Read in English

Ano’ng dapat kong gawin para makapaghanda para sa mga paparating na kalamidad likha ng kalikasan?

Para sa mga Storm Surge o Daluyong Bagyo:

Ang Storm Surge o Daluyong Bagyo ay isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na panahon, na nagdudulot na malalakas na hangin at pag-ulan, na maaaring mamuo bilang bagyo.

I-click ang link na ito para sa mga paalala ukol sa Storm Surge

Para sa Baha:

Ang baha ay ang pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, at iba pang anyong-tubig na umaapaw sa mabababang lugar. Maaari itong magdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay.

I-click ang link na ito para sa mga paalala ukol sa baha

__________________________________________________________________________

Ano-anong mga ahensiya ng gobyerno ang dapat kong takbuhan para hingian ng impormasyon sa oras ng mga natural na kalamidad?

Para sa ulat-panahon at babala ukol sa signal ng bagyo:

Iisang hashtag para sa mga bagyo:

Sundin lamang ang hashtag #(ngalan ng bagyo)PH (hal. #YolandaPH, Yolanda = ngalan ng bagyo)

Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA)

Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko

Ang PAGASA ay isang ahensiya sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST (Kagawaran ng Agham at Teknolohiya). Nagbibigay ito ng real-time o sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo.

Kontakin ang PAGASA gamit ang:

Public Storm Warning Signals:

Inilalabas ang Public Storm Warning Signals para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo. Sa oras na maibigay ang Storm Signal, posibleng hindi pa maramdaman sa nabanggit na lugar ang masamang lagay ng panahon.

Impormasyon ukol sa Public Storm Warning Signals: Ang Public Storm Warning sa Pilipinas

Color-coded na Babala ukol sa Pag-ulan:

Narito ang tsart na nagpapaliwanag ng color-coded na babala ukol sa pag-ulan. Maaari itong ipamahagi gamit ang Twitter, media, at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan: {{3}}

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa color-coded warning signal: Ang gamit ng color-coded rainfall advisories ng PAGASA

weather9-copy-copy

Project NOAH

Ang Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) ay isang programang inilunsad ng DOST para magtatag ng isang programang tumutugon sa pag-agap at pagpapagaan sa mga sakuna, gamit ang mataas na uri ng teknolohiya upang lalong pahusayin ang kasalukuyang geo-hazard vulnerability maps. Inilalatag ng mga mapang ito ang mga lugar sa bansa na malubha kung tamaan ng mga sakuna.

Para sa mga update sa baha:

PAGASA Flood Forecasting and Warning Section

Isa itong bahagi ng website ng PAGASA binibigyan ang publikong imonitor ang mga babala at ulat sa pagbaha sa buong bansa.

Para sa mga babala ukol sa mga aktibidad ng bulkan, lindol, at tsunami:

Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya

Ang PHIVOLCS ay isang institusyong pangserbisyo ng DOST. Inatasan ang ahensiya na paliitin ng epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at ibang heotektonikong penomenon.

Kontakin ang PHIVOLCS gamit ang:

  • Website: phivolcs.dost.gov.ph
  • Ulat ng NDRRMC ukol sa lindol
  • (02) 426-1468 to 79, local 124/125;
  • I-text o tawagan: 0905-313-4077
  • I-text lamang: 0918-942-8354
    • Ipadala: Pangalan, petsa at oras ng lindol, lokasyon noong lumindol, intensity o lakas ng lindol

Para sa pagtatasa ng pinsala at kabuuang ulat ukol sa aksiyon ng gobyerno:

National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

Itinatag ang NDRRMC para sa pag-agap sa mga sakuna at pagbawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad. Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.

Kontakin ang NDRRMC gamit ang:

Para sa mga anunsiyo ukol sa transportasyon:

DOTC---seal

Department of Transportation and Communications (DOTC)

Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon

Ang DOTC ang ahensiya ng pambansang pamahalaan na nakatoka sa pampublikong transportasyon sa buong bansa. Nagbibigay ito ng mga update sa lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalsada.

Kontakin ang DOTC gamit ang:

CAAP---seal

Civil Aviation Authority of the Philippines

Ang CAAP ay isang ahensiyang nasa ilalim ng DOTC na inatasang magpatupad ng mga patakaran ukol sa civil aviation o pagpapalipad ng mga sibilyan ng sasakyang panghimpapawid. Nagbibigay ito ng mga ulat sa mga operasyon at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid.

Kontakin ang CAAP gamit ang:

coast-guard---seal

Philippine Coast Guard

Tanod Baybayin ng Pilipinas

Ang Philippine Coast Guard ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad, at search and rescue operations. Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga pantalan.

Kontakin ang Philippine Coast Guard gamit ang:

Philippine Information Agency (PIA)

Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas

Naglalabas ang PIA ng mga update ukol sa relief and rescue efforts sa mga lugar na apektado ng natural na kalamidad.

Kontakin ang PIA gamit ang:

Panlalawigang Twitter Accounts:

  • National Capital Region
    • PIA NCR: @PIA_NCR
  • Region I
    • PIA Region 1: @PIAregion1
  • Cordillera Region
    • PIA Cordillera: @PIA_Cordillera
  • Central Luzon (Region III)
    • PIA Central Luzon: @PIA_RIII
    • PIA Zambales: @piazambales
  • CALABARZON (Region IV-A)
    • PIA Rizal: @PIARizal
  • MIMAROPA (Region IV-B)
    • PIA MIMAROPA: @pia_mimaropa
    • PIA Palawan: @PiaPalawan
  • Bicol Region (Region V)
    • PIA Camarines Norte: @piacamnorte
  • Western Visayas (Region VI)
    • PIA Region6: @PIARegion6
    • PIA Iloilo: @iloiloinfocen
    • PIA Capiz: @PIACapiz
    • PIA Negros Occidental: @PIANegOcc
  • Central Visayas (Region VII)
    • PIA Central Visayas: @PIACentralViz
    • PIA Bohol: @PIABOHOL
    • PIA Cebu: @CebuInfocen
    • PIA Negros Oriental: @PIA7NegOr
    • PIA Siquijor: @PiaSiquijor
  • Eastern Visayas (Region VIII)
    • PIA Eastern Visayas: @pia_ev
    • PIA Samar: @SamarPia
  • Western Mindanao (Region IX)
    • PIA Western Mindanao (@PIAIX)
  • Caraga (Region XIII)
    • PIA Caraga @PIACaraga
    • PIA Surigao del Sur @piasurigaosur

Para sa mga anunsiyo ukol sa kuryente:

National-grid-corporation

National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

Ang NGCP ang entidad na tinitiyak ang pagbabahagi ng ligtas at maaasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas. Nagbibigay ito ng mga babala at paalala ukol sa suplay ng kuryente.

Para sa ulat sa lagay ng trapiko sa NCR:

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila

Nagbibigay ng sabay sa panahong ulat sa lagay ng mga kalsada sa Metro Manila; tumulong din sa pagkontrol ng mga baha sa Metro Manila.

Kontakin ang MMDA gamit ang:

  • Twitter: @MMDA
  • Website: mmda.gov.ph
  • MMDA metrobase hotline: 136
  • Flooding control: 882-4151 to 77, 882-0925

Iisang hashtag para sa paghingi ng saklolo:

rescue

#RescuePH ang tanging hashtag na gagamitin para sa paghingi ng saklolo ng mga mamamayang nangangailangan ng tulong tuwing may emergency at natural na kalamidad.

I-tweet o i-post sa Facebook ang pangalan, lokasyon, at numero ng tao/mga taong nangangailangan ng tulong o saklolo at ilagay ang hashtag #RescuePH.

Kung ikaw o ang taong humingi ng saklolo ay ligtas na, mangyaring paki-update ang mga tagamonitor ng sitwasyon gamit ang tanging hashtag #SafeNow, upang malaman nilang hindi na kailangan ng tao ng tulong.

Sa pakikipagtulugan ng mga mamamayan at civil society (samahang sibil), minomonitor ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (@pcdspo) ang hashtag #RescuePH at #SafeNow at tinitipon ang mga ito upang makipagtulungan sa NDRRMC.

__________________________________________________________________________

Sino ang dapat kong kontakin para sa mga pagsasagawa ng relief at posibleng donasyon?

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

Ang DSWD ay ang ahensiyang responsable sa paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mamamayang Pilipino. Pinamumunuan nito ang mga relief operation tuwing may mga kalamidad.

Kontakin ang DSWD gamit ang:

  • Website: dswd.gov.ph
  • Twitter: @DSWDserves
  • Lokasyon: NAIA Chapel Road, Pasay City (beside Airport Police Department & back of Air Transportation Office)
  • Hotline: (02) 851-2681

Iisang hashtag para sa paghingi ng relief:

relief

#ReliefPH ay ang tanging hashtag na ginagamit para organisahin ang relief operations para sa mga mamamayang sinalanta ng natural na kalamidad at iba pang sakuna. Minomonitor ng DSWD ang Twitter at Facebook upang pakilusing sama-sama ang mga relief effort nang makapag-abot ng tulong sa pinakamaraming tao sa pinakaepisyenteng paraan.

__________________________________________________________________________

Sa ano-ano pang ahensiya ako maaaring makipag-ugnayan sa panahon ng kagipitan?

National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hotlines

(02) 911-1406, (02) 912-2665, (02) 912-5668, (02) 911-1873, (02) 912-3046, Trunkline: 911-5061 to 64

Philippine National Police (PNP) hotline patrol

117 or send TXT PNP to 2920

Bureau of Fire Protection (NCR)

117, (02) 729-5166, (02) 410-6319 (Regional Director, Information Desk)

Department of Transportation and Communications (DOTC) Central hotline

7890 or (02) 726-6255

Metro Manila Development Authority (MMDA)

136, 882-0925 (flood control)

Trunkline: (02) 882-4150-77 loc. 337 (rescue), 255 (Metrobase)

Metrobase: 882-0860

Department of Public Works and Highways (DPWH)

(02) 304-3713, (02) 304-3904

Red Cross hotline

143, (02) 527-0000, (02) 527-8385 to 95

North Luzon Expressway (NLEx) hotlines

(02) 3-5000 and (02) 580-8910

North Luzon Expressway (NLEx) hotlines

(02) 3-5000 and (02) 580-8910

Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hotlines

(0920) 96-SCTEX (72839) (traffic hotline) or (045) 459-0522

Skyway System Hotline

(02) 776-7777, 0917-539-8762 (globe)

0999-886-0893 (smart)

0932-854-6980 (sun)

South Luzon Expressway (SLEx) hotline

(049) 508-7509

(02) 584-4389

(02) 584-4605

(02) 584-4605

(02) 584-4654

(049) 502-8956 (Laguna)

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hotline

(02) 433-8526

Para sa karagdagang mga hotline, pakipuntahan lamang pahinang ito.

Para sa online na direktoryo ng mga LGU o lokal na pamahalaan, pakipuntahan lamang ang pahinang ito.

______________________________________________________________________

Ano-ano ang mga batas para sa pagsususpinde ng klase o trabaho sa mga opisina ng gobyerno?

I-follow lamang ang hashtag #walangpasok sa Twitter.

Para sa mga sariwang ulat tungkol sa pagsususpinde ng klase:

deped---seal-1

Department of Education

Kagawaran ng Edukasyon

Nagbibigay ang DepEd ng update ukol sa mga anunsiyong mula sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa pagsususpinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kontakin ang DepEd gamit ang:

  • Website: deped.gov.ph
  • Twitter: @DepEd_PH
  • Lokasyon: DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City
  • DepEd hotline: (632) 636-1663, (+63) 919-456-0027

walangpasok

Mga panuntunan para sa awtomatikong suspensiyon ng klase ayon sa Executive Order No. 66, s. 2012:

Signal No. 1: preschool, sa mga apektadong lugar

Signal No. 2: preschool, elementarya, at hay-iskul, sa mga apektadong lugar

Signal No. 3: preschool, elementarya, hay-iskul, at kolehiyo, sa mga apektadong lugar.

  • Maglalabas ang PAGASA ng mga ulat-panahon nang di-lalampas ng 10:00 p.m. ng nakaraang araw at 4:30 a.m. ng araw na kakasenlahin ang eskuwela at trabaho.
  • Sa mga pagkakataong epektibo lamang pagdating ng hapon ang suspensiyon ng klase at trabaho, kailangang maglabas ang PAGASA ng ulat nang di-lalampas sa 11:00 a.m. ng naturang araw.

BYa_38YCQAAC2N8

Pagkansela o Pagsuspinde ng Lokal na Pamahalaan ng pasok sa eskuwela at gobyerno:

Sa kawalan ng typhoon signal warning:

Bilang tagapangulo ng Local Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), maaaring ipatupad ng lokal na mga punong tagapagpatupad ang lokal na kanselasyon o suspensiyon ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno. Gagawin niya ito sa pakikipagtulungan sa PAGASA at NDRRMC, ispesipiko sa mga bahain at mapeligrong lugar.

*Ilalabas ang anunsiyo nang di-lalampas sa 4:30 a.m. ng araw na kakanselahin ang klase at trabaho, o di-lalampas sa 11:00 a.m. para sa suspensiyon pagsapit ng hapon.

Samantala, ayon sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 15, s. 2012, ang suspensiyon ng mga klase sa kolehiyo, kasali na ang graduate school, ay awtomatiko kapag idinekalara na ng mga opisyal ang signal no. 3. Kung wala, nasa pagpapasya na ng mga pinuno ng instusyon ang pagsususpinde ng klase.

Pagkansela o Pagsuspinde ng Klase at Trabaho sa Gobyerno sa Panahon ng Ibang mga Kalamidad:

Ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, pati na ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno ay maaaring kanselahin o isuspinde sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad bukod sa bagyo, tulad na lamang ng baha, lindol, tsunami, sunog, at iba pa. Nakadepende ito sa pagdedeklara ng Pangulo ng State of Calamity ayon sa rekomendasyon ng NDRRMC.

Sa pakikipagtulungan sa NDRRMC, ang kinauukulang LDRRMC, na pinamumunuan ng lokal na punong tagapagpaganap, ang magiging responsable sa pag-aanunsiyo ng suspensiyon ng klase at trabaho sa gobyerno sa mga apektadong ligar. Kailangan nitong gamitin ang lahat ng anyo ng mass media maaari nitong gamitin sa mga pagkakataong iyon.

 

Read in English