Post offices tumatanggap na ng PhilHealth contributions

[Read in English]

Simula Hulyo ng taong kasalukuyan, ang lahat ng sangay ng post office sa bansa ay pwede nang tumanggap ng PhilHealth premium contributions mula sa mga miyembro.

FeaturedImage_MedicalConcept_150720_1609

Kabilang ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa mga naitalagang maging payment facility ng naturang health insurance, kung saan maaaring i-remit ang kontribusyon sa mahigit sa isang libong  sangay ng PHLPost kasama ang mga postal stations, regular at extensions post offices, mall postal counters, barangay at school based post offices. Ang tanggapan ng PHLPost ay makikita sa mga siyudad at maging sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa.

Kaugnay nito, hinimok ng naturang ahensya ang mga miyembro ng PhilHealth at mga employer na magbayad over-the-counter sa lahat ng PHLPost outlets at iba pang authorized collecting agents.

Ayon kay Postmaster General Josie de la Cruz, madali para sa publiko na puntahan ang post office bukod pa sa malapit ito sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at  mga  pribadong establisyemento.

Maliban dito, authorized collecting agent rin ng PhilHealth ang PHLPost para naman sa mga kontribusyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

phlpost.gov.ph

____________________

Basahin: PhilHealth membership programs