkakaloob ang mga pampublikong edukasyong pangkalusugan, ibinibenta at ipinamamahagi ang mga contraceptive o iba pang lugar kung saan ipinagkakaloob ang mga serbisyo para sa reproduktibong kalusugan;

(b) Adaptasyon ng mga mesang pampagsusuri at iba pang mga paraang panlaboratoryo para sa mga pangangailangan at kondisyon ng PWD;

(c) Pagpapataas ng akses sa impormasyon at mga materyal ng komunikasyon ukol sa seksuwal at reproduktibong kalusugan sa braille, malalaking titik, simpleng wika, sign language, at mga larawan;

(d) Pagkakaloob ng patuloy na edukasyon at pagsasali ng mga karapatan ng mga PWD sa mga nagkakaloob ng pangangalaga sa kalusugan; at

(e) Pagsasagawa ng mga gawaing nagpapataas ng kamalayan at humaharap sa mga maling kaalaman ng publiko sa stigma at kakulangan nila ng kaalaman sa mga pangangailan at karapatan sa seksuwal at reproduktibong kalusugan ng mga PWD.

SEK. 19. Mga Tungkulin at Responsabilidad. — (a) Alinsunod sa nakadeklara ritong polisiya, magsisilbing punong ahensiya ang DOH para sa implementasyon ng Batas na ito at ipapasok sa kanilang mga regular na operasyon ang mga sumusunod na gawain:

(1) Ganap at mahusay na maipatupad ang programa sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan;

(2) Matiyak na may akses ang mga tao sa ligtas medikal, di-pampalaglag, legal, may kalidad, at murang mga gamit at serbisyo para sa reproduktibong kalusugan; at

(3) Magsagawa ng iba pang gawaing kinakailangan upang makamit ang mga layunin ng Batas na ito.

(b) Ang DOH, sa pakikipagtulungan sa PHIC, kapag kinakailangan, ay:

(1) Magpapalakas ng mga kakayahan ng mga ahensiya para sa regulasyon ng kalusugan upang matiyak ang ligtas, may mataas na kalidad, madaling maakses, at murang mga serbisyo at komoditi para sa reproduktibong kalusugan na may kaalinsabay na pagpapalakas at pagpapatupad ng mga mandato at mekanismo sa regulasyon;

(2) Magpadaloy ng mga pakikisangkot at pakikilahok ng mga NGO at ng pribadong sektor sa paghahatid ng mga serbisyo para sa pangangalaga ng reproduktibong kalusugan at sa produksiyon, pamamahagi at paghahatid ng may kalidad na mga suplay at komoditi para sa reproduktibong kalusugan at pagpaplanong pampamilya upang madaling maakses at mabibili ang mga ito ng mga ordinaryong mamamayan;

(3) Makilahok sa mga serbisyo, kasanayan, at kaalaman ng mga dalubhasa sa natural na pagpaplanong pampamilya na magkakaloob ng mga kinakailangang pagsasanay para sa lahat ng mga BHW;

(4) Mangasiwa at magkaloob ng tulong sa mga LGU sa paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan at sa pagbili ng mga gamit at suplay sa pagpaplanong pampamilya; at

(5) Paghahatid sa mga LGU, sa pamamagitan ng sari-sariling lokal na tanggapan para sa kalusugan ng mga ito, ng mga angkop na impormasyon at mga kasangkapan upang gawin itong malay sa mga kasalukuyang pag-aaral at pananaliksik na may kinalaman sa pagpaplanong pampamilya, responsableng pagpapamilya, pagpapasuso, at nutrisyon ng sanggol.

(c) Maglalabas ang FDA ng mahigpit na mga tuntunin kaugnay ng paggamit ng contraceptive, nang isinasaalang-alang ang mga side effect at iba pang mapanganib na epekto ng paggamit ng mga ito.

(d) Ang lahat ng mga mamamayan ay kailangang magsanay ng hinahon sa pagpapatalastas ng kanilang mga produkto at serbisyo sa lahat ng anyo ng media, lalo pa sa mga bagay na may kinalaman sa seksuwalidad, nang lalong isinasaalang-alang ang impluwensiya nito sa mga bata at sa kabataan.

SEK. 20. Kamalayang Pampubliko. — Ang DOH at mga LGU ay magpapasimula at magpapanatili ng matinding pambansang kampanya sa maraming anyo ng media upang maitaas ang ang antas ng kamalayang pampubliko sa proteksiyon at pagpapalaganap ng reproduktibong kalusugan at ang mga karapatang tulad ng, bagaman hindi limitado sa, kalusugan at nutrisyon ng ina, impormasyon at mga serbisyo sa pagpaplanong pampamilya at responsableng pagpapamliya, reproduktibong kalusugan ng mga adolescent at kabataan, gabay at pagpapayo, at iba pang mga elemento ng pangangalaga sa reproduktibong kalusugan sa ilalim ng Seksiyon 4(q).

Ang mga materyales para sa edukasyon at impormasyon na bubuuin at ipamumudmod para sa layuning ito ay regular na rerebyuhin upang tiyakin ang kanilang pagiging epektibo at napapanahon.

SEK. 21. Pag-uulat ng mga Kahingian. — Bago magtapos ang Abril ng bawat taon, magpapása ang DOH sa Pangulo ng Pilipinas at Kongreso ng taunang pinagsama-samang ulat, na magpapaloob ng isang depinitibo at komprehensibong pagtataya sa implementasyon ng mga programa nito at iyong sa ibang mga ahensiya at katuwang ng pamahalaan at magmungkahi ng mga priyoridad para sa mga pagkilos na ehekutibo at lehislatibo. Ililimbag ang ulat at ipamimigay sa lahat ng mga ahensiyang pambansa, mga LGU, mga NGO at mga samahan ng pribadong sektor na sangkot sa mga nasabing programa.

Ang taunang ulat ay magtatasa sa nilalaman, implementasyon, at dating ng lahat ng mga polisiyang may kaugnayan sa reproduktibong kalusugan at pagpaplanong pampamilya upang tiyakin na ang mga naturang polisiya ay nagpapalaganap, nangangalaga, at tumutupad sa mga reproduktibong kalusugan at karapatan ng kababaihan.

SEK. 22. Komite sa Pangkongresong Pagkaligta ukol sa Batas Reproduktibong Kalusugan. — Nililikha mula rito ang isang Komite sa Pangkongresong Pagkaligta (COC) na binubuo ng tiglimang (5) kasapi mula sa Senado at mula sa Mababang Kapulungan. Ang mga kasapi mula sa Senado at sa Mababang Kapulungan ay itatalaga ng Pangulo ng Senado at ng Ispiker, na may isa man lamang (1) kasapi na kumakatawan sa Minorya.

Ang COC ay pamumunuan ng kani-kanilang Tagapangulo ng Komite sa Kalusugan at Demograpiya ng Senado at ng Komite sa Populasyon at mga Ugnayang Pampamilya ng Mababang Kapulungan. Ang Sekretaryat ng COC ay magmumula sa umiiral na kawaning Sekretaryat ng Senado at Mababang Kapulungan para sa mga komiteng sangkot.

Babantayan at titiyakin ng COC ang epektibong implementasyon ng Batas na ito, magmumungkahi ng kinakailangang lehislayong panlunas o tugong administratibo, at magsasagawa ng isang rebyu ng Batas na ito kada limang (5) taon mula sa pagpapatibay rito. Magsasagawa ang COC ng iba pang tungkulin at gampaning kinakailangan upang makamit ang mga layunin ng Batas na ito.

SEK. 23. Mga Ipinagbabawal na Gawain. — Ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal:

(a) Anumang tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan, pampubliko man o pribado, na:

(1) May málay na nagtatago ng impormasyon o pumipigil sa pagpapakalat nito, at/o kusang nagkaloob ng maling impormasyon kaugnay ng mga programa at serbisyo sa reproduktibong kalusugan kasama na ang karapatan sa may-kaalamang pagpili at akses sa lahat ng legal, ligtas-medikal, di-pampalaglag at epektibong mga metodo sa pagpaplanong pampamilya;

(2) Pagtangging magsagawa ng legal at ligtas-medikal na operasyong para sa reproduktibong kalusugan sa sinumang tao na nasa legal na edad sa dahilang walang pahintulot o awtorisasyon ng mga sumusunod na tao sa mga sumusunod na pagkakataon:

(i) Pahintulot ng asawa sa kaso ng mga kasal: Basta at, Na sa kaso ng di-pagkakasundo, ang pasya ng taong sasailalim sa operasyon ang mananaig; at

(ii) Pahintulot ng magulang o ng taong may awtoridad ng magulang sa kaso ng mga inabusong menor-de-edad, sakaling ang magulang o ang taong may awtoridad ng magulang ang tumutugon, akusado, o nakabilanggong salarin sang-ayon sa sertipikasyon ng wastong tanggapan ng paglilitis ng korte. Sa kaso ng mga menor-de-edad, ang nakasulat na pahintulot ng mga magulang o ng legal na tagapangalaga, o, kung wala ang mga ito, ng mga taong may awtoridad ng magulang o pinakamalapit na kamag-anak ay hihingin lamang sa operasyong elective surgical at hindi dapat hingin ang pahintulot sa emergency o kasong malubha sang-ayon sa pakahulugan ng Batas Republika Blg. 8344; at

(3) Pigilan ang pagpapalawig ng may kalidad na mga serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan at impormasyon dahil lamang sa estado ng kasal ng isang tao, kasarian, edad, paninindigang relihiyoso, personal na kondisyon, o uri ng trabaho: Basta at, Na ang matapat na pagtanggi ng isang tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan batay sa kaniyang etikal o relihiyosong paniniwala ay iginagalang; gayumpaman, ang matapat na tumatanggi ay agad na ipakikilala ang naturang taong humihingi ng pangangalaga at mga serbisyo sa ibang tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa loob ng parehong pasilidad o sa isang madaling puntahan: Basta at, gayundin, Na ang tao ay wala sa isang kondisyong emergency o kasong malubha sang-ayon sa pakahulugan ng Batas Republika Blg. 8344, na nagpaparusa sa pagtanggi ng mga ospital at mga klinikang medikal na magsagawa ng angkop na paunang lunas medikal at suporta sa mga kasong emergency at malubha;

(b) Sinumang pampublikong opisyal, inihalal man o itinalaga, na partikular na inatasan ng tungkulin na magpatupad ng mga probisyon mula rito, na siya mismo, o sa pamamagitan ng isang tagasunod, ang nagbawal o pumigil sa paghahatid ng legal at ligtas-medikal na mga serbisyo sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, kasama na ang pagpaplanong pampamilya; o namuwersa, o namilit o nagpahatid sa isang tao upang gumamit ng naturang mga serbisyo; o tumangging magbigay ng alokasyon, tumanggap o maglabas ng anumang badyet para sa mga serbisyo sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, o upang suportahan ang mga programa sa reproduktibong kalusugan; o gumawa ng anumang gawaing pipigil sa ganap na implementasyon ng isang programa para sa reproduktibong kalusugan na iniaatas ng Batas na ito;

(c) Sinumang employer na magmumungkahi, hihingi, mag-iimpluwensiya o maghahatid sa sinumang aplikante sa trabaho o isang empleado na isailalim ang sarili sa sterilization, paggamit ng anumang modernong metodo sa pagpaplano ng pamilya, o hindi paggamit ng naturang mga metodo bilang kondisyon sa pagkakaroon ng trabaho, patuloy na trabaho, promosyon o sa probisyon ng mga benepisyo sa trabaho. Gayundin, ang pagbubuntis o bilang ng anak ay hindi dapat maging batayan ng di-pagtanggap sa trabaho o terminasyon ng trabaho;

(d) Sinumang pepekein ang isang Sertipiko ng Pagtupad na hinihingi sa Seksiyon 15 ng Batas na ito; at

(e) Anumang kompanyang parmasyutiko, domestiko man o mutinasyonal, o ang mga ahente nito o distributor, na tuwiran o di-tuwirang nakikipagsabwatan sa mga opisyal ng pamahalaan, itinalaga man o inihalal, sa distribusyon, pagkuha at/o pagbebenta ng pambansang pamahalaan at mga LGU ng modernong mga suplay, produkto, at gamit sa pagpaplanong pampamilya.

SEK. 24. Mga Multa. — Anumang paglabag sa Batas na ito o pagsasagawa ng mga nabanggit sa itaas na mga ipinagbabawal na gawain ay parurusahan ng pagkabilanggo mula isang (1) buwan hanggang anim (6) na buwan o isang multa ng sampung libong piso (PHP10,000.00) hanggang sandaang libong piso (PHP100,000.00), o parehong multa at pagkabilanggo sang-ayon sa pasya ng mahusay na korte: Basta at, Na, kung ang lumabag ay isang opisyal pampubliko, inihalal man o itinalaga, siya rin ay magdurusa ng multa ng suspensiyon na hindi lalampas sa isang (1) taon o pagkatanggal at pagbawi sa mga benepisyo sa pagreretiro depende sa tindi ng pagkakasala matapos ang kaukulang pabatid at pagdinig ng angkop na lupon o ahensiya.

Kung ang lumabag ay isang tao mula sa hukuman, ang multa ay ipapataw sa pangulo o sinumang opisyal na responsable. Ang lumabag na isang banyaga ay, matapos ang paglilingkod ng sentensiya, idedeport agad nang wala nang iba pang pagdinig sa Kawanihan ng Imigrasyon. Kung ang lumabag ay isang kompanyang parmasyutiko, ahente nito at/o distributor, ang kanilang lisensiya o permit sa operasyon o pagsasagawa ng negosyo sa Pilipinas ay lubusan nang babawiin, at isang multang triple ng halagang sangkot sa paglabag ang ipapataw.

SEK. 25. Mga Apropriyasyon. — Ang mga halagang nakalaan sa kasalukuyang taunang Batas Pangkalahatang Apropriyasyon (GAA) para sa reproduktibong kalusugan at natural at artipisyal na pagpaplanong pampamilya at responsableng pagpapamilya sa ilalim ng DOH at iba pang sangkot na mga ahensiya ay ilalaan at gagamitin para sa implementasyon ng Batas na ito. Ang mga karagdagang halagang kinakailangan upang tugunan ang pagpapabuti ng mga kasangkapang kinakailangan upang maabot ang mga pamantayang BEMONC at CEMONC; ang pagsasanay at pagpapadala ng mga may kasanayang tagapagbigay ng kalusugan; ang mga kahingiang pangkomodoti ng natural at artipisyal na pagpaplanong pampamilya na nakabalangkas sa Seksiyon 10, at para sa iba pang mga serbisyo sa reproduktibong kalusugan at responsableng pagpapamilya, ay isasama sa mga pangkalahatang apropriyasyon ng mga susunod na taon. Ang mga pondo para sa Kasarian at Pag-unlad (GAD) ng mga LGU at mga pambansang ahensiya ay maaaring maging bukal ng pondo para sa pagpapatupad ng Batas na ito.SEK. 25. Mga Apropriyasyon.

SEK. 26. Mga Tuntunin at Regulasyong Tagapagpatupad (IRR). — Sa loob ng animnapung (60) araw mula sa pagkakabisà ng Batas na ito, ang Kalihim ng DOH o ang kaniyang itinalagang kinatawan bilang Tagapangulo, ang awtorisadong (mga) kinatawan ng DepEd, DSWD, Philippine Commission on Women, PHIC, Department of the Interior and Local Government, National Economic and Development Authority, Liga ng mga Lalawigan, Liga ng mga Lungsod, at Liga ng mga Munisipalidad, kasama ang mga NGO, mga organisasyong batay sa pananalig, mga organisasyon ng taumbayan, kababaihan, at kabataan, ay sama-samang magsasabatas ng mga tuntunin at regulasyon para sa epektibong implementasyon ng Batas na ito. Hindi bababa sa apat (4) na kasapi ng komiteng lumikha ng borador ng IRR, na pipiliin ng Kalihim ng DOH, ang manggagaling mula sa mga NGO.

SEK. 27. Sugnay sa Interpretasyon. — Ang Batas na ito ay malayang bibigyang-pakahulugan upang matiyak ang probisyon, paghahatid, at akses sa mga serbisyo sa pangangalaga sa reproduktibong kalusugan, at upang palaganapin, protektahan at tupdin ang reproduktibong kalusugan at mga karapatan ng kababaihan.

SEK. 28. Sugnay ng Pagkakahiwalay. — Kung anuman sa probisyon ng Batas na ito ay ipahayag na hindi sang-ayon sa konstitusyon, hindi maaapektuhan niyon ang pagiging katanggap-tanggap at bisa ng mga probisyong hindi naapektuhan niyon.

SEK. 29. Sugnay na Pambawi. — Maliban sa mga umiiral na batas laban sa aborsiyon, anumang batas, dekreto o pahayag na pampanguluhan, kautusang tagapagpaganap, liham ng instruksiyon, administratibong kautusan, tuntunin, at regulasyon na salungat o hindi naaayon sa mga probisyon sa Batas na ito kasama na ang Batas Republika Blg. 7392, na kilala rin bilang Batas Pagkukumadrona, ay binabawi rito, binabago at sinususugan nang naaayon dito.

SEK. 30. Pagkakabisà. — Ang Batas na ito ay magkakaroon ng bisà sa loob ng labinlimang (15) araw matapos ang publikasyon nito sa dalawa (2) man lamang pahayagang may malawak na sirkulasyon.

(Lagda) FELICIANO BELMONTE JR.

Ispiker ng Mababang Kapulungan

(Lagda) JUAN PONCE ENRILE

Pangulo ng Senado

Ang Batas na itong konsolidasyon ng Panukalang Batas sa Senado Blg. 2865 at Panukalang Batas sa Mababang Kapulungan Blg. 422 ay naipasa sa wakas ng Senado at ng Mababang Kapulungan noong 19 Disyembre 2012.

(Lagda) MARILYN B. BARUA-YAP

Kalihim-Heneral

Mababang Kapulungan

(Lagda) EMMA LIRIO-REYES

Kalihim ng Senado

Pinagtibay: 21 DIS 2012

(Lagda) BENIGNO S. AQUINO III

Pangulo ng Pilipinas

[Read in English]