Valentine’s Day gimik na “Love Express” inilunsad ng PHLPost

Mula sa Philippine Postal Corporation

v-day stamps
Sa papalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, kaisa ang PHLPost sa pagpapalaganap ng pag-ibig, “Love is in the air-mail, sealed and to be delivered by you friendly Postman.”

Sa Pebrero 9,  sisimulan na ng  PHLPost ang  “Love Express delivery campaign” para sa Araw ng mga Puso.

Bubuksan ng Manila Central Post Office ang kanilang postal counters upang tumanggap ng ipadadalang mga bulaklak, tsokolate, at regalo para sa mga minamahal, na sigurado namang matatanggap pagsapit ng Araw ng mga Puso.

I-dedeliver ang naturang mga padala ng espesyal na grupo ng kartero, ang Express Elite Force, upang ihatid sa pamamagitan ng pinakamabilis na Domestic Express Mail Service (DEMS) “same day delivery” para sa loob ng Metro Manila at karatig lugar.

Sa proyektong Love Express, ang customer ay maaari ring mag-preorder ng kanyang napiling ipadala sa “one-stop shop” na nakaistasyon sa lobby ng Manila Central Post Office kung saan makakapamili ng mga bulaklak, tsokolate, greeting cards, stuffed toys, at iba pang Valentine novelties sa abot-kayang halaga.

Ilulunsad rin ng PHLPost ang “The Singing Kartero” upang lalong maging espesyal at memorable ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Sa halagang P1,500 package, puwede nang mapakinggan ang mga awiting inihanda ng mga piling kartero ng PHLPost, kasama na rito ang mga bulaklak at mail delivery.

Simula rin sa Pebreo 9, pwede ring mag preorder ng  mga bulaklak, tsokolate, at regalo sa mga minamahal sa pamamagitan ng internet o online , bisitahin lang ang website ng PHLPost na https://www.phlpost.gov.ph/pinoyemall . Ihahatid ang mga pinadala gamit ang pinakamabilis na Domestic Express Mail (DEMS) upang eksaktong matanggap  sa araw ng mga puso.

Ang deadline o cut-off time sa pagtanggap ng mga Valentine mail matters ay 10:00 ng umaga para sa Bulacan, Rizal, at Cavite; 12 ng tanghali para sa NCR; at 2:00 ng hapon naman sa Maynila upang makarating nang eksakto sa ika-14 ng Pebrero.

phlpost.gov.ph