President Aquino at the launching of Bustos Dam Rehabilitation Project

Nito ngang Enero, napirmahan na natin ang kontrata para sa Bulacan Bulk Water Supply Project, at may preconstruction activities na sinisimulan na po. July pa dapat magsisimula po yun, pero sa kasalukuyan ginagawa na. Layon nga po ng mga proyektong ito na, unang una, mapalitan yung pinagkukuhanan ng tubig na hindi na deep well. Ito na po ay papunta tayo sa tinatawag na “surface water.”