PHLPost naglabas ng selyo ni Severino Montano, National Artist

Mula sa Philippine Postal Corporation

Montano Stamps PhotoInilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang commemorative stamps tampok ang Sentenaryo ng kaarawan (1915-2015) ni Severino Montano, National Artist for Theater na ginanap sa  bulwagan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, Manila.

Iprinisinta ni Assistant Postmaster General Luis Carlos at ni Felipe M. de Leon Jr., NCCA Chairman ang souvenir commemorative stamps frame kay Pedro Montano Ruenduen Jr., pamangkin ni Dr. Montano na siyang kumatawan sa pamilya ng yumaong National Artist.

“The Philippine Postal Corporation pays tribute to National Artist Severino Montano and his contribution to the preservation and promotion of the arts as he joined other National Artist in the country who have been immortalized in stamps”, pahayag ni Postmaster General Josie dela Cruz.

Si Montano ay nagtapos sa Yale University sa kursong Master of Fine Arts, at nagsulong upang gawing propesyonal ang industriya ng teatro sa Pilipinas sa pamamagitan ng Arena Theater, na pinondohan galing sa sariling bulsa habang siya ay dean ng Philippine Normal College.

Bago siya namatay noong 1980, naging tagapagturo siya ng mga kilalang personalidad sa teatro tulad ni Rolando S. Tinio, Emmanuel Borlaza, Joonee Gamboa, at Behn Cervantes.  Sya ay isa ring manunulat, director at aktor.

Kabilang sa kanyang mga gantimpala at pagkilala ay ang mga sumusunod: Patnubay ng Kalinangan Award from the City of Manila (1968), Presidential Award for Merit in Drama and Theater (1961), at ang Rockefeller Foundation Grant mula (1950, 1952, 1962, and 1963).

Nag-imprenta ang PHLPost ng 65,000 piraso ng selyo na mabibili sa halagang P10.00 bawat isang piraso. Ang selyo ay may sukat na  40mm x 30mm at idinesenyo nina  in-house artist Victorino Serevo at Ryann Arengo ng NCCA.

Ang naturang stamps ay mabibili  sa Post Shop, Philately at  Museum Division, Main Central Post Office, Door 203, Liwasang Bonifacio Manila. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa  527-01-08.

philpost.gov.ph