The 2016 State of the Nation Address (Filipino)

Tags: , , ,

State of the Nation Address of
Rodrigo Roa Duterte
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
[Delivered at the Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2016]
(FILIPINO VERSION)

Salamat. Ipermiso ninyo akong maging impormal. Mapapansin ninyo na ang tatlong lalaki sa nakaangat na bahagi ng Kongreso ay mula sa Mindanao. So, wala talaga kaming masabi. Pangulo ng Senado Aquilino Pimentel III, mga miyembro ng Senado, Ispiker Pantaleon Alvarez, Pangalawang Pangulo Maria Leonor Robredo, dating Pangulo Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Ejercito Estrada, at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo,  Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, mga Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, ang Kaniyang Kamahalang Papal Nuncio at mga miyembro ng  diplomatic corps. Kailangan ko ring batiin ang Kalihim Tagapagpaganap Salvador Medialdea, ang mga miyembro ng Gabinete, mga kasama kong manggagawa sa gobyerno, mga kababayan ko.

Hindi tayo uusad kung hahayaan nating hilahin tayo ng nakaraan. Ang paninisi ay maling pamamaraan. Kayâ hindi ko aaksayahin ang mahahalagang oras para sisihin kung sinong may sala sa gusot na kinasasadlakan natin at pinagdudusahan.

Maliban siguro para makabuo ng aral o higit pa sa mga kamaliang ito, hindi tayo papipigil dahil ang dapat pinahahalagahan ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na dapat nating pinaghahandaan.

Bakâ ako ay hindi maintindihan, gusto kong linawin, na ang mga nagtaksil sa tiwala ng taumbayan ay maparurusahan at mabibigyan ng araw sa hukuman. At kung sapat ang mga ebidensiya, may araw din sila para magdusa.

Nang magdesisyon akong tumakbo bilang pangulo ng bansang ito, alam ko ang mga sakit ng bansa; alam ko ang mga dahilan; at sinabihan na ako kung sino ang sentro ng mga sanhi ng lahat.

Narinig ko ang mga hinaing ng mga mamamayan sa kalye na ang katarungan ay parang guníguní na lang; na ang pagkapantay-pantay at pagiging patas at mabilis na paglutas sa mga kaso ay nalusaw na parang ampaw na mga konseptong bagay lang sa mga pandalubhasaang disertasyon. Ganyan dati, hanggang ngayon, talagang nakalulungkot.

Bilang dating tagausig, alam ko ang mga pamamaraan kung paano pabilisin at pabagalin ang takbo ng isang kaso. Ang ginawa ko ay tiningnan ko kung ilang beses ipinagpaliban at ang petsa ng bawat pagpapaliban at ang susunod na pagdinig ng kaso. Ganoon kasimple. Magiging masaya ako kung lahat tayo sa gobyerno ay mag-aasikaso sa importanteng bagay na ito.

Determinado na ko noon pa katulad sa pagiging determinado pa dahil ngayong ako ay nasa posisyon, na maglunsad ng laban sa mga humahamak sa ating mga batas at sa mga tao na ginagawang miserable ang ating buhay.

Tinitiyak ko sa bawat isa sa inyo na wala sa sistema ko ang pagiging mapaghiganti. Katulad ninyo, ang gusto ko lang ay patas na pagtrato at proteksiyon para sa ating mga kababayan.

Pero kailangan nating maging matapang para maipaglaban ang ating pinaniniwalaan, na hindi tayo mapipigil ng takot na magkamali o matalo. Kayâ, walang limitasyon ang katapangan, pero mayroon ang kaduwagan.

Sa puntong ito, marami pa akong gustong sabihin sa inyo tungkol sa mga detalye, mga bilang, mga programa, mga plano, mga problema at solusyon, ang lahat ng mga ito ay hindi dapat maglalaho o maliligaw.

Kayâ sa ating mga relihiyosong Obispo, mga pinuno, mga pastor, mga tagapagsalita, mga imam ginagarantiya ko sa inyo na habang ako ay naninindigan sa prinsipyo ng paghihiwalay ng simbahan at estado, pinaniniwalaan ko rin na dapat wala ring paghihiwalay ng Diyos at Estado.

Sa inagurasyon ko noong 30 Hunyo 2016, sinabi ko na ang laban sa kriminalidad at mga ilegal na gamot at korupsiyon ay di titigilan at magpapatuloy. Inuulit ko ang pangakong iyan ngayon, kaya tinatawagan ko ang Pambansang Pulisya, ang mga chairman ng barangay, mga meyor, mga gobernador, at lahat ng nasa kapangyarihan at awtoridad, huwag magpahinga. Walang titigil sa kampanyang ito. Doblehin ang mga pagkilos. Triplehin ang lahat ng ito kung kailangan. Hindi tayo titigil hanggang sa huling drug lord, hulíng kapitalista, at hulíng pusher ay hindi napasusuko o naipakukulong o naililibing, kung gusto nila.

Sa ating mga opisyal na pulis at sa iba pang opisyal, gawin ninyo ang trabaho ninyo at asahan ninyo ang buong suporta ng Tanggapan ng Pangulo. Sasamahan ko kayo hanggang sa huli. Abusuhin ninyo ang inyong kapangyarihan, at mayroon kayong kalalagyan sa impiyerno, dahil magiging mas masahol pa kayo sa nilalabanang kriminalidad.

Inuutusan ko ang National Police Commission (NAPOLCOM) na pabilisin ang mga imbestigasyon at paghahatol sa mga kasong administratibo laban sa mga pulis na sangkot sa mga gawaing kriminal at ilegal at magbalangkas ng mga patakaran para sa lifestyle check sa mga miyembro ng PNP. Sa laban na ito, itinataya ko ang dangál ko, ang búhay ko, ang pagiging pangulo ko.

Inuutusan din ang DILG na mahigpit na imonitor kung paano ginagawa ng mga LGU ang tungkulin nilang pamahalaan ang mga pulis at ang mga napatunayang hindi tumutupad sa kanilang tungkulin ay maparurusahan kabilang ang pagtitiwalag sa NAPOLCOM.  Inuulit ko ang babala sa lahat, huwag magdroga dahil kayo ang magiging solusyon sa krisis na bumiktima, “malawak” na lumaganap sa bansa.

Gagawa tayo ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs na pagsasama-samahin ang lahat ng mga pagsisikap at palalakasin ang pakikipag-ugnayan ng mga stakeholder.

Ang mga reserbado ay pakikilusin para sa kampanyang pang-impormasyon laban sa paggamit ng droga at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga programang rehabilitasyon na iniaalok ng gobyerno.  Palalakasin din natin ang ating Programang ROTC para maisapuso ang pagmamahal sa bansa at paggiging mabuting mamamayan.

Uunahin din natin ang rehabilitasyon ng mga nagdodroga.  Dadagdagan natin ang mga pasilidad sa pagpapagaling at rehabilitasyong residensiyal.  Tutulong ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa mga paghahanda sa paggamit ng mga kampo militar at mga pasilidad para sa rehabilitasyon sa pagdodroga.

Hindi kailanman magkakaroon ng tunay, nahahawakan, at nararamdamang pagbabago nang hindi ipinadarama ang katiwasayan sa ating mga tao.

Dahil dito, magiging sensitibo ang aking administrasyon sa mga obligasyon ng bansa para palaganapin at pangalagaaan, at tuparin ang mga karapatan ng ating mga mamamayan, lalo na ng mahihirap, nasa laylayan at mahihina.  Ipatutupad ang katarungang panlipunan, habang pinananatili sa lahat ng sandali ang tuntunin ng batas.

Ipatutupad ng aking administrasyon ang isang makataong tugon sa pagbabago at pamamahala, habang pinabubuti ang kagalingang pangkalusugan at pang-edukasyon, pagkakaroon ng sapat na pagkain at pabahay, pinangangalagaan ang kapaligiran at paggalang sa kultura ng ating mamamayan.

Ang karapatang pantao ay dapat na nagpapataas sa dignidad ng tao. Pero ang karapatang pantao ay hindi puwedeng gamitin bilang pananggalang o dahilan para sirain ang bansa.  Ang inyong bansa at ang aking bansa.

Sa ngayon, dahil may mga banta pa rin sa panloob na seguridad ng ating bansa na pinalalalâ ng teroristang pangkat na Abu Sayyaf at ng mga gawain nito, ang buong puwersa ng AFP ay pakikilusin para malupig ang mga kriminal na ito na nagtatago sa gawaing panrelihiyon.  Palalakasin ng AFP ang kakayahan nito na tugisin at labanan ang mga huwad na elementong lumalabag sa batas.

Kailangan nating palakasin ang ating koordinasyon sa Indonesia at Malaysia para mapigil ang pangingidnap sa katubigan ng ating mga kalapit-bansa. Palalakasin natin ang ating mga programang panlaban sa terorismo sa pamamagitan ng pag-aamyenda ng iba’t ibang batas tungkol sa terorismo sa tao, pagtutustos sa terorismo at cybercrime.

Ito ang sagot natin sa mga bantang hámong di-tradisyonal ng global na pagbabago, mga krimeng transnasyonal at terorismong panatiko.  Magiging priyoridad din natin ang pagtugon sa global warming, pero sa makatarungang pag-aangkop. Hindi nito dapat mapigil ang ating industriyalisasyon.

Dapat din nating sikapin na magkaroon at linangin ang pakikipagtulungan sa mga bansang may kapareho ng mga problema sa Pilipinas; panatilihin at ipagpatuloy ang mga pakikipagsanggunian at pakikipag-usap na bilateral at multilateral.

Palalawakin pa natin ang pakikipag-ugnayan sa pagtulong at pag-aksiyon kaugnay ng disaster, seguridad pandagat at paglaban sa terorismo.  Palalalimin natin ang mga pag-uusap panseguridad sa ibang bansa para magkaroon ng higit na unawaan at pagtutulungan.

Tungkol sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea), na kilala rin bilang Dagat Tsina (China Sea), pinaninindigan ng Pilipinas ang paggalang sa resulta ng kaso sa harap ng Permanenteng Hukuman ng Arbitrasyon (Permanent Court of Arbitration) bilang isang mahalagang kontribusyon sa isinasagawang pagsisikap upang magkaroon ng mapayapang resolusyon at paglutas sa ating mga pagtatalo.

Sa aspekto ng ating mga prosesong pangkapayapaan kaugnay ng ating kompromiso sa pandaigdigang pamayanan, mananatili ang Pilipinas sa pangako nitong ipagpapatuloy ang lubos na pakikipag-usap sa ating mga pandaigdigang partner at stakeholder para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Masigla nating tutugunan ang mga karaingang paulit-ulit na idinadaing, hindi lamang ng Bangsamoro, mga katutubo at iba pang pangkat para sa seguridad, pag-unlad, pantay na karapatan sa pagpapasiya at pagtanggap sa mga pagkakakilanlan.

Ang pangmatagalang kapayapaan ay makakamit lang kung matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat lalaki, babae, at bata.

Sa ating mga kapatid na Muslim, sa bansang Moro at sa mga kasapi ng CPP/NPA/NDF, ito ang sasabihin ko:

Gusto nating lahat ng kapayapaan, hindi ang kapayapaan ng patay, kundi ang kapayapaan ng buháy. Ipinahahayag natin ang ating kagustuhan at kahandaang makipagnegosasyon,  pero kinakargahan natin ang ating mga baril, umaasinta, at kinakalabit natin ang gatilyo. Isa itong kabalintuaan at trahedya—at wala itong wakas.  Habang pinararangalan ang katapangan at kabayanihan ng ating mga sundalo, gawin din ninyo ito sa kanilang mga kasapi at mandirigma, sa halip ang nakikita ko ay mga nabiyuda at naulila.  Nararamdaman ko ang kanilang sakít at hinagpis, at hindi mababayaran ng anumang perang tulong o bilang ng medalya ang mga taong nawalan ng buhay. Ikinalulungkot ito ng lahat ng antas ng lipunan.  Malalim at matagal ang sakít na idinudulot nito.

Kaya nakikiusap ako sa inyo ngayon.  Sa mga kapatid nating Muslim, tapusin na natin ang dantaong kawalan ng pagtitiwala at pakikidigma. Sa CPP/NPA/NDF, wakasan na natin ang dantaon ng pananambang at labanang ito. Wala tayong pupuntahan, at lalo itong nagiging madugo araw-araw.

Para matigil agad ang karahasan, ibalik ang kapayapaan sa mga pamayanan at magkaloob ng kapaligirang nakatutulong sa muling pag-uusap na pangkapayapaan, ibinabalita ko ngayon ang tigil-putukan sa CPP/NPA/NDF na magkakabisa agad, nananawagan ako  ngayon sa ating mga kapuwa Filipino sa National Democratic Front at sa mga puwersa nito na sumunod.

Ito ang aking panawagan sa inyo: “Kung hindi pa natin káyang magmahalan, sa ngalan ng Diyos, huwag nating awayin ang isa’t isa,” gaya ng sabi. Ganoon din ang sinasabi ko sa inyo.

Sisikapin nating magkaroon ng permanente at pangmatagalang kapayapaan bago magwakas ang aking panunungkulan. Iyan ang aking layunin, iyan ang aking pangarap.

Tungkol sa pamamahalang macroekonomik, magpapatuloy at pananatilihin ng aking administrasyon ang mga kasalukuyang patakarang makroekonomik, at paghuhusayin pa natin ito.

Magagawa natin ito sa pamamagitan ng masisinop na patakaran sa pananalapi na  makatutulong para ang malaking pag-unlad ay mangahulugan ng higit na marami at magandang trabaho at pagkabawas ng kahirapan.  Sa pagwawakas ng aking panunungkulan, umaasa ako at nananalanging maipapasa ko ang isang ekonomiyang mas matatag, na kakikitaan ng pag-unlad, hindi sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, matatag na reserbang dolyar, at malakas na katayuang pampananalapi.

Sa pagbubuwis, magpapatupad ang administrasyon ko ng mga repormang pambuwis para sa mas simple at mas makatarungan, at mas episyenteng sistema ng pagbubuwis na nakakapaghikayat ng pamumuhunan at paglikha ng mga trabaho. Bababaan natin ang buwis sa kítang personal at pangkorporasyon at luluwagan ang batas sa bank secrecy.  E naging Presidente ako, ayaw ko sanang makialam dito, sa mga ito.  Alam mo na.  Anyway, sa pagpapatuloy.

Sa sambahayan, dapat ay sapat ang kita ng lahat ng mga Filipino para matugunan ang mga pangangailangang pagkain at di-pagkain ng kani-kanilang pamilya.  Patuloy nating hihikayatin ang pamumuhunan na lilikha ng libo-libong trabaho sa taon-taon—sa mga trabahong nababagay sa mahihirap at walang gaanong kasanayang manggagawa.

Ipag-aatas ang mga reporma para tiyakin ang ating kakayahang makipagkompetisyon at para itaguyod ang madaling pagsasagawa ng negosyo.     Pagpapaluwag sa mga restriksiyon ng konstitusyon sa ekonomiya para higit tayong maging kaakit-akit sa mga dayuhang namumuhunan.  Ipatutupad ang pagpaparami ng mga industriyang nangangailangan ng mga manggagawa tulad ng manufacturing, agrikultura at turismo.

Dapat din tayong mamuhunan sa tao at garantiyahin ang pantay-pantay na pagkakataóng pang-ekonomiya.

Kailangang maipatupad na ang Batas sa Responsible Parenthood and Reproductive Health para ang mga mag-asawa, lalo na ang mahihirap, ay magkaroon ng kalayaan sa pagpili sa dami at pag-aagwat ng mga anak na kaya nilang alagaan at tustusan, at sa huli ay mapabilang sa mga higit na produktibong puwersa ng paggawa.

Kapag hindi makapagtatrabaho, gaya sa mga masyadong probinsiya, itataguyod ang pagnenegosyo.

Pagagandahin din natin ang lokal na negosyo sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga rekisitos na nagpapatagal sa pagpaparehistro at pagpoproseso ng negosyo, pagbawas sa proseso ng kahilingang makapagnegosyo at pag-iisa sa mga serbisyo ng iba’t ibang opisina ng gobyerno.

Ang mga Institusyong Pampananalapi ng Pamahalaan (GFI) ay gagawa ng mga financing package na madaling maisagawa para magkaroon ng kakayahan ang mga may maliliit at medyo malaking negosyo.

Sa larang ng turismo, magpapatayô táyo ng mas maraming kalsada at mga sentrong panserbisyo na panturismo.

Ang paggawa ng mga kalsada ay dapat umayon sa layuning maglaan ng modernong impraestrukturang pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapahusay sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga pasilidad sa patubig at pagkakaroon ng mga modernong pasilidad sa pag-aani at pagkaani para mabawasan ang mga pagkalugi.

Magsasagawa rin tayo ng pagsusuri sa lupa sa buong bansa para matiyak ang mga lugar na pinakaangkop sa pagtatanim ng palay para mapataas ang produksiyon sa pamamagitan ng paggamit ng mabisang rehabilitasyon at pagpapataba ng lupa.

Mahigpit nating ipatutupad ang mga batas sa pangisdaan, lalo na ang tungkol sa ilegal na pangingisda at itataguyod natin ang aquaculture sa mga tabing-ilog at sa likod-bahay.

Sa kabilang banda, pabibilisin natin ang paggastos para sa impraestruktura sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga kalsada at tulay at pagpapatupad sa Mindanao Logistics Infrastructure Network at iba pang mga plano para sa mga kalsada. Ipatutupad natin ang mga proyektong magdurugtong ng mga isla.

Isasakatuparan natin ang mga hakbang sa pagpapagaan ng estruktura, para matugunan ang taón-taóng pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.  Magtatayô táyo ng mga bagong pumping station sa mga estratehikong lugar.

Ang muling pagbuhay sa Pasig River Ferry Service System ay isang solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila.  Ito ay magsisilbing alternatibong paraan ng transportasyon para sa mga pasahero lalo na sa mga nanggagaling sa silangan ng Metro para makarating sa mga destinasyon sa mga lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Marikina, at Quezon.

Palalakasin din ang ating kampanya laban sa kolorum at paghuli sa mga lumalampas sa kanilang ruta pati na rin ang mga ilegal na terminal.

Upang matugunan ang kakulangan sa mga kalsada sa Metro Manila, lulubusin ang paggamit sa mga kalsada. Kaya, kailangang makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga LGU upang maisaayos ang daan ng mga alternatibong ruta at makipagsanggunian sa iba’t ibang stakeholder, kabilang na ang opereytor ng sasakyang publiko.

Marami sa gobyerno ang makatotohanang nagpapalagay, at mahigpit kong sinasang-ayunan, na ang lumalalang sitwasyon ng trapiko ay lohikal na masasagot, kung bibigyan din ang Kongreso ng emergency powers ang mga kinauukulang ahensiya.  Ayaw mo? Okey lang din.  Pakita namin kung gusto ninyong madalian.  Alam naman talaga ninyo sagad na.  Nasa inyo iyan, kung ibibigay mo, sige.  Kung hindi ninyo ibibigay, idadaan natin sa mas mahirap na ruta na mas matagal. At tanggapin ko iyong pagmumura ninyo, huwag lang sa malapit. E ganoon talaga e…kailangang solusyunan na ito. Gusto ninyo madali, okey. ‘Pag ayaw naman ninyo, dahil  baka sabihin ninyo graft and corruption lamang, ‘di okey.  Ginarantiya ko sa inyo–wala ito sa script… Ginagarantiya ko sa inyo, magiging malinis ang gobyernong ito. Kung iyon lang ang inaalala ninyo, naiintindihan ko kayo.

Wala na ito sa…haba…wala na ito sa script. You know, ako makagarantiya, 101% magiging malinis ito. Ang problema ay makakagawa lang ako sa pamamagitan ng mga ahensiya at departamento. Kaya sinasabi ko inyo na maski konting maliit lang, wala akong ano doon…wala na akong politika, wala na lahat.  Tapos na ako sa listahan. Hindi ko lang magarantiya ang katapatan at galíng nila sa lahat ng pagkakataon. Yung mga miyembro ng gabinete, oo.  Pero iyong sa babâ—procurement, iyong bidding diyan…pero sa pagkakaalam ko malinis talaga ito. Basta pag-uusapan namin sa likod about federal system.

Alam n’yo, ang payo ko sa ‘yo ay: magkaroon ng federal system, isang parliyamentaryo, pero garantiyahin ninyong may Presidente.  Huwag, hindi na ako niyan, disqualified na ako at sa mga panahon na iyon wala na ako dito.  Pero maipapangako ko ngayon, sa Republika ng Pilipinas at sa sambayanan, kung bibilisan ninyo ang federal system ng gobyerno at maisusumite ninyo ito sa mga Filipino sa ikaapat at ikalimang taon—kasi proseso ‘yan e—tumawag kayo ng referendum at pagkatapos ay presidential election, aalis ako..  Sibat na ako. Pero dapat mayroon kayong Presidente, gayahin ninyo ang sistema ng France. Huwag mong hayaan ‘yang puro parliament, delikado.  Kailangan ng mahabang panahon para sa—iyong kagaya ng England ‘no, dahil sa pambobomba…alam mo double deck, natagalan din sila. Just no one apparatus for the Commander-in-Chief down. Hindi ka puwedeng maging presidente, puwede kang humalal.  Puwedeng si Tito Sotto ang susuwertihin sa mga panahong iyon. O di, limitahan mo lang.

Ang mga kapangyarihang panseremonya, kapangyarihang magresolba, kapangyarihang mag-off set ng resolusyon o anuman.  Uutusan ko kayo, gawin iyan…o mga kapangyarihang panseremonya, maliban sa mga panahon ng pangangailangan.  Sabi ko kung maibibigay mo sa akin ang dokumentong iyan, hihikayatin ko kayong mag-conduct to order ng…maghalalan sa susunod na araw, sa susunod na linggo.  At kahit na dalawang taon pa, tatlong taon, Aalis na ako.  Okey na ako.  Huwag ninyo akong alalahanin. I am into…marami na akong ambisyon.  E nanalo pa e. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon, noon nandoon lang ako o.  Totoo man. Sino ba sa inyo nagsuporta sa akin dito? Wala man. Kahit na isang kongresista, maliban sa dalawang probinsiya, gobernador. Iyon lang.  Wala akong barangay captain, wala akong…wala lahat. Pero ngayon…[Palakpakan]

Paiikliin ang panahon ng pagpoproseso sa pag-iisyu ng mga permit at.  Sa aking lungsod, palaging tatlong araw para sa mga pamahalaang lokal. Iyon ang magtatali sa Tanggapan ng Pangulo hanggang sa huling barangay. Tatlong araw, tatlong araw, pamahalaang lokal.  Permit sa negosyo, mga clearance—hindi, teka lang.  Walang follow up.

Bigyan mo ng stub, bumalik sa susunod na linggo, tingnan mo iyong work load at hihingan ko ang bawat departamento, iyong dito sa itaas, dapat may logbook sila. Huwag sa kompiyuter, okey, itong ganito na mai-erase ‘yan. Ilagay mo ang araw, oras, tinanggap ko ang dokumento ni Rodrigo Duterte, pagkatapos ay gamitin ang kompiyuter, dapat ay may actuarial projection doon. Tingnan ang dami ng trabaho, napakabobo mo naman… o gaano kadami ang trabaho ninyo, tapos pag bumalik ka dito August 3, 3:00 o’clock, ibigay mo, ibigay mo. Ngayon, itinatatag ko ang 8888 para lamang sa korupsiyon. Pag may marinig ako sa Executive Department, kahit bulong, kahit bulong, hiwalay-hiwalay na tayo.  Marami riyan sa, diyan sa gallery, marami riyan walang trabaho, nag-a-aplay hanggang ngayon. Hindi naman lahat kasi mayayaman iyan e, mga asawa ninyo ata iyan.

Samantalang ang pag-iisyu at distribusyon ng mga plaka ng sasakyan sa bilihan o sa mga dealer ng sasakyan ay isasaalang-alang. Wag na sa LTO kasi hanggang ngayon, panahon pa ni Hesukristo iyong unang plaka nila hanggang ngayon wala pa.  Bayad na iyon, hanggang ngayon sa awa ng Diyos.

Para sa mga lisensiya ng drayber, ang bisa nito ay pahahabain mula sa kasalukuyang 3 hanggang limang taon.

Para mabawasan ang pila sa mga bilihan ng tiket, maglalagay ng mga bilihan ng tiket ng tren sa mga mall, stall, at mga tindahan, ipinagbibili mo iyon sa… diyan mo na ibigay, akreditado. Wag doon banda sa Recto kasi sigurado pekein iyan ng mga ulol.

Muli akong magsasalita sa Pilipinas. Ako po ay doble ang pagod para sa inyo, para sa kapakanan ng bayan. Seryoso po ako. Kayong mga ganoon, tiket-tiket at magkaroon ng gulo, huwag ho ninyong gawin iyan. Ito na iyong babala ko, you know, huli. Wala nang iba, hindi ko na gagawin, wag ninyong sirain iyong mga bagay-bagay na ginagawa namin para sa kapanakan ng tao. Mabuti iyang magkaintindihan tayo. Kaya wag ninyong gawin. Simple lang iyan e. Para walang away sa gobyerno iyong mga bagay na ilegal at masama at hindi tama, wag mong gawin at hindi kami mag-aaway dito. Pati iyong pari, pati si Pope tinamaan.

Magkalinawan tayo sa isa’t isa, ako ay para sa kaginhawahan at kapakanan ng mga Filipino. Kayo namang hindi pa bungog diyan, hindi pa pumasok iyang mga droga, kung ayaw ninyong mamatay, ayaw ninyong masaktan, wag kayong umasa diyan sa mga pari, pati karapang pantao, hindi nakakapigil iyan ng kamatayan. Kaya, wag ninyong gawin. E tapos nandiyan ka nakabulagta at nakikita ka sa mga diyaryo na parang Inang Maria na kalong ang patay, ang bangkay ni Hesukristo.

Ayan ang mga yan e. Magdadramahan pa tayo dito. Dito ako nakatingin kasi nandito iyong publiko h. Alam mo ilang beses ko nang sinasabi, sa Davao huwag mong gawin, kasi magkakaproblema tayo. Siya na dahilan ng dahilan ang dahilan ng lahat ng ito. Ikaw iyong nag-umpisa, lunukin mo—ulitin ko ha, siya na dahilan ng dahilan ang dahilan ng lahat ng ito. Kami nagtatrabaho lang. Mayroon tayong bansang binabantayan.  Kailangang maging malusog ang milyon-milyong tao. Tungkol ito sa droga, tungkol ito sa interes ng publiko, kaayusan ng publiko. Kita mo nabawasan ang mga krimen, wala na kasing magnanakaw, wala nang nanghoholdap. Kasi para yan—bakit itatapon sabi nila e maliliit lang iyan. Gamitin mo utak mo.

Kung mahahawahan ka, kagaya ng negosyo ng mga Chinese, pakyawan sila. Maski konti-konti, kung ang buong pondo kontaminado, pera yan. Hindi ko sinasabing sa Chinese gawain itong pakyawan/patingi-tingi, maski na kumita lang ng piso dyan, okey na iyan. Kasi paramihan e. Yan ang ibig kong sabihin.

Umaasa akong magrereklamo ang militar at ang pulis sa bagay na ito…bahagi ito ng malalim na imbestigasyon na nakuha namin. Obligado akong humarap sa publiko kasi iyong mga pari nag-aano. Alam mo, kayong mga midya, naghahanap kayo ng “nasaan ang malaking isda?” Saan iyong bilyonaryo na mayaman, iyong mga may kotse, may mga Mercedes, ma’am nandoon yan sila sa labas, wala dito. Maghanap ka ng isang batalyon ng pulis para hulihin natin doon, kung kaya natin. Doon nila dinadala ang droga sa kanila. Meron silang ganito, malaki, sa oras na ito nakikinig sila ngayon dito. Sandaa’t isang porsiyento na nakikinig sila dito. Saan doon? Doon lang. Isosoli nila sa pondo, o itapon mo diyan, tapos umalis ka kunin sa tindahan yung bag o package. Di ba sabi mo nakikita ng midya. Kayo lang ang nagba-brand niyan na drug lord eh. Hindi sila ang mga drug lord, mga tinyente, delivery boy iyan, kung baga LBC lang yan, pati DSL, Federal.

Pati iyong tawag nila basura, iyon yung banta ano—huwag kayong maghanap. Gusto ninyo sabihin ko sa inyo, puntahan natin. Ibibigay ko ang mga pangalan. Ipakikita ko sa inyo ang datos ng intelehensiya. Pero bigyan mo ako ng garantiya na may gagawin ka. Kasi bibigyan kita ng pangalan, bibigyan kita ng bansa, kung wala pa ring gagawa, mag-shut down tayo—kaya hindi lang kami… hindi tayo kailangang maging lubhang personal tungkol sa ating gawain dito. Sinasabi ko na—dito oh, balik na tayo. Kasi iyong hindi nakakaintindi na mga Tagalog, ano na iyong, tagal naman nitong—Tutugunan ang pagsisikip ng mga pasahero sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bilang ng tumatakbong tren mula sa kasalukuyang 16 na tren na may kabuuang 48 kotse bawat oras, hangang 20 tren na may kabuuang 60 kotse bawat oras; dagdagan ang bilis ng tren mula 40 (kph) hanggang 60 (kph).

Ang problema nito, iyong mga daangbakal—hindi na ito kasali diyan; huwag kayong maniwala dito. Dalawang-katlo nito ay akin, ang sangkatlo ay—korek iyong gramar ko. Ayaw lang nila Animnapung kilometro bawat oras, problema nito, at kailangan ninyong umayon sa akin na matanda na ang mga riles. Karamihan sa mga riles siguro. Noon pa ‘yan sa panahon ni Marcos, Imelda. Nandiyan pa. Ngayon, sabi ni Tugade, “Sir, ito sa akin ha, sabihin ko 40 hanggang 60 kilometro bawat oras.” Sabi ko, “Art, sigurado ka maka-hold ang riles niyan? Baka maputol iyan, magdiretso ang rren sa Cavite. Dumiretso sa Cavite, maglipad, doon kay Tolentino, “Oh, bakit may tren dito sa Tagaytay?” Medyo mabilis ito, medyo mabilis, 60 kilometro bawat oras at may hinihila itong mabigat. Kapag umandar na talaga ito… mawalan ng ano … umaandar ito nang mabilis na may mabigat na dala na masyadong mabilis, mahirap mong … sumasadsad kasi mabigat eh. At umiikli ang oras ng biyahe mula 5 minuto hanggang 3 minuto. Mahina lang tayo ng—ang plano ni Tugade, mahina lang tayo ng isang minuto sa Hong Kong. Dalawang minuto, kaniya tatlong minuto eh. Art, ambisyoso ka. Kaya mo kaya ito?

Espesipiko para sa LRT, ang oras ng operasyon ay palalawigin mula 9:30 hanggang 10:30 n.g.  So marami pang batang uuwi niyan.  At para mas marami pang pasahero ang makasasakay, agad nang tutugunan ang mga atraso sa pagbili ng dagdag na mga tren.

Ngayon, iyan ang sinasabi ko. Kung gusto mo akong makilala, mabuti. Wala akong problema. Sabihin ninyo na doon ang … gawin natin sa normal na paraan. Kung nagawa mo ang 46. Ang maganda nito, napirmahan ko na ang Executive Order sa amin, FOI. Naunahan ko kayo. Nandoon na sa akin.  Oo, tapos na ako. Ilalabas ko na. Lalabas ito ngayong araw. Alam ninyo, sabi ko, unahan ko ang Kongreso puro mayayabang ang ano diyan. Susunggaban natin ang … stealing one’s thunder. Unahan na natin. Para maitutuloy na natin ang mga proyektong panriles sa Metro Manila at sa mga pangunahing lugar sa bansa kabilang ang Mindanao Rail Project. Hindi ako nagyayabang pero totoo talaga ito. Nasa …. tayo depende sa Federal pero sa anim na taon, lalabas talaga ito. Ginagarantiya ko sa inyo dahil  magkakatotoo ito. Mga proyektong panriles, Davao Transit System, ang Cebu Transit System, ang North at South Luzon Railways at ang proyektong Panay Railways. Panay! E tagasaan si ano, Panay. Panay ang bigay natin para—sabihin naman ni Senador Drilon, bina-backbite dito. Lalagyan daw ng isla ng tren. May tawa pa. Bina-backbite ka dito. Isumbong mo iyan. Tingnan mo. tan-awa diha.

Iba’t ibang pamamaraan ang pinag-aaralan para mapaluwag ang NAIA kasama na ang posibleng paglipat ng kabuuang aviation. Ang estilo ko kasi, ganito, hindi naman ako … Hindi ako bagay sa pormalidad. Itong trans-general aviation, alam nyo kung sino ang tamaan niyan? Kayong mayayaman. Kayong may mga helikopter pati eroplano, ililipat ko kayo. Alam mo iyong general aviation, iyong mga Lear Jet, iyong sa mga kompanya, ilagay ko kayo sa Batanes para walang air traffic. Iniaalok ko ang Sangley Point. Kasi kailangan isang runway ‘yan. Puwede akong gumawa ng isang bagong runway doon. Sabi ng mga eksperto sa aviation, pero tumbok niyan ay ang Merville Subdivision. Maka isa pa akong runway dito sa Metro Manila. Pero kung hindi doon, magiging Clark ito sa isang kondisyon na mayroon kayong mabilis na tren. Sabi ko, mga isang oras ng biyahe. Sabi ko kay Tugade, hindi ito katanggap-tanggap. May riles doon, bago, marami pa. Ang bow ng araw ay bullet train. Ilagay mo iyan sa Filipino na drayber, sa point ko, hilo. Maglampas kayo dito. Puwedeng gamitin ang Clark Airport para ilipat ang ilang operasyon ng ating domestiko at internasyonal na eroplano.

Gagawa din ng isang one-stop shop ang sa loob ng Clark civil aviation complex para sa mga Filipinong  nasa ibayong dagat. Ito mangyayari na ito.

Para lalong mapakinabangan ang Clark Airport, kailangang magtayo ng mga … mayroon kang riles na idurugtong.

Tungkol naman kapaligiran, inaatasan ang militar na palakasin—makinig kayo, hindi tawa diyan—ang suporta laban sa ilegal na pagtotroso, ilegal na pagmimina— andiyan pa naman si Gina Lopez—at iba pang gawaing nagpapalala sa pagkasira ng ating likas na yaman. Kailangan kong pangalagaan ang bansa. Marami ang nagrereklamo sa pagkakahirang kay Gina Lopez. Pero si Gina at ako, pareho kami ng paradigm: ang interes ng bansa ay una sa lahat. Hindi ko naman sinasabi, may batas na nagpapahintulot sa pagmimina. Si Gina Lopez at ako ay nagsasabi lamang sa inyo, sumunod sa mga pamantayan ng gobyerno. Huwag ninyong siraan ang kapaligiran. Sundin ito nang tama. wala tayong problema. Magbayad lamang ng tamang buwis; sumunod sa mga pamantayan. Ginagawa lang ni Gina Lopez ang kaniyang trabaho. Alam ninyong totoong krusado siya. Iyan ang…ganiyan ko mailalarawan ang kaniyang persona: Krusado. Kaya palagay ko tama iyan. Bakit? Nandiyan ba si Ma’am Gina Lopez, Kalihim Lopez? Ganito iyan, pumunta siya sa Davao. Gabi na mga ala-una, dahil sa mga unang araw ng aking … nang manalo ako pero hindi pa ako nakapanumpa. Marami na ang nagpuntahan—pagbati, mga congratulation. Eh si Ma’am, pumunta nang dalawang beses. Palagi niyang ipinakikita ang pagkasira ng … ito na nga. Tapos dalawang oras na naman, mukhang hindi na matapos. Sabi ko, “Ma’am, huwag kayong masasaktan,” totoo man. Wag kang magagalit dahil ito ang katotohanan. So mag-aalas tres na, “Rody, ito hindi.” Tapos tuloy-tuloy na, para ring congresman. Sabi ko, “Ma’am, mag-aalas kuwatro, Ma’am. Ano kaya kung ikaw na lang ang DENR?” Bigla din siyang sumagot, “totoo ka?” Sabi ko, “oom.” Hindi yung, “oo,” Siya, siya, “Konsultahin ko ang pamilya ko at itanong ko sa aking…”

Nang sumunod na araw, tawag siya kay, sa aide ko, kay Bong. Sabi niya, “Bong, okey na tinanggap na, sabi ng pamilya ko, okey na.” Sabi ko, “haay bantay ka sa … Pero alam ninyo, hindi ako pipili ng sinuman na kaiba sa pag-iisip ko. Kukunin ko ang isang tao na kapareho ng pagtingin ko sa buhay, lalo na iyong pagkasira… Tama iyan, isa siyang krusado at magpapatuloy siya. Inuutusan din ang DENR na tingnan ang lahat ng permiso na naipagkaloob sa pagmimina, pagtotroso, at iba pang sensitibong aktibidad na pangkapaligiran, garantiyahing sumusunod sa istandard ng gobyerno at kung sigurado—ito na iyong pinakamaganda—amyendahan, suspindehin, o ipawalambisa ang mga permiso, sige ituloy. Gusto kong pasalamatan ang Diyos na nagkaroon ako ng pagkakataong ito, totoo. Hindi ako… wala namang ano, hindi ko naisip na aabot ako dito. I’ve always had that crank sa isip ko mahirap itong ano.

Gaya nitong Laguna Lake, naubos na ang mga…wala na ang mga mangingisda. Yun na lang kaibahan ng isang malaking palaisdaan sa iba, iyon na lang ang sa mga tao. Makikita mo sa eroplano, tuwing pumupunta ako sa Davao at dumaraan sa lugar na iyon. Palagi, nakita ko talagang wala nang ano. At nagrereklamo na ang mga mangingisda tungkol sa pagkalugi. Talagang wala na sila. Kasi ang maliit na lugar, iyon lang ang kanila. So dito pinadaan ko lang sa diplomasya na ang Laguna Lake ay magiging isang aktibong economic zone na nagpapakita ng ecotourism sa pamamagitan ng paglutas sa negatibong impact dulot ng pagkasira ng watershed, kumbersiyon ng lupa at polusyon. Ito ang nilagay ko.  Ito ang sinasabi ko sa inyo—ang mahihirap na  mangingisda ang may priyoridad sa pagmamay-ari nito.

Ang utos kay Gina ay, “ayusin mo, Ma’am.” Huwag mo namang ipitin, pero kailangang bawasan nila ang lugar na ookupahin. Hindi puwedeng iyo lang lahat ng pakinabang. Sila na iyong may pera, kailangan itong matigil. Kung sakaling tanungin kung sino ang may ari niyan, simple lang, mga Heneral, mga Meyor, Gobernador, baka Kongresista. I mean, hindi ito personal. Palagay ko kailangan kong gawin ang bagay na ito, dahil ito ang tamang gawin.

Para magkaroon ng sapat na pasilidad sa pagtatapon ng basura para sa Metro Manila, ang pinal na pagsasara at rehabilitasyon ng Carmona Sanitary Landfil ay ipagpapatuloy habang pinag-aaralan ang paggamit ng tamang pasilidad sa waste-to-energy.  Marami iyan, napakabilis ng pagdating ng teknolohiya.  Sa bahagi ng pamamahala kailangang palakasin ang ating pagsisikap sa bagay na ito. Taas mo na, mataas yang paragraph na iyan—piliin ang pinakamagaling, anong sabi ang taas nito—mabubuang ka.

Para mas maayos ang pamamahagi ng publikong impormasyon, kinakailangang magpasa ng batas, sinasabi ko sa Kongreso, na likhain ang People’s Broadcasting Corporation, kapalit ng PTV-4, ang estasyon ng TV na pinatatakbo ng gobyerno, na gusto ngayong gayahin ang mga broadcasting network ng ibang bansa. Ang mga grupo gáling sa mga international news agency—gusto kong banggitin na, iyong mga interesado, BBC—ay nakatakdang dumalaw sa bansa sa lalong madaling panahon para sanayin ang tauhan ng mga government-run channel—ito ang gusto ko, tutal pera naman ng tao— ipatupad ang editoryal na kalayaan sa pamamagitan ng mga makabagong programa at matalinong pagtrato at pag-analisa ng mga pagbabalita, gayon din ang mga mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang Kawanihan ng mga Serbisyo sa Brodkast ng gobyerno, mas kilala bilang Radyo ng Bayan, ay sasailalim din sa modernisasyon para maging praktikal at maaasahan para sa wasto, malaya, at mga malinaw na balita at komentaryo.  Isasanib ang Radyo ng Bayan sa PBC.

Habang naghahanda ng isang Presidential Communications Satellite Office sa Lungsod Davao, magtatayo rin ang PBC ng mga broadcast hub sa Visayas at Mindanaw. Sa Lungsod Davao rin matatagpuan ang kauna-unahang tsanel na Muslim, tatawaging Salaam Television, at ang unang tsanel na Lumad.

Makikipag-ugnay ang PCO sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap at sa Presidential Legal Counsel sa pagpapatupad ng bagong pinagtibay na EO sa  Freedom of Information. Inilabas na ang Executive Order na ito. Bilang halimbawa, sa bahagi ng Sangay Ehekutibo, para gawing sukatan ng mga gawain ng gobyerno ang transparency at integridad, ang savings at gastusin  ……

Ang PCO, sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap, ay naghahanda ng Atas Pampangasiwaan sa Presidential Task Force tungkol sa mga media killing.

Hindi tinatanggap ng gobyernong ito ang karahasan at paniniil sa midya. Ang bona fide media, bona fide media, kung minsan binibigkas itong bona fid, pero anuman ito, ang tunay na midya ang siya nating laging kapartner sa pagbabago. Medyo hindi klaro yan. Hindi, anong gawin mo sa hindi bona fide media? Yan ang problema.

Para matugunan ang mga backlog at mabagal at hindi episyenteng pagsasagawa ng prosekusyon, ang mga proseso ng  imbestigasyon at paghawak ng kaso ay gagawing streamlined, pati na ang para sa mga ilegal na droga at mga heinous crime.

Para wakasan ang laganap na kultura ng takot at pananahimik na bumabalot sa ating sistema ng hustisya, hinihingi ko sa Kongreso, kayo, na isabatas ang Whistleblower Protection Law samantalang ang kasalukuyang Witness Protection Program ay palalakasin.  Hirap maging Presidente, maski dito lang.

Ang bilang ng mga abogado at pantulong na tauhan sa PAO,  ang Public Assistance [Attorney’s] Office, mga tanggapang rehiyonal at pandistrito ay dadagdagan para higit na maserbisyohan ang mga mahihirap.

Sa ngayon, inatasan ko na ang DILG na magpakalat ng impormasyon at kampanya sa buong bansa tungkol sa pederalismo, sa pakikipag-isa sa iba’t ibang kaalyado at sa mga LGU, lipunang sibil, masa, at mga organisasyong pampananampalataya. Hinto muna ako dito, itong federalism.

Ewan ko kung tama, alam mo itong bayan natin, uulitin ko, alam kong alam ninyo ito. Noong 1521 o 1526 dumaong si Magellan sa Leyte—Kumare ko man ito, salamat mare ha. Isandaang taon nang Islam ang Mindanao. So ano ito, imperyalismo ito. Nagkaroon ng kawalang katarungan sa kasaysayan laban sa mga Moro. Kailangan nating itama ito, pero imposible ito ngayon.   Kaya kayong mga kapatid kong Moro, alam naman ninyo—ako, dumayo ang tatay ko roon, kaya may halo ang dugo ko, Moro pati Kristiyano. Pero alam ninyo, intindihin na lang natin ito na hindi natin maibabalik sa inyo ang lahat ng nakuha ng mga Amerikano, Español, pati iyong mga Filipinong mga kapitalista. Ang mga nagsamantala sa Mindanao gamit ang slogan na, “pumunta sa Mindanao dahil ito ay lupa ng pangako.” Dahil sa pagpasok ng napakaraming tao na karamihan ay nanggaling sa Bisaya, nagkaroon tayo ng… hindi natin ito masosolusyonan sa paraang gusto ninyo. Kailangan nating magkaintindihan, pagkatapos ay kailangan ninyong mamuhay kasama ang bawat isa, pero susubukin natin.

Ang sinasabi ko lang, babalik ako, dahil sa federalism, sina Misuari, Sema at ang lahat—kahit ang mga lider na politiko ng Mindanao ay sasang-ayon dito. Hindi natin, maaalalang hindi ko masyadong dinidikdik ang Abu Sayyaf dahil  konektado talaga ito sa mga unang pag-uusap nina Misuari, ng mga Pangulo— mula kay Pangulong Marcos at ngayon, hanggang ngayon. Ang tanging paraan, sabi nila upang matamo natin ito, iyong BBL ibigay na natin, alisin na lamang ang mga bagay na  hindi ninyo gusto, iyong mga isyung konstitusyonal, tanggalin muna natin. Ibigay ko iyong lugar, nandiyan na iyan e. Kaya hinihiling ko sa inyo, pagtibayin na ninyo ito huwag na lang isama ang mga isyung kontra sa Konstitusyonal. Ibigay na natin at kapag may sistema nang federalismo, isali mo na sa package kasama si Misuari. Iyan ang solusyon para sa Mindanao, wala nang iba, maniwala kayo, wala nang iba pa ang puwedeng solusyon. Pag-isipan ninyong mabuti ito, pagnilay-nilayin, dahil iyon ang tanging paraan para magpatuloy.

Sa hiling ng ating mga mamamayan tungkol sa mabilis na pag-iisyu ng mga pasaporte ng Pilipinas, sisikapin ng gobyerno na maamyendahan ang 1996 Batas sa Pasaporte para mapatagal ang bisa ng mga pasaporte mula sa kasalukuyang limang taon para gawing sampung taon. Tutal, kayo naman ang maggagawa ng batas, kayo ang magpapatibay ng batas, kahit na gawin pa ninyong 30 taon, okey ako. Bahala kayo. Basta, patagalin lang ninyo nang kaunti dahil ang limang taon ay karaniwan na lang. Matagal pa naman itong passport, mag-aplay ako ng mga 10 araw—alam mo, gusto kong tawagin ang atensiyon ni Kalihim Yasay.

Kung pupunta ka sa Davao, tumingin ka doon sa … tumingin ka sa likod, likod ng itong mall, ‘yung malaking mall. Sige, pangalanan na natin—SM. Doon, iyong mga tao nandiyan sa pavement natutulog. Sa maraming beses na nadaan ako na walang ulan, doon yan sila. Sapagkat first come, first served at ang nag-iisang outlet doon, ang outlet ng iyong departamento ay iyong sa SM.  So iyong mga―maawa ka roon parang dito sa side ng Cotabato, lahat ng Cotabato, doon sa Davao.  Karamihan niyan walang mga bahay, kung ikaw ay isang aplikante sa Davao City, mabuti kung gayon.

Pero alam ninyo kung walang―mahirap kasi ano.. Maka-remind yan mga Moroano, naghihiga sa mga pavement, nasasaktan talaga ako. Masakit e.  Buong gabi maghintay diyan hanggang magbukas ang SM, kasi first come first served. Kaya sabi ko―inadres ko ito sa lahat ng miyembro ng Gabinete, gamitin ang computer. Ayokong makakita ng mga táong nakapila sa init ng araw. Ayokong makakita ng mga táong nakapila sa ulanan na may mga ganun.  At gusto ko itong Labor – wala na ito sa script.  Iyong prompter natutulog na siguro ito, papindot-pindot diyan. Alam mo, nandiyan naman iyan.  Sabi ko, ang gusto ko ay isang journal. Kapag iniharap ng aplikante ang mga dokumento, bigyan ninyo siya ng shopping list, huwag ninyong dagdagan o bawasan iyon, iyon na iyong final.  At kapag nasunod na niya iyon, mabuti, wag mo na siyang pabalikin. kasi kung magtawag iyan sa 8888, my God puntahan ko talaga kayo, ‘yan ang bisyo ko nung meyor ako. Making a difference ito, meyor-presidente.  Puntahan talaga kita at hiyain kita sa maraming tao. At tatanungin kita sa harap ng marami kung ano ba ang nangyari at nagkaganito.

Pupuntahan ko talaga kayo.  Lokal, barangay, pulis, militar, lahat, bigyan mo ng shopping list, ‘wag mo lang pabalikin dahil pag magtawag ng 8888 iyan, tapos makita ko na balido ang reklamo, bahala ka, anong walang panahon, pupuntahan kita sa opisina mo at  tatanungin kita, “bakit?” Bigyan mo ng stub, kailangan mong gumamit ng actuarial ability, madali ‘yon. Pero pagtanggap mo ng tao, ang pinatutungkulan ko ay ang aking sarili—journal, papirmahin mo siya, lagyan mo doon, tingnan mo sa computer, magkonek ka doon sa actuarial…hindi mo kailangan ng bobo diyan e. Kasi matatapos siguro iyan mga susunod na buwan, tapos na. Projections lang naman. Balik ka dito August 15, 3 o’clock, pagdating ibigay mo. Ngayon kapag nagpunta siya sa Malacanang, at sinabi niya ang tungkol dito―para sa mga may balidong dahilan para magreklamo tungkol sa katiwalian, bukás ang gate ng Malacañang.  Doon ka.  Magsumbong ka, at sasabihin sa akin ng aking military o aide o yung si ano―itong nagbigay ng tubig, “Sir, dito marami kang …”

At ang dahilan kaya hindi ako lumalabas, hindi ako tumatanggap ng mga imbitasyon—dahil tuwing magbibiyahe ako sa paligid ng Maynila nagiging sanhi ito ng grabeng pagsisikip ng trapiko.  Kasi pati itong pag-uwi ko, ito rin ang nakikinita ko—paglabas ni presidente, ano yan picture taking, ganoon at sisimulan nilang harangan ang…iyong mga daan patungo sa …ganoon iyan tuwing lalabas ang Pangulo, ganoon iyan. So paparahin nila iyan, sabihin nila dadaaan iyan sa ganitong oras, samantala sarado iyan, di paglabas ko kala mo Biyernes Santo, walang sasakyan diyan.  Yun pala naging grabe na ang trapiko, ang dulo ng trapiko ay nasa kung saan, limang kilo―at mga dalawa hanggang tatlong oras bago bumalik sa normal ang lahat. Kaya hindi ako tumatanggap nang―at ayaw na ayaw kong magbiyahe. Kasi talagang lilinisin iyan e, ito namang―ang taas kasi ng entourage Presidente, dulo sa dulo may ambulansiya. Hindi lang entourage,  parang prusisyon na. Sabi ko dalawa, tatlo tama na, sa gitna lang ako. Pero ang totoo mag-taxi lang ako dito sa likod, sunod lang ako, E takot ba sila na…ano ba ang makuha mo kung patayin mo ako?  Para ano, may ambulansiya roon, dagdagan mo na lang punerarya.

Inatasan ko na rin ang DFA para gawing simple ang mga kailangang dokumento para sa aplikasyon sa pasaporte at magbukas ng mga dagdag na Consular office sa mga estratehikong lokasyon para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila at maiwasan ang mahahabang pila na nagiging sanhi ng paghihirap at pagdurusa ng mga nag-aaplay ng pasaporte.

Inatasan ko rin ang bagong likhang DICT, Information and Communication Technology, na bumuo ng isang National Broadband Plan para mapabilis ang pagkakabit ng  fiber optic cables at wireless technologies para mapabilis ang internet.  Ito para ito sa … alam ko, Mahal kong mga kababayan maligayahan kayo nito. Pagpaano mo lang yung Tagalog ko, kasi e kayo hindi kayo marunong mag-Visaya, e di.

Magkakaroon ng libreng wi-fi access  sa mga piling publikong lugar, kabilang na ang mga plaza at mga parke, mga publikong aklatan, mga eskuwelahan, mga gobyernong ospital, mga estasyon ng tren, mga paliparan at mga daungan.

Ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang pagsumitehin ang kanilang mga kliyenteng ng mga aplikasyon para sa koordinasyon, ng mga pinagsama-samang iba pang ahensiya. Taas mo, wala na iya, ayaw mo magsalita. At national portal, oo, dahil ito ay ating… parang website.

Ito: Palalakasin natin…mainit talaga ako dito. Para sa akin, kapantay ito ng pagturing ko sa droga.  Palalakasin natin ang giyera laban sa mga human trafficker at mga illegal recruiter na nambibiktima sa ating mga migrante.

Para magarantiyahan na ang pinaghirapang pera ng ating Overseas Filipinos ay nasa mabuting kamay, dapat itaguyod ang isang mandatoryong edukasyong pinansiyal para sa lahat ng pamilya ng mga migrante at ang kanilang mga komunidad kasama na ang mga insentibo upang mahikayat silang magnegosyo.

Tinatawagan ko rin ngayon ang Kongreso na isaalang-alang ang paghahanda ng mga panukalang-batas para pag-isahin at pagsamahin ang mga ahensiya at tanggapang may kinalaman sa Overseas Filipinos sa isang kagawarang magpopokus at mabilis na tutugon sa mga suliranin at pangangailangan nila.

Kailangan mo ng isa. Ngayon sinabihan ko … ewan ko, nandito ba si Kalihim Bello? Bebot. Wala? Absinero talaga iyan.  Maski sa Gabinete absinero iyan.  Gusto kong magrenta siya, umupa ng ilang gusaling malapit sa… para sa mga nangingibang-bansa lamang. At lagyan ko na―atas na ito sa lahat…BIR, lahat na. Lahat ng may kinalaman sa mga clearance ng pulis, sa isang gusali, may booth lang.  Sabi ko, “Diyos ko, gamitin ang computer.” Kaya doon lang siya mag-ikot sa isang gusali. Ang Filipino, hindi na siya magpunta doon sa Statistics, hindi na magpunta  doon sa ano, diyan, diyan sa opisinang iyan.  Gamitin ninyo ang computer at makukuha ninyo agad ang mga resulta.  Bakit kailangang magpunta pa niya sa Malate, at pagkatapos ay magdusa sa trapiko, isang dokumento lang ang kaya niyang matapos sa isang lakad.

Ang mga NBI clearance ay doon na ninyo ibigay, lahat na doon na. At kung dapat…may awa itong si Bello, pakainin ninyo iyong mga tao doon, lalo na sa probinsiya.‘Pag tingin ninyo taga-probinsiya, tapusin ninyo agad. Gamitin ang computer. Kapag hindi ninyo ginamit iyan, tapon na lang ninyo. Itapon na  ninyo ang inyong mga computer at nauunawaan ko ‘yan. Gamitin ang mga computer. Taas mo na ‘yan, wala na iyan.

Para maiwasan ang parang iskuwater sa mga relocation site, hinihiling namin ang mga utilities na gaya ng Meralco at kooperatibang pang-elektrisidad na  makapagserbisyo sa pamamagitan ng direktang koneksiyon sa mga relocation site at mahihirap na lugar.

Alam mo kung bakt?  Hindi na nila nilagyan diyan e. ‘Yan ang dahilan kaya kailangan ko kayong kausapin nang ganito. At bakit? Dahil walang koryente pagka mahirap ka.  Hindi mo pag-aari ang lupa, ang City Engineer ay hindi―’yan ang karanasan ko, 23 taon, bilang meyor. Hindi yan magbigay ng direct connection, kasi hindi ikaw may-ari ng lupa. Pero ang iskuwater na iyon ay nandoon na nang 20 taon. Kaya magconnect-connect sila. Pagka-connect-connect nila, ang gamitin nila iyong wire na…iyong pinakamura.  So, nag-o-overheat kasi connect-connect na sila kung sinong…minsan magnakaw.  Alam mo, kailangan nating gumawa ng mga adjustment. Hindi ang mga taong ito ang magkokorek, dahil wala sila sa posisyon para gawin iyon. Kayo ang dapat mag-adjust sa pangangailangan ng mga tao. Tutal iyan namang… iyan naman iskuwater na iyan, hangga’t ako ang nakaupong Presidente, walang magiging demolisyon kung walang relokasyon. Hindi talaga ako papayag.  Hindi naman aso iyan na―gaya ng sa Davao.  Gusto kong makipagdiyalogo sa mga negosyante. “Sir, magkano man ang inyong invest sa lupang ito, ang bili mo sa mga iskuwater?” So, binili ko ito ng mga 60 milyon? Dagdagan mo ng 20 milyon, ako na ang bahala. Sabihin ko doon sa mga tao,”bili tayo ng relocation site o bibigyan ko kayo.” Kukunin ng gobyerno. Gagamitin ko ang kapangyarihang kumuha. Gawa ko ganoon sa Davao e.  May 20 ektarya ako doon. Kukunin ko ang ibang lupa doon, iyong malapit lang. Tapos sasabihin ko, “ang 20 milyong ito ay maakatulong na makalipat kayo sa bagong lote.” At hihimukin ko ang bawat isa, iyong bagong factories doon sila magtayo.

Magtiis-tiis lang muna kayo pansamantala, para mabawasan ang mga paghihirap ng mga táong ito—iyan lang ang paraan upang magawa ito.  Pero sa halip na demolisyon, walang matirahan ang tao.  Tutal, maraming taon na ninyong hawak ang inyong mga karapatan, e bakit ngayon pipilitin mo akong magkaproblema ng ganoon.  May iba kasi hinahayaan nila ng sampu, 20 taon nang wala silang ginagawa. At pag dumating na ang oras na …ipagbili lang nila, e tayo ngayon ang distorbohin. O di gumastos ka para mas madali, magdagdag ka lang ng konti at magkakaroon ng kapayapaan. “Pag hindi, wala iyan… away na naman talaga iyan ng gobyerno at ng…tawag nila iskuwater.  Mga iskuwater naman talaga iyan. Masasaktan lang, mamatay nang wala kahit anong dahilan. E kung mayaman ka, bigyan mo naman ng konting ano, bigyan ng relokasyon at matutuwa akong makikipag-usap sa mga tao at sasabihing,”umalis kayo, hindi ito sa inyo.”

Inatasan ko na ang kinauukulang ahensiyang nagpapatupad na ipriyoridad ang pag-iisyu ng mga kailangang permit para sa pagpapaunlad ng enerhiya. – Okey iyan sa akin. Ang problema…sandali lang ‘to. Para ka diyan. Iyong mga environmentalist, mayroon tayong ano kasi…marami tayong coal, pati iyong―ito nga, itong energy emissions, wala naman akong problema diyan. Pero wag mong sabihin sa akin na kung ikaw―ambassador ka tapos sabihin mo sa akin na medyo hanggang diyan kayo, kasi kami hanggang dito lang din kami. Ano? Kayo umabot diyan. Nasa tuktok na kayo ngayon ng pagiging industriyalisado, pero kayo ang nauuna –America, China, Europe. Kayo bongggang-bongga na hanggang ngayon ay wala itong  naitutulong.

So, kung marami kayong restriksiyon doon sa kasunduang iyan, ang kasunduang sinisikap nating …naririto pa ito sa Senado.  Linawin nating mabuti ito.  Kailangan nating maging industriyalisado.  Kailangan natin ng koryente, at dahil diyan, kailangang ikonsidera ang mga emisyon. Hindi ko lang masabi ito.  Nagtatag ako ng limang economic zone dito at sasabihin mo na―marami kang sinasabi, carbon footprints, mahirap iyan.  Ang ibig kong sabihin, mahirap iyan.

Hindi ako basta-basta sasang-ayon sa kahit anong bagay na makaka-delay— anim na taon lang ako sa puwesto.  May gusto akong gawin sa panahon ng aking termino. Ngayon, tiyak kong darating na ang malalaking makina at kahit ang koryente. Pinakamura ang coal.  So, ito naman sa lokal, magkakaproblema kayo kay Gina. So, mag-usap na lang tayo, sa Gabinete na lang. Si Gina naman ay matalino, huwag ka lang magsimangot sa harapan niya. Bigyan ka niya permit maski lima. Magsimangot ka, zero. Ang kailangan lang ngayon ay maging magiliw kayo sa kaniya, ‘yun lang. Ang kailangan lang ay makipag-usap at magpaliwanag sa kaniya. Pero kung ang ―kung gumagamit ka ng state-of-the-art technology, at nakita ko iyon nang ilang beses sa ibang mga planta ng koryente sa bansa, kung maganda talaga ito, ikokonsidera natin. Sinabi ko dahil kailangan natin ang enerhiya para sa ating industriyalisasyon.

Para mapalakas ang paghahatid ng serbisyong panlipunan, palalakasin ng gobyerno ang mga programa para sa proteksiyong panlipunan para magamit ang resources at kaalaman sa pagpapababâ ng level ng kahirapan sa bansa.

Ang gusto natin ay tunay na mabawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan, matutong makabawi at ma-empower ang mga indibidwal, mga pamilya, at mga komunidad.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay gagawing independiyente kapag nakagradweyt na sila sa programa. Layunin nating mabigyan sila ng iba pang mga uri ng tulong para makatayo na sila sa kanilang sariling mga paa.

Pero ngayon, inatasan ko na ang DSWD na pangunahan ang pagbibigay ng pantulong na bigas sa pinakamahihirap na pamilya—para makakain man lang bawat buwan. Iyong sako na ano…

Plano naming dagdagan ang badyet para sa batayang edukasyon at isama dito ang kailangang edukasyon tungkol sa masasamang dulot ng droga.

Papalawigin din namin ang programa ng Alternative Learning System. Magbibigay din ang gobyerno ng panlahatang pangkalusugang seguro para sa lahat ng Filipino… Sali na lang natin sa Philhealth.

Palalakasin ang propesyonal na kahusayan at kakayahan sa pagpapatakbo ng lahat ng ospital at pangkalusugang pasilidad ng pamahalaan.

Sang-ayon sa internasyonal nating tungkulin at sa pagtalima sa pambansa nating mandato, pinapangako ng administrasyong ito na poprotektahan ang karapatan ng kababaihan katulad ng sa karapatang pantao. Dahil hindi katanggap-tanggap ang pang-aabuso sa ating kababaihan… mambugbog ka ng babae.

Kaya naman, inaatasan ko ang lahat ng ahensiya, mga oversight body, at lokal na yunit ng gobyerno hanggang sa mga barangay na ganap na isagawa ang Magna Carta ng Kababaihan. Sa paggawa nito, magagarantiya natin na ginagampanan ng lalaki at babae ang tungkulin bilang magkatuwang para sa pag-unlad na ekonomiko, panlipunan, pangkultura, at politikal ng ating bansa.

Para naman sa mga kapatid nating Lumad—at narito sila, siguro sa labas…sa labas, sigurado ako. Sinabihan ko ang mga guwardiya na papasukin sila kung gusto nila. Sa kanila man ‘to. Ito ang masasabi ko: Ginawan na kayo ng pamahalaan ng Katibayan ng Titulo ng Lupang Minana na sumasakop sa malalawak na lupain, lalo na sa isla ng Mindanao. Naririyan ang Indigenous Peoples’ Rights Act, at Pambansang Komisyon sa Katutubong Mamamayan para protektahan at gabayan kayo.

Binigyan na kayo ng pamahalaan ng legal na kasangkapan para pagbutihin ang mga sarili ninyo, sa usaping pinansiyal, ekonomiko, at panlipunan. Gamitin ninyo ang inyong lupang minana. Huwag niyong hayaang matengga ito.

Pero handa man lagi ang pamahalaan na tulungan kayo, kailangan ni’yo munang tulungan ang mga sarili ninyo. Hindi kami makagagawa ng batas para payamanin kayo. Kayo lang ang makakagawa noon. Hawak ninyo ang tadhana ninyo, pero gawin ninyo ito nang ayon sa Konstitusyon at batas.

Pagkatapos nating masalanta ng mga natural at gawang-táong kalamidad sa nakalipas na ilang taón, hindi pa tayo ganap na nakababawi sa sakit ng pagkawala ng mga mahal natin sa buhay, maging sa kagamitan, mga bahay at kabuhayan nating nawala.

Marami sa atin ang sariwa at masakit pa ang sugat ng damdamin. Hindi natin mabura sa ating alaala ang imahen ng kamatayan at pagkawasak. Hindi natin maalis ang masangsang na amoy ng nabubulok na laman. At marami pa rin sa atin ang naghihintay sa pinangakong tulong. Napalitaw rin ang laki sa problema ng droga sa bilang ng mga sumusuko sa atin na dumadami nang paisa-isangdaan bawat araw na lumilipas. Mula 1 Hulyo, mayroon nang 3,600 naaresto kaugnay ng droga. May 120 (120,000) lulong sa droga na ang sumuko at 70,000 (7,000) dito ang mga pusher.

Tingin ninyo maliit lang ito…kakailanganin ang lahat ng kayamanan at kakayahan ng gobyerno para labanan ang giyerang ito. Interes lang ng bayan ang nasa isip ko. Pero ang iniwan ng giyerang ito dahil sa sinabi ng PDEA—nasa—iyon ay pahayag na inilabas ng Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot/Philippine Drug Enforcement Agency.

Dalawang taon na ang nakalipas, naglabas ang PDEA ng pahayag na mayroong tatlong milyong adik sa ating bansa. Dalawa o tatlong taon lang ang nakalipas. Gaano na kalaki sa tingin ninyo ang dumagdag kung bibilangin natin ngayon. Maging liberal tayo sa pagdadagdag, siguro…lagyan natin ng pitong libo. So, tatlong milyon at pitong daang libo. Malaki-laki at nakatatakot ang bilang na iyan. Wala dito ang mga drug lord na gusto ninyong sakalin. Walang mga bilyonaryo dito. Ang mga nahuhuli lang natin ay mga tenyente. Ginagamitan nila ng teknolohiya. Niluluto nila ang droga sa internasyonal na dagat. Tinatapon niya iyan bulto, balde-balde, dikitan nila ng GPS. So makikita agad.

Hindi na kami nahihirapan sa intelligence dahil nag-imbento sila nitong direct satellite. Hindi na magdadaan iyan ng…ita-triangulate na lang nila kung saan…pag-ikot noon. At sobrang dami nila…nasa maliliit na look. Kung hindi natin tutulungan ang mga kaibigan natin dito sa Asia at Amerika at Europa, ang dami pa lang at problema, maniwala kayo sa akin, malulunod na tayo bilang republika.

Kayo, tingnan ninyo ito. Paano ko malulutas ang problema ngayon sa pag-aresto? Hinahanap ko… matagal na akong presidente. Gusto kong patayin, ang problema pupunta pa ako doon, tapos manghihingi ako ng permiso sa bansang pupuntahan ko dahil papatayin ko ang mga hunghang na ito dahil sinira nila ang bansa ko. Ganoon iyon e. Hindi lang kasi naintin—ayaw pa naman bitiwan, kasi ayaw naman kasi ng militar, pati ng pulis.

Pero alam ninyo, sabi ko, magsasalita ako sa harap ng Republika sa pamamagitan ng mga kinatawan nito, para sa mga tao. Kaya sasabihin ko na ngayon paano natin malulutas ang problemang ito? Sabihin ninyo sa akin. Ako naman okey lang e. Sige, isapubliko natin. Isekreto natin, kung pumunta ka kay meyor, pumunta sa iyo, sa bahay mo, okey. Pero ganoon na talaga kalaki ang problema. Sa sobrang laki nito,  natatakot ka nang galawin ito. Dahil alam mong hindi mo rin naman ito mapipigilan.

Mabunggo mo isa dito, hinulog sa dagat e marami namang nagluluto doon. Labo-labo na ang mga kriminal ngayon. Kung ako, kung may eroplano at oras lang ako, sinasabi kong kaya ko—sabi ko roon sa militar, pag nakita ninyo, e di pasabugin mo. Maski sumuko na iyan, may puting bandera, panggiyera lang iyan, hindi iyan pangkriminal, pasabugin mo.

Huwag kayong maawa sa kanila, dahil hindi rin naman sila naaawa sa atin. Bakit ako mag… iyan ang problema.

Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tulad nga ng sinulat ng iba, it is when the night is darkest that dawn breaks.

Napuno na táyo ng katatagan na sinubok at napatunayan sa mga panahon ng kagipitan. Katulad sa mga nakaraang panahon, kailangan nating magbuklod at kumilos nang sama-sama. Dapat táyong magtulungan. Dahil doon lang táyo tunay na mananaig.

At ang Filipino, displinado, maalam, nakikialam, ay babangon mula sa guho ng lungkot at sakit at sa mga salamin sa mundo ay makikita ang mukha ng sigasig na nakapagbago sa bayang ito.

DAGHANG SALAMAT!

Resources