PHLPost nakatakdang maglabas ng Office of the Government Corporate Counsel commemorative stamps

[Read in English]

Mula sa Philippine Postal Corporation

Para sa ika-80 ng anibersaryo ng Office of the Government Corporate Counsel, lang Philippine Postal Corporation ay nagtakdanag maglabas ng mga commemorative stamps.

phlpost_news_2015811_b0137df0f6

Pumirma sa isang kasunduan ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) at  Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang maglabas ng commemorative stamps kaugnay ng pagdiriwang ng ika-80 taon anibersaryo ng OGCC.

“The Philippine Postal Corporation (PHLPost) takes pride in issuing the commemorative stamps, as we put on record 80 years of OGCC success”,  pahayag ni Postmaster General Josie Dela Cruz.

Nakatakdang maglabas ang PHLPost ng limited edition na kopya ng commemorative stamp at official first day cover sa darating na Disyembre 1, 2015, kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 taong anibersaryo ng tanggapan ng OGCC. 

Ayon sa kasunduan, makikita sa OGCC anniversary commemorative stamps ang unang naging Government Corporate Counsel, ang yumaong Senador at Associate Justice ng Supreme Court Ramon Diokno, kasama ang opisyal na logo para sa darating na anibersaryo.

phlpost.gov.ph